“Moira?” Narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ang may-ari ng boses at hindi nga ako nagkamali. Si May ang tumawag sa akin. Umuwi ako sa probinsya para makalimot, pero bakit hanggang dito sinusundan ako ng isa sa mga dahilan ng nararamdaman kong sakit?
“H-Hi,” nag-aalangan kong sagot sa kanya. “Nagbabakasyon ka rito?” tanong ko.
“No. We’re here to collect some samples from the beach, you know, to study the diversity of marine organisms there. Ikaw? You’re here for a vacation?”
“Hindi. Dito kami nakatira ng parents ko,” maikling sagot ko. Naiilang na ako sa kanya. Gusto ko nang tumalikod at maglakad palayo. Natatakot akong maitanong ko pa sa kanya ang tungkol kay Jack. Pero hindi ko na pala kailangang magtanong.
“Nandito ka lang pala. You know, Jack’s been so crazy looking for you for weeks.”
“A, talaga? Bakit daw?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. “Nag-propose na ba siya?”
“Wala pang proposal na nagaganap but I think he’s gonna propose very soon.” Matamis ang ngiti sa mga labi niya habang nagda-dial sa cellphone niya. “I’m so excited para sa gagawin niyang proposal,” sabi niya habang naghihintay na sagutin ng tinatawagan niya ang cellphone. “Wait, I’ll tell him you’re here para makapag-usap na kayo.” Tumalikod siya at saka nakipag-usap sa cellphone. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at umuwi sa bahay.
***
“Good morning, Moira,” maganda ang ngiting bati sa akin ni Jack. Nginitian naman ako ni May. Sila pala ang kanina pang kausap ni Itay sa bakuran ng bahay namin.
“O, siya. Maiwan ko na kayo rito at ako’y papasok pa sa trabaho.” Tumayo si Itay at pumasok sa bahay para magpaalam kay Inay. Ilang saglit pa ay umalis na siya papunta sa trabaho.
“Bakit kailangan niyo pang pumunta rito? Hindi naman required ang presence ko sa kasal ninyo, hindi ba?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila at bahagyang nagtawanan.
“Moira, didn’t I tell you that he’s not proposed yet?” nakangiting sabi ni May.
“E, bakit pa kayo nandito? Para ipamukha sa akin na masaya na kayo? Please, I don’t need any more pain to feel right now. Hindi pa nga naghihilom yung sugat na nabigay mo, dadagdagan mo na naman?” Tiningnan ko si Jack. Nanlaki ang mga mata niya at nangunot ang noo sa sinabi ko.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Jack. Magkasalubong din ang kilay ni May habang nakatingin sa akin.
“Do you have to hear how pathetic I am right now? Okay, just to get this over with, I’ll tell you what I mean.” Tiningnan ko sila sa mga mata. “I’ve fallen in love with you, Jack. And I regret it. Hindi ko na-anticipate na babalik pa si May sa buhay mo, so I thought it was safe to fall for you. I thought you’re gonna be at the bottom to catch me. But I was wrong. You have no idea how much it hurts.”
Tumayo ako at tumakbo palayo. Narinig kong tinatawag ni May ang pangalan ko at sinusundan ako. Hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako sa simbahan. Pumasok ako doon at umupo. Hinayaan ko lang si May na tumabi sa akin.
“I think you’ve misunderstood something, Moira,” sabi niya nang umupo siya sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya. “Hindi kami nagkabalikan. I’m sorry na hindi kita napansin nang araw na ‘yon. I was too excited to see Jack, everything went to a blur except him,” pagpapaliwanag niya.
“Alam mo ba, when I asked him to get back to me, he said nothing, except your name. Hinanap ka niya sa buong bookstore. He kept shouting your name. He cried that time. Lalo na nang hindi na niya macontact ang cellphone number mo. Palagi ka ring wala sa bahay kapag pumupunta siya. He was miserable without you. And I know better than push myself to him. Alam ko ang pakiramdam na maging miserable kapag wala sa tabi mo yung taong kumukumpleto sa buhay mo,” dagdag pa niya.
Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ni Moira nang may magsalita mula sa pintuan ng simbahan. “I wasn’t at the bottom to catch you because I was falling hand in hand with you. But then you let go, I didn’t know what to do.” Nakita ko si Jack na papalapit sa amin. Tumayo si May para bigyan siya ng space sa tabi ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagsalita, “Can you hold my hand again? So that we can fall in love together?” Halos lumabas na sa dibdib ko yung puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Hindi ako nakapagsalita. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.