Hindi ko inakalang napakaiksi lang ng pagkakataong ibinigay sa akin ni Lord para maramdaman ang magmahal at mahalin.
“Hi, Jack!” excited na bati ni May sa kasama ko. “I’m sorry, am I intruding?” nag-aalangan nitong tanong nang mapansinako.
“Ah, no. We were just reading,” sumagot si Jack. He hadfound his voice. “Kailan ka pa nakauwi? Are you here for a vacation? How’s school?”
Natawa ang dalaga sa naging reaksyon ni Jack na tila nataranta sa biglang pagpapakita nito. “I’m back for good. I decided to discontinue my studies. Ang hirap pala,lalo na kung walang mapagkunan ng inspirasyon.”
Kinuha ni May ang magkabilang kamay ni Jack. Parang nakalimutan na yata nila na naroon pa ako. “I realized I couldn’t make it without you. My heart felt empty. All thistime, I thought getting a higher degree of education will make me happiest, but I was wrong. I longed for you. Ikaw lang ang nasa isip ko the whole time na nasa States ako,” sabi nito. “Can we get a second chance at our relationship?”
Natameme si Jack sa tanong. Kahit ako, nagulat. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Jack. Umalis na ako bago pa madurog ang puso ko sa kung ano mang isasagot niya. Ayokong marinig mula mismo sa bibig niya na maaaring tanggapin niya ang pagbabalik ni May, with open arms pa. Masakit sa puso.
This was not my first heartbreak. Oo, NBSB akobut I have experienced falling in love before. And of all the heartbreaks, this was the worst. ‘Yung akala mo siya na, ‘yung feeling mo, nasagot na ang lahat ng ipinagdasal mo,walapa rin pala. Umasa lang ako sa isang love story na hindi naman pala para sa akin ang Prince Charming.
Sa lahat ng minahal ko, si Jack lang ang nakita kong puwede kong makasama habambuhay. Ang sakit lang isipin na ilusyon ko lang ang lahat. Si May pa rin pala ang gusto niyang makasama sa pagtanda niya.
Pinigil ko ang pagpatak ng mga luha ko hanggang makarating ako sa apartment. Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang salubungin ako ni Aliyah sa gate. Ang bilis nagbago ng expression ng mukha niya mula sa excitement sa kung ano’ng bagong balitasa date namin, hanggang sa pag-aalala nang makita niyang nagpipigil ako ng iyak. Niyakap ko siya at saka humagulgol sa balikat niya.
“Hala, bakit?”Mapag-alala niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Hindi ako agad nakapagsalita. Inalalayan niya ako para makapasok at makaupo sa sala. Hinayaan niya lang akong umiyak habang kumukuha siya ng inumin. Saka siya naupo sa tabi ko para hintayin akong makapagkuwento.
“Sa-sabi ko na, e… Kaya ayokong makipag-date… ako lang din ang nasaktan sa huli…”Sa pagitan ng paghikbi, unti-unti kong ipinaalam sa kaniya ang pinagdaanan ko.
“Akala ko siya na. Mali pala ako. Mahal niya pa rin si May. Kitang-kita ko kung gaano niya na-miss si May. Ang tanga-tanga ko. Bakit ba kasi ako umasa na siya na? Bakit ko ba kasi hinayaan ‘yung puso ko na mahulog sa kaniya?”
“I’m sorry, Moi. Kasalanan ko ‘to,” malungkot niyang amin.
“Huwag kang mag-sorry, Iyah. Wala kang kasalanan. Concerned ka lang sa akin. Alam ko, kaligayahan ko lang ang iniisip mo. Kasalanan ko ‘to. Hindi ko dapat hinayaan na masundan pa ang pagkikita namin – tulad ng sa ibang inireto mo. Kung hindi na nasundan ang pagkikita namin, kung hindi ko in-entertain ang mga text at tawag niya, hindi sana ako mahuhulog sa kaniya. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito.”