Ito na ang araw na ayoko ng dumating sa buhay ko. Ayoko as in ayokong dumating talaga ang araw na'to. "Hoy, Kirt magmadali kana nga. Aba, nawiwili kana ata sa bakasyon. May pasok na!" sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Nakaupo ako sa kama ko. Hindi ko alam kung maliligo ba ako o hindi. Idagdag mo pa na sobrang lutang ako at feeling ko tinatamad talaga akong pumasok. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Si Dewlon tumatawag. Napatalon ako sa kama para kunin ang cellphone ko at sagutin 'yun. "Hello, bibi dewdew?" nakangiting sagot ko na may halong landi ang tono. Lol Hindi ko alam pero kapag natatandaan 'kong may call sign na kami ni Dewlon ay napapangiti nalang talaga ako. "Dalian mo na, piggy. Paalis nako." seryosong sabi niya sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko, "Nasan na 'yung

