"What do you want for dinner?" tanong ni Dewlon sakin habang nasa loob kami ng kotsye niya at nasa gitna ng kalsada. Nanlaki ang mata ko, "Bakit? Mag-didinner ba tayo sa labas?" tanong ko. Akala ko ihahatid niya na'ko samin. Feeling ko nakakaabala nako sa kaniya, e. Sabi ko naman sa kaniya, kaya nga siya nagka-condo unit para mapadali siya sa school, pero wala rin...kasi hinahatid niya parin ako minsan tapos doon naman siya matutulog minsan sa kanila para sabay kami sa school. "Yeah. 'Cause I think we can't do this anymore in some other days. I'm going to be busy you know...." sagot niya. Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Naiintindihan ko naman na magiging busy taaga siya, e. Ano kaya kung paglutuan ko nalang siya ng lunch niya everyday? Hingin ko 'yung schedule niya? Pero alam k

