"Omygod, ang lamig pala dito!" reklamo ko kay Dewlon ng makasakay kami sa taxi papunta sa hotel na tutuloyan namin. Malapit lang daw sa airport. "Oh, take this." sabi niya at binigay sakin ang back pack niya kaya sinuot ko naman. Binuksan niya ang maleta niya at kumuha ng jacket para sa aming dalawa. Hala! Bakit may damit ako diyan? Wag niyang sabihin pinag-impake niya ako? "Bakit may damit ako diyan?" tanong ko sa kaniya at hinalungkat ang laman ng maleta at holly mother of! May panty at bra ako dito! Agad ko itong tinago sa bag kong dala. Buti nalang talgaa dala ko palagi yung mga pera ko, at tamang tama dinala ko yung perang inipon ko sa birthday niya. Mukhang sa Baguio ko pa siya ililibre. Namula ako ng pinanood niya akong ilagay ang mga bra at panty ko na nakalagay sa isang malii

