To: Dewlon Good morning bebe dew dew! Tampo ka parin ba? Usap tayo, please? Sinend ko to ng ilang beses kay Dewlon pero wala paring reply. To: Dewlon Junnie Mari, please reply ka naman sakin, oh. Na-lowbat ako kagabi. Hindi mo man lang ako pinag-explain. Sobrang sakit na. Huhuhu. Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako nakatambay dito sa kwarto ko pero wala paring reply si Dewlon. Kagabi ko pa siya tinetext o tinatawagan pero di niya ako sinasagot. Nagtatampo talaga siya. Sabi niya hindi naman daw siya nagseselos pero bakit parang nagseselos siya kay Heero tapos idagdag mo pa na ang tawag niya kay Heero ay bastard. Biglang may kumatok sa pintuan ko. Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko. "Aalis kami ng Papa mo. Dito ka lang?" tanong ni Mama sakin. Ngumuso ako, "San kayo punta? Sa

