"Hoy, Mr. CEO! Bakit hindi ka nagpaparamdam sa'kin, ah?" seryosong tanong ko sa kaniya ng makaupo kami sa table namin kanina nila Mixx. Nagsayawan na sila roon pagkatapos naming mag-perform. Hinila ko si Dewlon paalis ng dancefloor kasi marami pa siyang dapat i-explain sa'kin at ito ako, kasalukuyang tinatanong siya. "I told mom to tell it to you and why are you here?" tanong niya at umiwas ng tingin at mukhang naglalakbay kung saan. Tsk! Bakit? Ayaw niya ba 'kong makasama? Tapos change topic pa siya kanina pa! "Si mommy pa nga mismo ang nagsabi na mag-usap tayo. Bakit di mo nalang sinabi sa'kin? May cellphone ka at magkapit-bahay lang tayo at pareho naman tayo ng school na pinapasukan kaya wala talaga akong maisip na dahilan para di mo sabihin sa'kin," sabi ko sa kaniya ng seryoso. "A

