Maaga akong nagising. Ang sarap pala sa pakiramdam na pagbukas na pagbukas mo ng mata mo 'yung taong mahal mo 'yung una mong makikita. Magkayakap parin kaming dalawa. Hindi man lang pala kami natinag sa pwesto namin. At buti nalang talaga nauna akong magising. Naglaway ata ako, e. Kahit gusto ko pang humiga at yumakap sa kaniya ay bumangon na'ko. Ipaghahanda ko siya ng almusal. Ganito naman ginagawa ng wife diba? Kyaaaah! Feeling ko talaga mag-asawa na kami! Hihihi! Paninindigan ko nalang. Dumiretsyo ako sa banyo para maghilamos tsyaka mag-toothbrush. Ngingiti-ngiti akong nakatingin sa salamin. Omg, ang hot lang ng kissing scene namin ni Dewlon kagabe. Pagkatapos kung maghilamos tsyaka magtoothbrush sinilip ko si Dewlon at mahimbing parin ang tulog. Napangiti nanaman ulit ako. Grabe

