Hindi ko alam kung may ano sa araw na to kung bakit lahat ng tao nag-wa-walk out. Una 'yung babaeng bokalista dito, yung gitarista at ngayon naman ako. Dire-diretsyo ang lakad ko pagkatapos nang kanta. Umalis kaagad ako at iniwan si Heero doon. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ko talaga maintindihan. I mean, kaibigan ko si Heero. Kaibigan ko siya at hindi ko ma-imagine na magkakaroon siya ng nararamdaman sakin o kung ano man. Ipinagtanggol ko pa siya kay Dewlon kasi naniniwala ako na magkaibigan lang talaga kami. Oo, kaibigan ang turing ko sa kaniya, pero hindi ko alam na...na ganito pala... May nararamdaman ba talaga siya sakin? O baka naman pinagti-tripan lang ako ni Heero? Pero hinalikan niya ako sa pisnge! Napapitlag ako nang may humila sa kamay ko at pinaharap sa kaniy

