Nagkaroon ng party sa pool side ng dahil sa nangyari. Sobrang saya lang nung gabing 'yun. Si Jessie naiinggit halata sa mukha niya. Tapos medyo di pa napapasok ng tuloyan sa utak niya 'yung fact na totoo ang sinasabi ko at talo na siya. Lul. Magka-holding hands lang kami ni Dewlon habang nagtatawanan sila habang nagkwekwentuhan. Si Papa, Ninong at T'yo Danny ay pinag-uusapang iinom daw sila mamaya at mag-gogolf daw bukas. Si Ninang at T'ya Lorna pinag-uusapan mga artista. Si Mama at T'ya Melisa naman kausap si Jessie tapos nakikisali din kayla Papa nasasali sa inuman. Si Drew naman kausap sila Josh, Jewel pagkatapos kasama din si Bambi. Naliligo si Josh tapos inaalalayan ni Drew si Bambi. Si Jewel naman nakatampisaw lang 'yung paa. Kami ni Dewlon? Dito lang kami sa b****a ng pintuan

