Matapos kaming mahulog sa bangka, nirespondehan kami ng mga taong malapit samin kaya ngayon basang basa kami ni Dewlon na nakaupo sa bench dito sa may park. Binigyan kami ng towel para makapagpatuyo. Sinabihan kami ng mga tauhan sa Burnham Lake na kung maari ay doon nalamang sa Burnham Hotel magpalipas ng gabi. Kahit na nasa kotsye lang ang iba pa naming gamit doon nalang din kami tumuloy. Mabuti nalang at medyo walang nabasa sa mga gamit ko sa bag kasi agad ko itong inangat para wag mabasa. Kita mo? May katalinuhan din naman ako minsan. Nang mag-checked in kami ni Dewlon, hindi kami pinagbayad pero ayaw pumayag ni Dewlon kaya ayun nagbayad siya pero may kakaiba ngayon sa kwarto namin. Isang malaking suite at may iisang kwarto lang pagkatapos may nakapalibot na rose petals sa kama. May

