Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang naalala ko 'yung araw na nakita ko siyang hinalikan ni Karline. Hindi man siya hinalikan ng babaeng nakaputing coat ay parang ganun parin ang pakiramdam. Ganun kasakit. Yung pakiramdam na masaya siya sa ibang babae at hindi sa iyo? Lalapitan ko na sana sila ng biglang may sumigaw. "Hoy!" sigaw ng guard at hinawakan ako sa braso. Biglang napatingin sa direksyon ko sila Dewlon at nagtama ang mata namin. Aish! Bakit sa ganitong sitwasyon niya pa ako makikita? Aish, nakakahiya naman! Makikilala pa ako ng mga kaklase niya sa ganitong paraan? Argggh! "K-kuya, dadalawin ko lang 'yung boyfriend ko..." malambing na sabi ko sa guard at bumaling ulit kay Dewlon na ngayon ay papalapit na sa'min. "Eh, Miss bawal na kasing magpapasok..." sagot ng guar

