He was not a jerk after all. Pero may pagka-douche talaga siya. His sarcastic and impatient comments got on my nerves. In fairness, he was a gentleman – a God-fearing man. Was it too early to conclude? I think not. Our date was enough for me to say that he wasn’t the kind of person I thought he was.
I let him decide on everything throughout the day. Dahil nga late ako, hindi ako puwedeng umangal. Pinaghintay ko siya kahit pa on time naman talaga akong dumating.
After he bought some books, he brought me to a movie house. “Ano’ng gusto mong panoorin?”
Nagulat ako roon, sa totoo lang. “Akala ko ba, ikaw ang magde-decide? Bakit mo ako tinatanong?”
Tiningnan niya ako nang masama. “Hindi ka ba nakinig sa sinabi ko kanina? Ang sabi ko, ako ang magdedesisyon kung saan tayo pupunta. Hindi ko sinabing pati kung ano’ng gagawin natin, ako pa rin ang pipili.” Halata sa boses niya ang pagkairita. May point nga naman siya. “And besides, kapag ako ba ang pumili ng movie, mag-eenjoy ka?” sabi niya pa.
“Ikaw ba, mag-eenjoy kapag ako ang pumili ng movie? Kung ‘yung That Thing Called Tadhana ang gusto kong panoorin? Mag-eenjoy ka?” I challenged him.
“Why not? I think it’s a good movie.”
“You watch local romance movies?” Gulat akong nagtanong .
Nagulat din siya sa naging reaksiyon ko. “Ano nama’ng kagulat-gulat doon?”
“Wala. I just didn’t think that guys would enjoy those kinds of movies. Madalas kasi, mas gusto nila ang foreign movies lalo na kung action, mystery or sci-fi. Ikaw lang yata ang nakilala kong nanonood ng romance. At local movie pa, ha,” paliwanag ko.
“Well, hindi rin naman ako mahilig manood ng locally-produced movies. Hindi rin ako mahilig sa romance genre but I’ve had girlfriends na mahilig doon, so most of the time, sa dates namin, ‘yun ang pinapanood namin.”
I knew it, he had girlfriends. Plural. Marami. Pero bakit siya nakikipag-blind date ngayon?
“Then, I realized that there are a lot of good Filipino movies. And when I say good, ‘yun ‘yung movies na hindi corny ang plot, hindi pilit ang acting ng mga artista at hindi predictable ang storyline. Maraming talented na scriptwriter at director sa atin, they just need to be noticed,” dagdag paliwanag niya pa.
“Oo nga. Mabuti nga na nabibigyan na ngayon ng chance na makilala ang mga up and coming screenwriters and directors. Kahit bilang mga independent releases, nabibigyan na sila ng opportunity na maipakita ‘yung talent nila.”
“Tama ka d’yan.”
For the first time since our first exchange, naging maayos ang pag-uusap namin. Hindi niya ako binara at nag-agree siya sa mga sinabi ko. Unti-unti nang nawawala ‘yung naunang impression ko sa kaniya.
Bumili siya ng tickets namin at pumasok na kami sa sinehan. Nang mga oras na ‘yon, nakalimutan kong may kasama ako. Grabe ang kilig ko kay JM de Guzman. Ang guwapo kasi. Tapos ‘yung mga tingin niya kay Angelica, nakakatunaw ng puso. Ilang beses yata akong muntik nang mapatili. Mabuti na lang at naaalala kong may kasama ako at tinatablan ako ng hiya sa tamang saglit. Nang makalabas na kami ng sinehan, ang laki ng ngiti ni Jack habang tinitingnan ako.
“Ano’ng problema mo?” Nagkunwari akong naiinis. Pero deep inside, sobrang overwhelmed ako sa movie.
Bumuga siya ng tawa bago sumagot, “Ang cute mo kiligin. Para kang teenager.”
Nahiya ako sa sinabi niya. Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko.
“O, nagba-blush ka na. Mukha ka nang kamatis,” sabi niya. “Pakurot nga.”
Bago ko naintindihan ang nangyayari, bigla ko na lang naramdaman sa magkabilang pisngi ko ang mga daliri niya. Feeling ko, lalo akong namula sa panggigigil niya. Nakita ko pa siyang nagpipigil ng tawa. At hayun ako, walang masabi. Walang magawa.
Pagkatapos naming manood ng movie ay niyaya niya ako sa The Fort. Akala ko kung saan kami pupunta.Isasama pala niya akong magsimba sa Victory Church. First time kong makaka-attend ng Christian service although I know from my Christian friends, iba ang service ng Christian sa mass ng Catholic.
“Okay lang ba sa’yo?” Nagtanong siya sa akin nang marating namin ang building ng Every Nation. Tumango ako. I know he asked because he respected my religion, and I appreciated that. Tumango ako bilang sagot.
“Good. Tamang-tama. Magsisimula pa lang ang 4pm service.”
Inalalayan niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa makaupo na kami malapit sa stage.