CHAPTER FIVE

688 Words
“Moira, may bisita ka!” Sumigaw si Aliyah mula sa ground floor ng apartment na inuupahan namin. “Bilisan mo! Masamang pinaghihintay ang bisita.” Napangiti na lang ako sa sinabi niyang ‘yon. Naikuwento ko sa kaniya lahat ng detalye ng date namin ni Jack kaya ngayon, ginagawa na niyang biro ang tungkol sa paghihintay. “Oo, bababa na!” sigaw ko rin. Nang makababa ako, sinalubong ako ng pilyang ngiti ni Aliyah. Ikinorte pa niya ang dalawang kamay niya bilang puso at pinatibok ‘yon sa tapat ng kaliwang bahagi ng dibdib niya. Baliw talaga ang babaeng ito. Siya pa ang mas kinikilig kaysa akin. Pinuntahanko ang bisitang nakaupo sa sofa. Nakatalikod siya at nagbabasa pa ng libro kaya hindi niya ako napansin. Nang makalapit ako nang tuluyan, tinakpan ko ng kamay ko ang librong binabasa niya. Napatingala siya, kunot ang noo. “O, bawal magsungit,” sabi ko. Saka lang nag-relax ang expression ng mukha ni Jack at nakuha na niyang ngumiti. Isinara niya ang libro at inilagay iyon sa bag. “Tara na? Baka maubusan tayo ng magagandang choices du’n.” Sale ng araw na iyon sa FullyBooked kaya inaya niya akong pumunta doon. Naging madalas na kasi ang pagkikita namin pagkatapos ng unang blind date namin. Madalas niya rin akong tinatawagan at tinetext para ayaing mag-dinner. In fairness naman sa kaniya, siya ang gumagastos sa tuwing lumalabas kami. Pinapahiram niya rin ako ng mga libro niya. Siya ang dahilan kung paano akong nagsimulang mahilig sa pagbabasa. Dati kasi, hindi ako nakakatagal nidalawang chapters sa mga librong tinangka kong basahin. Ngayon, nakakatapos na ako ng isang nobela sa loob ng isang linggo. Kaya heto kami, papunta sa bookstore para makipagsapalaran sa mga magagandang titles na kasama sa sale. “Mabuti na lang at maaga tayo. Hindi pa masyadong napagpilian ang mga natirang libro. Marami pa ring magagandang titles, tingnan mo, o.” Ipinakita niya sa akin ang isang libro na naka-50% off. “Mukhang maganda ‘tong librong ‘to. Mystery. Mababaliw ka sa kakaisip dito.” Inilagay niya iyon sa basket. “Mamaya, magbasa tayo sa itaas.” Pinagmasdan ko siya sa kaniyang pamimili Ang saya niyang panoorin. Para siyang batang namimili ng laruan at kitang-kita sa mukha niya ang excitement sa tuwing makakakita siya ng magandang libro. Halos napuno ang basket bago kami nagtungo sa cashier para magbayad.Iniwan muna namin sa baggage counter ang mga pinamili at at saka niya ao iyayang umakyat sa second floor. Nag-secure muna kami ng puwestobago pumili ng pagkakaabalahang libro. Nauna akong pumili ng babasahin at saglit lang, nakita ko agad ang gusto kong basahin. Love, Rosie. Sandali lang din namili ng libro si Jack. Mukhang kabisado na niya kung saan nakalagay ang mga libro lalo na yung mga sci-fi. The Death Cure naman ang sa kaniya, third book ng sa serye ng mga librong siyang binabasa niya rito noong una naming pagkikita. Walang bahid ng awkwardnessang nanaig na katahimikan sa pagitan namin habang ine-enjoy ang pagbabasa. Tipo bang hindi man kami nag-uusap, nasa magkaibang mundo man kami, alam namin na magkasama pa rin kami. Dama namin ang presence ng bawat isa. Wala pa ako sa one-fourth ng librong binabasa ko nang maramdaman kong may nakatayo sa harap namin. Sabay kaming napatingala ni Jack para tingnan kung sino iyon. Hindi ko kilala ang babae kaya tumingin ako sa kasama ko, nagbabakasakaling baka siya ang may kilala sa dumating. Hindi ako nagkamali. Nakita ko sa expression ng mukha ni Jack ang gulat. Bukod doon, may nakita ako sa mga mata niya na ang naging epekto sa akin ay parang may ilang milyong maiinit na karayom na tumutusok sa puso ko. Dahil punong puno ng pananabik mga mata niyasa pagkakatitig sa babae. Dama kong matagal na niyang hinintay ang pagkakataong ‘to. Alam ko na kahit pa sinusubukan niyang mag-move on, umaasa pa rin siya sa pagbabalik ng taong kasalukuyang nasa harap namin. Kitang kita ko ang pangangatal ng katawan niya nang tumayo siya. Pati ang boses niya, nanginginig din. Parang hindi niya mapaniwalaang nasa harap niya ang babaeng ilang buwan niyang pinilit kalimutan. “M-May…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD