Chapter 6: One & Only

2652 Words
Nasilaw ako sa araw kaya unti-unti 'kong dinilat ang mata ko. At doon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko. Shet! Ang sakit to the max! Napahawak ako sa ulo ko at hinimas himas ito. Napatingin ako sa buong kwarto. Pansin 'kong iba ito sa pink 'kong kwarto. Naging dark blue ito at may halong puti. Teka!? Nasaan ako? Parang kwarto ata to ni Junnie Mari, ah? "Good morning, piggy." Nilingon ko ang matipunong boses nayun mula sa pintuan. Napaawang ang bibig ko ng makitang naka-topless siya. Khaki short lang ang suot niya. Pinupunasan niya ang buhok niya gamit ang towel habang tumutulo ang ilang tubig mula sa buhok niya sa dibdib niya. Shet! Bakit ang hot dito!? Teka! Galit pako sa hinayupak na'to kaya hindi ko dapat siya pagnasaan. Umirap ako pero kumirot lang ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko. "Aaaaah! Ang sakit talaga! Shet!" sigaw ko. Ang sakit talaga! Pero ano ang nangyari kagabi? Ang natatandaan ko lang ay nag-inuman kami tapos kumakanta si Heero sa stage. Wala talaga akong maalala na sinundo niya ako sa acoustic bar. "Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kaniya. Pasalamat siya hindi ko siya masinghalan dahil masakit ang ulo ko kung hindi kanina ko pa siya hinubaran---ah este nilayasan! Sinampay niya ang towel sa balikat niya at humalukipkip siya. Kaya naman mas bumakat ang dibdib niya. At ang ABS niyang AAMMP talaga na parang tinatawag ako na hawakan 'yun. Pwede na 'kong magkape! Ammp! "You're drunk last night piggy. Dinala kita sa condo ko. Halos magwala kana sa bar kagabi. They called you a wild piggy..." nakangisi niyang sabi sabay lapit sakin. Nanlaki ang mata ko, "Hindi nga!? Hindi kaya ako piggy!" gulat na sabi ko. Nagkibit balikat siya at seryoso ang kaniyang mga mata, "You keep on calling me assh*le. Do you think it's nice to hear that coming from you?" supladong tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin, "Deserve mo naman tawagin na ganun." sagot ko na hindi tumitingin sa kaniya. Sumasakit na nga ulo ko pati ba naman puso? Kailangan ko na talagang umalis dito. Hinawi ko ang kumot at nagulat ako na iba na ang damit ko. Nanlaki ang mata ko. Hinubaran niya ako!? OMG! Ano pa ang nangyari kagabi na hindi ko alam!? Tinignan ko si Dewlon, "Bakit iba na ang damit ko? Hinubaran mo 'ko ng di ko alam? Unfair 'yun!" singhal ko kaya naman kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako. "Aray shet!" sigaw ko. Napaka-unfair! Dapat kung huhubaran niya ako, huhubaran ko din siya! Suot-suot ko ang isang malaking tshirt niya at boxer ata niya. Ammmp! Di ko naman first time magsuot ng damit niya pero yung boxer!? OMYGOD! Umangat ang labi niya at umupo sa tabi ko, "What are you thinking, piggy?" sabi niya na pabulong na parang husky ang boses niya. My god! Sineseduce niya ba ako!? Add mo pa na naka-topless lang siya ah! Napaiwas ako ng tingin dahil halos maduling ako sa kalapitan niya. "D-dapat ginising mo nalang ako kagabi! A-ako nalang magbibihis ng s-sarili ko..." nauutal na sabi ko. Dapat hindi niya mahalata na ma-tuturn ako sa kaniya kasi baka pagtawanan lang ako ng linchak 'kong jowa. Bahagya siyang ngumiti, "There's no need to be troubled. There's nothing interesting to see anyway..." sabi niya at tumayo na. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad ko siyang hinagisan ng unan sa ulo niya at sapul! Kaya naman napahinto siya at nanliit ang mata niyang lumingon sakin. "Bwesit ka, Junnie Mari!" nanggigil na singhal ko sa kaniya. Ah ganun! Grabe siya ha! Kung maghubad pala ako dito now na wala lang sa kaniya? Bwesit siya! Hindi man lang nase-sexyhan sakin! Tumayo ako kaya naman naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. "Take some pain reliever..." sabi niya sabay turo. Nilingon ko ang tinuro niya na nasa maliit na lamesa. Merong gamot at tubig. Hindi ko siya pinansin at nakabusangot akong hinanap ang bag ko. Hinanap ko sa ilalim ng kama pero wala. "San na bag ko, Junnie Mari?" inis na tanong ko sa kaniya. Aalis