"Program kung saan i-wi-welcone natin ang pamilya ng owners at mga investors. Actually isa siyang party pero kailangan may dalawa o isa sa atin ang pwedeng kumanta doon." sabi ni Tania. Ang club president namin. "Eh kung si Club manager nalang?" sabi nung isang babae sa piano. Nandito ako ngayon sa club namin dahil pinatawag kaming lahat nang nakapasa. As newbies tahimik kaming lahat. Magkatabi kami ngayon ni Heero dahil tumabi ako sa kaniya at pinilit ko siyang magsama kami dahil magkaibigan na kami pero ang mokong ayaw. Siniko ko si Heero, "Pst. Friends na tayo, ha?" bulong ko. Sinamaan niya ako ng tingin, "Ayoko." sagot niya. "Sige na...pinakain naman kita ng tanghalian kanina, ah?" pamimilit ko sabay yugyog sa braso niya. "Kanina pa 'yun..." sagot niya at siniko ang kamay kong n

