"Kyaaaah! Ang gwapo naman nun. Ano sa tingin mo, Kirt?" tanong ni Ysabel sakin ng mag break time kami dito sa cafeteria. Tinutukoy niya 'yung lalake kanina. Oo lalake. Tamang-tama lang pala ang schedule namin ni Ysabel at Mixx. Nagkibit balikat lang ako. Ang panget naman ng taste ni Ysabel. Ayoko namang sagutin siya ng masama kasi nga ayokong mang basag trip. Hindi ko nalang babanggitin kung sino 'yun kasi ayoko man lang isipin ang pangalan nung lalakeng 'yun. "Anong gwapo doon? Mas gwapo pa nga ako!" sabi ni Mixx. Ngayon naman ay kami naman ang di sumang ayon ni Ysabel. Nag-apir nalang kami pagkatapos. Gwapo si Mixx pero ang hambog lang talaga. Nakakatuwa tuloy siyang barahin. I-pupush niya talaga ang gusto niya pero sa pabirong paraan. Wala pang isang araw pero medyo nakikilala k

