bc

All Worth It

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Blind dates are a hit-or-miss gamble for a relationship. That one simple date with a stranger can either build or ruin someone's idea of love. Kaya nga never na naisipan ni Moira na pasukin ang mundo ng blind dating. But for some reason, her best friend has been pushing her to go on one. Para tumigil na sa pangungulit ang best friend niya, she agreed to go on a date in one condition - that this is the first and last time she'll go on a blind date. Whatever it turns out, there will be no other chances.

Will this one chance be a success story? Or will it be a heartbreak waiting to happen?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Hindi lang iisang beses may nagtanong sa akin kung bakit single pa ako – mapa-kaibigan, kamag-anak o katrabaho man. May mga pagkakataon pa na babanatan nila ako ng, “Huwag kang mag-alala, hahanapan ka namin ng partner.” Natatawa na lang ako. Sila pa ang mas excited na magkaroon ako ng lovelife. Ewan ko nga ba kung bakit ayaw nilang maniwala sa’kin sa tuwing sinasabi kong hindi ako nagmamadaling magkaroon ng lovelife. “Bakit ako magmamadali kung sigurado naman akong may inilaan Siya para sa akin?” Iyan ang generic answer ko sa tuwing kinukulit nila ako na makipag-date sa mga lalaking inirereto nila sa akin. Kaya lang, hindi nila tinatanggap ang sagot kong ‘yon. Kesyo masyado raw akong nagpapaniwala sa mga bagay na wala namang kasegurohan. Ano bang mali sa paniniwala ko? Tama naman ako, hindi ba? May inilaan ang Diyos para sa atin. At para sa akin, inilaan Niya ‘yung taong alam Niyang tunay na magmamahal mag-aalaga at hindi lang tatanggapin ang pagiging weird ko. Kakayanin pa niya akong sabayan sa mga kabaliwan ko sa buhay. Hindi naman imposible 'yon 'di ba? Pero minsan, naitanong ko na rin sa sarili ko, hanggang kailan nga ba ako willing maghintay? Twenty-five years old na ako pero NBSB pa rin. Wala namang kaso sa akin ‘yon. Sabi ko nga, hindi naman ako nagmamadali. Alam ko at naniniwala ako na may isang tao sa mundo na siyang nakatakdang magmahal sa akin. At siya rin ang nakatakda kong mahalin. Siyempre, siya ang ibibigay sa akin ni Lord. Siya ang magiging sagot Niya sa mga pangarap ko. May tiwala ako sa mga plano Niya sa buhay ko. At alam kong magiging worth it naman ang paghihintay ko sa lalaking ibibigay niya sa akin. Pero hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit pinatatagal pa Niya ang paghihintay ko. Hindi na ako bumabata. Ilang taon na lang at mawawala na ang edad ko sa kalendaryo pero hanggang ngayon hindi pa rin Niya ipinapakilala man lang sa akin ang magiging forever ko. Minsan, hindi ko maiwasang mainggit sa mga couple na nakikita ko sa paligid. Ang iba, mga bata pa, may ka-holding hands na, mga nakikipag-date na. Samantalang ako, heto – nga-nga. Nakukuntento na lang ako sa panonood sa kanila. Kailan ko kaya makikilala ang lalaking hahawak sa mga kamay ko? Kailan kaya darating ang lalaking mag-aalaga at mag-iingat sa puso ko? “Nangangarap ka na naman diyan, Moira.” Naputol ang pag-iisip ko nang tapikin ako ni Aliyah sa balikat. Umupo siya sa bakanteng upuan satabi ko at tinanaw rin ang kalawakan ng dagat. Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Sinusulit na namin ang kagandahan ng view rito sa probinsya dahil bukas ay balik-Maynila na naman kami. “Ano na nama’ng iniisip mo at nakatanaw ka sa kawalan?” Nag-alangan akong sumagot. Best friend ko si Aliyah pero magkaiba kami ng paniniwala pagdating sa usaping pag-ibig. Isa siya sa mga taong nagpu-push sa akin na makipag-date na at humanap ng boyfriend. Pero dahil best friend ko siya, malalaman niya agad kung nagsisinungaling ako o hindi. Sinabi ko na ang totoo. “Iniisip ko lang kung kailan ko ba mami-meet ang destiny ko.” “Destiny?Ano ka? Teenager? Naniniwala ka pa do’n?” sunod-sunod niyang tanong. Sinabi ko na nga ba. Mukhang magtatalo na naman kami sa isyung ‘to. “Hay, naku, Sis. Tigil-tigilan mo ‘yang paniniwalang ‘yan kung ayaw mong tumandang dalaga.” “Wala namang masama do’n, ah. Mas mabuti na’ng maghintay nang matagal kaysa ang magpadalus-dalos sa pakikipagrelasyon sa maling tao.” Pareho pa rin kaming nakatanaw sa papalubog na araw. Nilingon niya ako at matamang tinitigan. “Paano kung wala ka naman talagang hinihintay? Or, paano kung naligaw na pala ‘yung hinihintay mo at napunta sa iba? Paano kung mas pinili niyang mag-stay doon at hindi na pumunta sa’yo?”Ibinalik niya sa kalangitan ang tingin. “It’s not enough to just wait, Moira. You should work hard for it, too. Please don’t make the same mistake that I did,” malungkot niyang sabi. So, it came to that. She was reminded again of her lost chance to be with the man she believed was destined for her. “Don’t worry, I won’t,” pangako ko. Her face brightened. By then, I knew she was up to something. “Okay.” Tumayo siya sa kinauupuan niya, lumapit sa akin at bumulong. I grimaced. Oh my! She won the argument again.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.2K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
46.8K
bc

The Forgotten Wife

read
43.7K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.0K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook