"Aba't himala at ang aga mo nagising Courtney Eunice?" di makapaniwalang tanong ni Mama ng abutan niya ako sa kusina. Nagluluto ako ng breakfast tsyaka lunch. Sinilip ni Mama 'yung ginagawa ko. "Wow ang sweet naman ng anak ko? Para sa atin ba 'yang lahat?" tanong ni Mama. "Hindi, Ma. Para 'to samin ni Dewlon. Alam mo na? Busy 'yun baka makalimutang kumain." sagot ko. Nagpabili ako kay Papa ng mga sangkap para makaluto ako ng Chopseuy. Masarap naman kaya. "Kay Dewlon? Tsss...buti pa si Dewlon. Ang landi mong bata ka!" singhal ni Mama sabay palo ng pwet ko. "Mama naman! Concern girlfriend lang, diba favorite mo naman si Dewlon? Di ka ba concern?" tanong ko kay Mama. "Hay nako! Concern ako. Concern ako kay Dewlon baka diretsyo ospital pagkatapos kumain ng niluto mo." pang-iinsulto ni M

