"Please, Ysabel? Pleaseeeee!" pagmamakaawa ko kay Ysabel habang sinusundan siya sa next class niya kahit di na kami magkaklase at si Mixx naang. Nauna na nga 'yun sa room namin. "I told you already that I stopped singing? I don't even know if I still can." mahinang sagot niya. Ngumuso ako, "Please, Ysa. Yayayain ko si Nikke para bumack up sa'yo tapos si Mixx sa drums. Gusto ko kayong tatlo tumugtog sa engagement party ko," bulong ko, baka kasi may makarinig na iba. Sabi ni daddy, exclusive daw 'yung engagement party namin kaya pili lang daw ang mga iimbitahin. May listahan na si daddy ng mga pwede niyang imbitahin tapos ako naman ay naglista narin at dala sila Ysabel roon. Gusto ko sanang imbitahin ang buong angkan ko pero saka nalang kung ikakasal na talaga ako. Baka kapag nalaman ng