na ako dito! Pero teka lang! Hindi ako pwedeng umalis dito ng nakaganito lang. Aba! Baka pag-isipan pa nila ako ng kung ano na ang sa totoo nga niyan ay malabo naman ang iniisip nilang mangyari. Hindi niya ako pinansin pero rinig ko ang "tssss" nanaman niya. "Asan na 'yung mga gamit ko. Damit ko, gitara ko, sapatos ko..." hinihingal na tanong ko sa kaniya. "Dinala ko sa laundry room. I'm washing it piggy so you don't have a choice but to stay with me until it dries." seryosong sabi niya. Tinignan ko siya na naka half smile. Nakaka-in love sana 'yang mukha niya pero sa ngayon? Inis na inis muna ako sa kaniya. Oh shoot! Sila Mama at Papa nga pala? Hindi ako nakauwi kaya siguradong pinaghahanap na nila ako pero sinabihan naman ata sila ni Dewlon diba? Pero mahigpit na pinagbabawal na magsama kami ni Dewlon dito sa condo niya hanggang gabi. "Sila Mama at Papa...you know naman diba?!" inis na tanong ko sa kaniya. Tumango siya, "I know but they wont know you're here. Nasa camp silang lahat. Iniwan nila tayo. At kung sa sakaling di ka naglasing, mag-isa ka sa bahay ninyo. So I brought you here." sagot niya. Napaawang ang bibig ko. Nasa camping sila? Hindi kami sinama!? Aba, bago ata 'to? Mukhang pakana nanaman 'to ni Ninang naiwan kami. Para you know....get to know more each other daw with no limitation! Anebeyen! "Nasan na 'yung phone ko? Baka tumatawag si Mama, di ko man lang nasagot." sabi ko. Tinuro niya ang cabinet niya kaya agad ko 'tong nilapitan at binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko ay lumuwa sakin ang isang malaking teddy bear kaya naman napaatras ako. Isang human size teddy bear. Tapos tinignan ko pa ang laman ng cabinet na may papel na may sulat na nakapaskil sa loob. 'Sorry, piggy.' Yun ang sulat na nakapaskil sa loob ng cabinet niya. Napangiti ako pero hindi sapat ang sorry niya. Dapat maghubad siya gaya ng paghubad niya sakin! Joke! Pero seryoso. Di ito sapat. Alam 'kong mahiyain siya pagdating sa mga ganitong effort effort tsyaka lambing lambing pero syempre sana subukan naman niya akong lambingin ng LEVEL 100! My god! Bakit parang wala lang sakin na hinubaran niya ako? Syempre hindi naman talaga hubad na hubad. Bra at panty lang. Nakakahiya kasi naalala ko na hindi pala magkapares 'yung suot suot 'kong panty at bra. Sobrang nakakahiya 'yun. Tsyaka para naman kasing nang go-good time lang si Dewlon nung sinabi niya 'yun, e. Sa inis ko hinagis ko sa kaniya 'yung teddy bear na malaki at agad naman niyang nasalo. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Anong akala niya? Madadala niya ko sa ganyan ganyan? Aba! Kung dating Kirt lang 'to pwede pa. "Pinapatawad ko na 'yung pader na nag-sorry sakin." sarkastikong sabi ko at humiga nalang ulit sa kama para matulog ulit. No choice kasi wala akong damit para umalis. Nilalabhan pa. Nakakashet naman talaga ng feelings ooh. "Sorry na, okay?" halatang pilit lang ang pag-sosorry niya. As expected. Nahihiya siya. "Sayo na ang sorry mo." cold na sagot ko at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama 'yun ay banda sakin. "Look, I'm sorry. You know I don't really mean that. You really should have been professional on that time because she's a client." mahinahong sabi niya sabay haplos sa balikat ko. Konte nalang talaga mapapaamo na ako nitong gwapong 'to, pero dapat pa hard to get muna kahit isang araw lang tapos kinabukasan ko nalang siya patarawarin para maloko din siya kakaisip ng paraan para makuha ang loob ko. "Matutulog nako." sagot ko at pumikit. "Kakagising mo lang." cold na sabi niya. "Inaantok ulit ako." cold na sagot ko. Aba, cold kung cold tayo. "Kumain ka muna..." malambing na sabi niya. Kaya naman nagulat ako sa naging boses niya. Asus! Sige pa, Dewdew. Push mo ang paglambing sakin. "Ayoko" tipid na sagot ko. Ang totoo niyan masakit talaga ulo ko pero dahil sa medyo natutuwa ako dito sa trying hard to be malambing na si Dewlon Scott Montesor ay nawawala 'yung sakit. "Bahala ka." supladong sabi niya. Naramdaman kong tumayo na siya at lumabas siguro ng kwarto. Napairap nalang ako. Kita mo? Ang dali lang talaga niya mainip pagdating sa pagsuyo sakin pero di naman gaano 'yan magtatagal at babalik din. In one... two...three.. four..five---- Napatili ako ng maramdaman kong umangat ako sa kama. Pagdilat ng mata ko buhat buhat ako ni Dewlon ng pang bridal style. OMG! "Anong ginagawa mo!?" gulat na tanong ko sa kaniya sabay kapit ko sa leeg niya. Seryoso ang mukha niya, "Kakain ka." cold na sabi niya at lumabas na kami ng kwarto. Hinampas hampas ko ang balikat niya. Shemay! Hindi ko man lang naramdaman na pumasok ulit siya? "Bitawan mo 'ko, Junnie Mari! Ayoko sabing kumain, e!" singhal ko sabay kurot sa dibdib niya. Ammmp! Pasimpleng chansing! Meygod! Napakagat labi ako ng kurutin ko ang matitigas niyang braso. Mahina siyang humalakhak at saka ako binaba sa upuan sa maliit niyang table dito sa kusina niya. Nakabusangot nalang akong nangalumbaba sa lamesa. "I've cooked for you so you better eat what I have cooked. Sayang 'to kung di ka kakain." sabi niya at may nilapag siyang pinggan sa harap ko. Halos lumuwa ang mata ko pati ata tiyan ko biglang nagutom ng makita ko 'yung pagkaing nilapag niyang pagkain sa harap ko. Napalunok ako. Alam 'kong itlog ito pero parang ang sosyal lang tignan? At talagang naka-plating pa. Kaloka! "A-ano to?" tanong ko sabay turo sa pagkain. Humalukipkip siya at tinaasan niya ako ng kilay, "Pagkain." sarkastikong sagot niya.  "Tsss, alam ko pero anong klase?" inis na tanong ko.  "Tsss, edi scrambled egg." simpleng sagot niya.  Scrambled egg? Bakit parang ang sosyal naman? Oh gandang ganda lang ako sa pagkaka-plating niya. Tumango nalang ako at nilantaka na 'yung pagkain. Sarap na sarap ako kasi parang di lang scrambled egg ang ulam ko. "So we're okay now?" tanong niya pagkatapos kung kumain at binigyan niya pa ako ng tubig at may gamot sa tabi nun kaya naman ininom ko narin. Kumunot ang noo ko, "Ganun ganun lang? Ano akala mo sakin?" inis na sabi ko at tumayo na sa pagkakaupo ko doon.  Lumipat ako sa living room niya. Umupo ako sa sopa niya dito at binuksan ang TV gamit ang remote control. Pinatong ko ang dalawa 'kong paa sa maliit na mesa sa harap ng sopa na inuupuan ko. Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang gitara ko. "What do you want me to do, Eunice? How can I make it up to you?" malambing na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nanood lang ng palabas sa TV. Nagulat ako ng hablutin niya ang remote sa kamay ko at pinatay ang TV kaya naman napatingin ako sa kaniya at handa na sanang magreklamo ng makita ko ang malungkot na mata niya. "Look, I'm sorry, Eunice. I'm so sorry. Naiinis din ako sa babaeng 'yun but I need to be professional." sabi niya. Umirap ako, "Professional? Pinahiya mo talaga ako sa babaeng 'yun. Ang saya saya siguro ng bruha na'yun." inis na sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko, "I want you to be professional too. One of this day, you're going to be my wife and I don't want you to get mad to all of my female clients." seryosong sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumuso ako. Pabebe talaga to minsan. Ammmp! Pero feeling ko baka ito pa ang maging dahilan ng pag-aawY namin ni Dewlon. Yung work niya balang araw. Gusto ko sanang sabihin kay Dewlon na ginawa ko lang naman 'yun dahil sinabi sakin nung bakla na nilalandi siya nung babae araw-araw kaya ganun nalang ako ka beast mode pero inunahan niya nako. "You're right too. When you said that to me yesterday naniwala agad ako sayo. But I don't want to be unprofessional in front of her. I'm so pissed yesterday because of that woman before you got there. Damn piggy, ang cute mo pa naman kahapon." sabi niya sabay pikit niya. Nanlaki ang mata ko. "KAYA MO BA KO HINUBARAN!? KASI Nakyo-kyotan ka sakin!? OMYGOSH JUNNIE MARI!" di makapaniwalang sigaw ko at napatakip sa bibig. Nanlaki ang mata niya sabay kurot ng pisnge ko, "Green minded, flat piggy, stupid girl." pagmumura niya sakin. "Ah ganun!" inis na sabi ko sabay hablot ng maliit na unan at hinampas sa kaniya. Kumuha din siya ng unan at hinampas sakin kaya naman nag mistulang nag-pillow fight kami. Tawa ako ng tawa dahil halata namang nagpapatalo siya kaya naman ng mapahiga siya sa sopa ay dinambahan ko siya para hampasin ng hampasin ng unan. Tawa kami ng tawa sa pag-aaway namin gamit ang unan. Nakahiga si Dewlon sa sopa at ako naman ay nakaupo sa baba ng sopa. Hingal na hingal kami. "I-i love you baby..." hinihingal pa na bulong niya sakin.  