CHAPTER TWO

760 Words
“This Sunday, 1pm sa FullyBooked BGC. Good night.” Iyon ang ibinulong ni Aliyah nang hapon iyon sa beach. Obviously, napilit na naman niya akong sumipot sa blind date na sinet-up niya para sa akin. Wala akong magawa. Ayokong magtampo siya at ayoko ring mapahiya siya sa kung sino man ang magiging ka-date ko. Purple shirt, dark blue jeans and a black sling bag. Masyadong simple. Masyadong common. Lalo na ng araw na iyon na naisipan ng karamihan ng mga lalaking dumayo sa Fully Booked na magsuot ng purple shirt. Wala man lang bang ibang mas distinct na bagay na puwedeng mag-assure sa akin na ang isa sa mga itonga ang ka-dateko? Ilang oras na akong tanaw nang tanaw sa mga shelf sa book store na ito. Hanggang naudlot ang pagpasok ko sa isang aisle ng shelves sa pagtunog ng cellphone ko. From: Aliyah Nasa sci-fi section daw siya sa second floor. Enjoy your date. Naku, kung hindi ko lang talaga mahal ‘tong best friend ko, hindi ako makikipag-blind date sa mga kaibigan ng kaibigan niya. Bakit ba naman kasi nag-promise pa ako. Heto tuloy ako, naghahanap ng lalaking naka-purple. Dumeretso ako sa aisle na papasukan ko dapat bago ako naistorbo ng text ni Aliyah. Pinasadahan ko ang bawat label sa bookshelves hanggang makarating ako sa na naka-label ng sci-fi. Wala namang tao. Nagpunta ako sa kabilang side ng shelf at nag-scan na rin ng books doon. Sa gitna ng shelf, may lalaking naka-purple. Nagbabasa siya ng libro –The Maze Runner. Habang nagpapanggap na naghahanap ng libro,pasimple ko siyang sinulyapan. Purple shirt, check. Dark blue jeans, check. Black sling bag, check. Nasa kaniya ‘yung description ng damit, pero nang tingnan ko ang mukha niya, nagdalawang-isip ako. Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata. Napatitig ako sa mata niya, ang ganda kasi.Enchanting. ‘Yung tipong parang madadala ka sa ibang mundo sa pagtitig lang doon. Naisip kong hindi siya ‘yung tipo ng lalaking makikipag-blind date dahil siguradong maraming babae ang nagkakandarapa makausap at makasama siya. Ang guwapo masyado. “Something wrong with my face, Miss?” Natauhan ako nang makarinig ako ng isang malalim na boses. Sa lalaking sinisipat ko pala nanggaling. Hindi ko namalayan na napansin na pala niyang tinititigan ko siya. Hindi ko napansin na hinarap na pala niya ako. Ang guwapo lang talaga niya. “Ha? Ah, sorry, I was just looking for someone. I just thought it might be,“ napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. “Long black hair, floral dress and black flats," sabi niya. Tiningnan ko rin ang sarili ko. Noon ko lang na-realize na buhok ko at ang suot kong damit ang d-in-escribe niya. "You must be Moira,” dagdag niya pa nang bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Sinulyapanniya ang suot niyang wristwatchat pinagtaasan ako ng kilay na para bang napakalaki ng kasalanan ko.“You’re twenty minutes late.” “Ikaw ba si Jack? I’m sorry. Ang hirap-“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya iyon. “Don’t bother with excuses. Late ka, hindi na mababago ‘yon," inip niyang sabi. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita ulit, "Kung hindi ko lang kaibigan si Aliyah, hindi ako magtatagal dito. At para hindi rin masayang ang paghihintay ko, ituloy na natin itong date na ‘to. For the sake of my friendship with Aliyah.” Ibinalik niya sa shelf ang librong binabasa. “Pero dahil late ka, as a punishment, ako ang magdedesisyon kung saan man tayo pupunta ngayong araw. Deal?” Tinitigan niya ako deretso sa mga mata ko. Hindi ko gusto ang ugaling ipinapakita niya sa akin on our first meeting. How can a douche like him be friends with Aliyah? I never thought she could keep up with someone like him. No, I won’t date someone like him. Moira, promise me hindi mo siya i-indiyanin. Just get on with the date. Kapag hindi mo siya nagustuhan, then that would be the last time. Just promise me you’ll spend at least some time with him. Kaya siguro pinilit akong mangako ni Aliyah. She knew this man was a jerk. Ipinapahamak talaga ako ng mga pangako ko kay Aliyah. Next time talaga, hindi na ako mangangako sa kaniya. “Do as you please, Sir.” Wala na akong magagawa. Nakapangako ako sa best friend ko. Saka ilang oras lang naman akong magtitiis sa ugali nitong jerk na ‘to. Kaya itong pasensya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD