"Iuwi mo na'ko, Dewlon..." seryosong sabi ko at humalukipkip. Nandito kami ngayon sa Krispy Kream. Hindi ko pinansin ang binili niyang donut sakin. Mahigit 30 minutes na kami dito pero ni isa sa amin walang nagsasalita at ngayon inumpisahan ko na. Hindi ko siya tinitignan at alam 'kong sumusulyap din siya sakin. "We need to talk..." sagot niya at ngayon ay magkatinginan na kami. Lumunok ako, "Kung gusto mo palang mag-usap tayo eh bakit hindi mo na umpisahan para makauwi na'ko." iritadong sagot ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya, "Damn it! Why are you acting like this?" tanong niya. Napaawang ang bibig ko. Sigurado ba siyang hindi niya alam? Tinatanong pa talaga niya kung bakit ako nagkakaganito? Simpleng sorry lang kasi ayos na, eh. Napakataas talaga ng pride ni Dewlon. At hindi ko