Nagulat ako sa tinawag niya sakin kaya naman napatingin ako sa kaniya. Shet! Tinawag niya ba 'kong BABY!? Tapos may I love you pa!? Nang lingunin ko siya ay malapit lang pala ang mukha niya sakin pero hindi 'yun dahilan para pigilan akong itanong sa kaniya ang sinabi niya. "Baby?!" gulat na tanong ko pero may ngiti sa labi ko. Umangat ang labi niya kaya naman mas lalo siyang naging hot. Tumatagaktak din ang pawis niya sa noo. SO HOT! "Baby piggy..." ulit niya sabay dampi ng labi niya sa buhok ko. "I love you much so.." sabi pa niya. Nanlaki ang mata ko, "Baby piggy? Endearnment ba 'yan?" excited na tanong ko sa kaniya habang nakangiti. Umupo ako sa tabi niya. "If that what makes my baby piggy happy so...." sabi niya at nagkibit balikat.  Sa sobrang saya ko nakalimutan 'ko na ang inis ko sa kaniya. Niyakap ko siya, "Eh ano naman itatawag ko sayo. Baby monster? Baby sungit? Baby dewdew?" tanong ko sa kaniya. Nilagay niya ang braso niya sa balikat ko at mas inilapit ako sa kaniya upang mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso niya na sobrang bilis na parang nagkakarerahan. Pero, pareho lang naman kaming dalawa. Lalo na at kasama ko siya at ganito kami ka sweet. Meygod! "What do you want to call me? It's up to you." sabi niya. Aba't may himala talaga! Omygod! Grab the oppurtunity na ito! "Bibi Dewdew" biglang sabi ko.  Kumunot naman ang noo niya pero agad naman 'yung nawala siguro naalala niyang bumabawi siya kaya di siya makareklamo. "Do you really want that?" tanong niya. Tumango tango ako sa kaniya at ngumiti ng malapad.  "And one more thing...." sabi niya sabay tulak sakin ng mahina para pumiglas sa pagkakayakap. Kinuha niya 'yung gitara ko sa gilid at kinandong sa kaniya. "This song is for my baby piggy. I hope she totally forgave me for being impulsive. I'm sorry for being a cold hearted guy who is genius but lack of sweetness. This song is for you baby..." sabi niya at kinindatan ako. Tanginashet! Lack of sweetness daw!? Eh nag-uumapaw na bibi dewdew ang sweetness ooh! Meygod. Nag-umpisa na siyang mag-strum ng gitara. Pag-stru-strum palang niya manghang mangha kana, e. Naalala ko tuloy 'yung araw na hinarana niya ako sa dati naming school sa Manila. "It took one look...." "And forever lay out in front of me...." "One smile then I die...." automatic siyang tumingin sakin at binigyan ako ng malapad na ngiti na halos malaglag ako sa sopa. "Only to be revived by you...." "There I was..." "Thought I had everything figured out..." "It goes to show just how much I know...." "About the way life plays out...." Tumingin siya ulit sakin ng seryoso kaya naman halos tumalon ang puso ko sa kilig. Ramdam na ramdam ko ang sinsero sa pagkanta niya. Para niyang hinahatak ang puso ko papunta sa kaniya kahit na sa kaniya naman na ito. Kakain love na nga ang itsyura, kaka-in love pa ang boses. Shet! Full package na! "I take one step away..." "And I find myself coming back to you...." Tingnan niya ulit ako at ayan nanaman ang mga ngiti niyang pamatay. "My one and only..." "One and only you...." Huminto siya sa pagtugtog at pagkanta.  Hinawakan niya ang panga ko at inangat ito palapit sa kaniya. "You're cute when you're possessive, baby. But you're the only one who can make me feel crazy, who can make me do all this sweetness that never in my life I think I will do for a certain girl because this literally make me cringe. Eunice, my baby piggy....my one and only." at pagkasabi niya nun ay inangkin niya na kaagad ang labi ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD