Ako: Guess what? Panalo kami!! Ang galing ko diba? Ang galing namin diba? Sayang wala akong video. I miss you, dewdew. I love you! ♥ Masaya ako habang tinitipa ko ang text ko kay Dewlon. Sobrang saya lang kagabi kaya ngayon ko lang natext si Dewlon. Tapos, hindi pa ako nakakapag-charge kaya wala akong chance para itext siya. Nagparty pa kami kagabi matapos i-announce kung sino ang nanalo sa mga sobrang 15 na sumali sa battle of the bands. Tinext ko narin si Mama, Papa, Ninang, Jewel, Kyona, Dreena, Zander at Nicaela sa balita. Sobrang saya nila at mag-paparty din daw kami pagbalik. Si Papa nga OA mag-react kasi tumawag pa, pero si Mama, nanermon pa. Sus! Hindi pa nga ako makapaniwala na nadala nanaman ulit kami sa top 3 na lalaban sa Manila. Ang galing nga kasi wala naman kaming experie

