"Where are we going?" tanong ni Dewlon habang hinahawakan ang blindfold na nakatakip sa mata niya. Tumingin ako sa kaniya, "Wag mo muna akong intrigahin, okay? Steady ka lang kasi. Hindi naman kita ipapahamak!" medyo natatawang sagot ko at marahas na niliko ang sasakyan. Napakapit siya sa upuan. "What the hell, Eunice? I'm taking this off now." sabi niya at tatanggalin na sana 'yung blindfold ng pigilan ko siya ng kamay ko. Bigla kaming pasegway segway sa daan. Naibalik ko ulit ang kamay ko sa manibela para ituwid ang pagkakatakbo ng sasakyan. Tandaan mo, Eunice. Mamahalin ang kotsye niya kaya dapat ingatan mo. Naalis na ni Dewlon ang blindfold ng hindi ko namamalayan. "Where the hell are you taking me?" iritadong tanong niya. Nagmamaneho ako ngayon at dadalhin ko si Dewlon sa peacefu

