CHAPTER FOUR

749 Words
Iba nga talaga ang feeling sa loob ng worship hall ng Victory Church. Ang gaan ng ambience, sobrang overwhelming. Sa pagmamasid ko sa paligid, naramdaman ko ‘yung sincerity ng pag-worship ng mga naroon habang may kumakanta sa stage. May ibang parehong kamay ang nakataas habang sinasabayan ang kanta. Ang iba, nakataas ang kaliwang kamay habang nasa kaliwang dibdib ang kanang kamay. Sinulyapan ko si Jack sa kanan ko. He was doing the same gesture. Lahat nakapikit at taimtim na dinadama ang kantang paraan ng lahat bilang pagdarasal at sabay-sabay na iniaalay kay Lord. Hindi ko naramdamang na-out of place ako nang mga oras na ‘yon. Feeling ko, itinakda rin ng Diyos na naroon ako – na makilala ko kung anong klaseng tao ang kasama ko. Ngayon, alam ko nang hindi siya masamang tao – na yung pagiging masungit at sarcastic niya ay parte lang ng ilang imperfections niya bilang tao. Lumabas kami ng worship hall na magaan ang pakiramdam. I felt so blessed with the Pastor’s preaching. Somehow, it made me realize how God loved me. He loved me so much that he led me to meet this man to bring me closer to Him. I couldn’t help but think that maybe, just maybe, this man was His answer to my heart’s plea. Jack invited me to dinner after the service. Sa Tokyo Tokyo namin napagkasunduang kumain ng bento meal at tig-isang bowl ng ramen. Pareho pala kaming maganang kumain. Nakailang extra rice kami dahil pareho kaming matipid sa ulam. “Sabi ni Aliyah, NBSB ka raw?” tanong niya sa pagitan ng pagsubo ng kanin. “Hindi ako naniniwala.” Natawa ako. “Bakit naman hindi ka naniniwala?” “Sa ganda mong ‘yan? Imposibleng walang nanligaw sa’yo kahit isa. Choosy ka siguro kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend.” Bolero pala ‘to, eh. “Sa ganiyan mo ba napasagot ang mga ex-girlfriends mo?” Ako naman ang humirit. “Saan?” Kumunot ang noo niya. “Sa pambobola. Expert ka na malamang.Tunog-sincere na, eh.” Natigil siya sa pagnguya at tumitig lang sa akin. Gusto ko yatang biglang mamilipit sa hiya. Mukhang na-offend siya sa sinabi ko. “I am sincere. Lahat ng sinabi ko sa mga naging ex ko, totoo. Hindi ang bibig ko ang nagmahal sa kanila. Ito.” Itinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib. “Hindi ako marunong mambola.” Seryoso ang tono niya. Napatango na lang ako. I guess I cracked a bad joke. “Bakit ka pala nakikipag-blind date? Nasaan na yung mga ex mo? Bakit kayo nag-break? Sinong nakipag-break?” Sunud-sunod akong nagtanong bago ako napatungo nang makita kong nagulat siya. “Pasensiya na, hindi ko mapigilang mag-usisa.” Tinapik niya nang marahan ang gilid ng ulo ko. “Huwag kang tumungo. Gusto ko nakikita ko ang mukha ng kausap ko.” Iniangat ko ang ulo ko at naghintay sa sasabihin niya. “Actually, kaka-break lang namin ng girlfriend ko four months ago. She was my third girlfriend. Ewan ko ba kung bakit, pero yung tatlong relationships na ‘yon, parang nasa isang cycle lang. Pare-pareho ang dahilan kung bakit nila ako hinihiwalayan: career. They were all career-oriented that they weren’t willing to compromise for me. Ako lagi ang nag-aadjust para sa kanila. Mary is an accountant, she was my first. The second, Jane, is a nurse. And my third girlfriend, May, is an aspiring scientist. Siya ang pinakamatagal kong naging girlfriend. We lasted for three years. After she graduated from her Master’s degree, she decided to take her doctorate sa States. I was willing to adjust. I was willing to wait for her until she comes back and we can build our future together. Pero nakipaghiwalay pa rin siya. Iniwan niya ako for the sake of her career.” I felt his pain as he reminisced his past relationships. I knew it was not easy to get over those. Naramdaman ko ‘yung matinding pagmamahal niya kay May. ‘Yung sakit na dulot ng pagpili ni May ng career nito over Jack. “I’m sorry. I shouldn’t have asked,” humingi ako ng dispensa. I was insensitive to have asked questions that were too personal. “Don’t be. It was a relief to finally let it out,” sabi niya. “I kept it in for months. I guess it’s time to finally let go of the pain and move on.” He smiled though tears are starting to well in the corners of his eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD