Kinaumagahan ay tumambay si Maia sa labas ng bahay nila. She must admit to herself, hinihintay niyang makitang lumabas ang kapitbahay na napansin niya kahapon.
Hindi naman nainip si Maia at natanaw niyang gumalaw ang screen door sa bahay nina Meng. The she saw a tall guy who stepped out from there. Halos magkadikit lang naman kasi ang bahay nila at maliit na pader lang ang nagsisilbing hati nila. Hindi maipagkakaila ni Maia sa sarili na guwapo ang lalaki. Subalit alam niya kaagad na bading o bakla iyon base sa malambot na kilos ng lalaki. Maya-maya naman ay may isa pang lalaking sunod na lumabas. The guy was also handsome pero hindi kasing guwapo ng naunang lumabas na lalaki. Meng already knew na ang pangalawang lalaking lumabas ay maaaring ang asawa ng babaeng natanaw niya rin doon kahapon. Base na rin naman sa kuwento ng katulong nila ay mukhang iyon nga ang mag-asawa.
Samantala, sa bahay naman nina Meng ay hindi pa tuluyang umaalis sina Calix at Yñigo dahil panay naman ang sigaw sa kanila ni Meng mula sa loob.
"Sandali na lang! Huwag muna kayong aalis!" boses ni Meng na ikinangingiti na lang nina Calix at Yñigo.
Sa kusina ay halos hindi naman magkandatuto si Meng. Papasok na kasi sa trabaho sina Calix at Yñigo at nangako siya sa mga ito kagabi na ipaghahanda niya sila ng babauning pagkain. Ngunit naiinis siya dahil hindi siya nagising nang maaga. Naiinis pa siya lalo dahil hindi siya ginising nina Calix at Yñigo. Sinabi lang ng mga ito sa kaniya na ayaw na kasi siyang istorbohin.
Pagkaahon ni Meng sa kawali ng nalutong sausage at bacon ay iniayos niya na iyon sa dalawang lunch box na nasa harapan niya. Sunod niyang inilagay ang tig-isang sandwich ng mga ito. Pagkatapos ay tinakbo na niya ang pinto bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang lunch box.
"O, eto na. Kainin niyo 'yan ha!" paismid pang sabi ni Meng matapos iabot ang tig-isang pabaon kina Calix at Yñigo.
"Yes, Mother!" umaarte-arte namang sagot ni Yñigo at natatawa na lang si Calix.
"Sige na, alis na. Baka late na kayo," nangingiting pagtataboy ni Meng sa dalawa. Inaamin niyang tuwang-tuwa siya kay Yñigo. He's fun to be with. Hindi mahirap kausap at talaga namang napakabait. Alam niyang napakaswerte na ni Calix dito.
Nang makasakay na sa sasakyan ang dalawa ay saka pa tinakbo ni Meng ang gate upang buksan. May ilamg minuto rin siguro siyang nakatayo sa labas ng gate bago siya magpasyang pumasok na. Nang maisara na niya ang gate ay pumihit siya upang pumasok na nang tuluyan sa bahay nila. Pero parang bigla siyang may naramdamang nakatingin sa kaniya. Paglingon niya sa bandang kaliwa ay nahagip ng mga mata niya ang bagong nakatira sa katabing bahay. She was so sure that the woman was looking at her. At sa hindi niya malamang dahilan, nang magtama ang mga mata nila ay tila nakipagtagisan pa siya ng tingin dito. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya, pero tila nakita niyang ngumiti sa kaniya ang babae bago iyon tumalikod at pumasok sa bahay nila.
*****
Habang papasok naman sa Razon Corporation sina Calix at Yñigo, hindi maitatago ang saya sa mga mata nila. Because they were too happy, hindi na nila napansin ang mga matang nakasunod sa kanila habang papunta sila sa elevator. Alam naman halos lahat ng mga nandoon na isa si Yñigo sa mga kliyente ng Razon Corporation. Subalit nag-umpisang magkaroon ng bulungan nang malaman nilang bading nga o bakla si Yñigo. They were already gossiping that Calix and Yñigo has relationship lalo pa at madalas magsabay sa pagpunta doon at pag-uwi ang dalawa. Calix and Yñigo was not aware of it kaya naman walang reaksiyon sa kanila.
Pagkabukas ng elevator ay nagtatawanan pa ring lumabas doon sina Calix at Yñigo. Maya-maya ay pasimpleng inilibot ni Yñigo ang paningin sa hallway saka bumulong kay Calix. Tinitigan lang naman ni Calix nang masama na parang sinasabi nitong umayos siya. Hagikhik lang ang naging tugon ni Yñigo.
Hanggang makarating na nga sila sa loob mismo ng nagsisilbing opisina ni Calix. Bago pa maibaba ni Calix ang bag nito ay napalingon siya kay Yñigo na nakasandal sa pinto. Tama ang hinala no Calix na ang narinig nitong tunog ng pagkaka-lock sa seradura ay dahil kay Yñigo.
"I know you miss me," kinagat pa ni Yñigo ang pang ibabang labi na tila inaakit si Calix.
But Calix just rolled his eyes.
"Come on, Calix," tatawa-tawang sambit ni Yñigo. He stepped closer to Calix. He looks like seducing Calix.
"Yñigo, nasa trabaho tayo," kunot-noong sagot ni Calix na tila hindi naman tinatablan sa pang-aakit ni Yñigo. Sa katunayan, tinalikuran niya pa si Yñigo at kunwa'y may hinahanap na mga papeles sa ibabaw ng mesa nito.
Bigla lamang napapitlag si Calix at nabitiwan pa nito ang hawak na mga papel. Bigla lang naman kasing dinakma ni Yñigo ang ari niya mula sa kaniyang likuran.
"Hmmm... Always ready," tudyo pa ni Yñigo na ipinatong ang baba nito sa balikat ni Calix habang nasa likod pa rin siya nito at ang kaniyang mga kamay ay nakahawak pa rin sa bandang ibaba ni Calix.
"Yñigo, please..." pakiusap ni Calix sa mahinang boses dahil aminin niya man o hindi, tila nadala siya sa mga pinaggagawa ni Yñigo.
"Please what?" patuloy na panunudyo ni Yñigo habang hinahalik-halikan ang batok ni Calix.
At hindi na nga nakatiis si Calix dahil bigla nitong hinarap si Yñigo. They kissed. And Yñigo was smiling dahil nagtagumpay ito. Kumilos pa ang kamay ni Yñigo upang luwagan ang necktie ni Calix. Si Calix naman pahaplos-haplos ang kamay sa likod ni Yñigo. Nag-uumpisa na silang uminit nang biglang may kumatok sa pinto. Doon tila natauhan si Calix. Naitulak niya si Yñigo at mabilis na inayos ang necktie.
"Aray! Ano ka ba naman?" angil ni Yñigo dahil bumangga ang likod niya sa lamesang nasa likuran niya nang itulak siya bigla ni Calix.
"I'I'm sorry. Nagulat ako," hinging paumanhin naman kaagad ni Calix.
Naiinis na lang na inayos na rin ni Yñigo ang sarili. Nabitin siya sa ginagawa nila ni Calix. Kaya naman nang buksan ni Calix ang pinto at iluwa roon ang secretary nito ay napaismid na lang si Yñigo.
"Salamat, Cara. Pakibaba mo na lang doon sa mesa ko," dinig ni Yñigo na sabi ni Calix.
Palabas na sana si Cara nang magulat sina Calix at Yñigo sa sinabi ng sekretarya.
"Sir... Sorry po ha, pero baka po kasi lumabas kayo nang hindi ninyo nakikita," medyo may pag-aalangang sabi ni Cara.
Kumunot ang noo ni Calix dahil wala itong ideya sa sinasabi ng sekretarya. Hanggang sa bigkasin nga ni Cara ang nais sabihin.
"Sir, bukas po kasi yung zipper niyo," mabilis at walang hiya-hiyang sabi ni Cara.
Napa "s**t" na lang si Calix bago tumalikod kay Cara at saka maayos na inayos ang zipper ng pantalon niya. Hindi niya namalayang naibaba pala iyon ni Yñigo kanina. But what he was worrying the most, ay ang maikwento pa ni Cara sa labas ang nakita. Natatakot lang naman siya na baka makarating pa iyon sa papa niya at baka kung ano pa ang isipin ng kaniyang ama lalo pa at dalawa lang sila ni Yñigo roon kanina. Higit sa lahat, kilala halos ang pamilya nila lalo na ang Razon Corporation kaya't hangga't maaari ay walang maipipintas sa kanila na maaaring ikasira ng kumpanya.