"Are you crazy?!" iyon ang naging reaksiyon ni Calix.
"Calix, this is our chance. Kung talagang hindi tayo magkaanak, subukan natin ang iminumungkahi ko," titig na titig na sabi ni Meng kay Calix.
"You're out of your mind," naiiling na sabi ni Calix at nagpasyang umakyat na sa kuwarto nila.
Sinundan naman siya ni Meng.
"Listen to me first," pilit na humaharap si Meng kay Calix kahit na panay naman ang iwas ng lalaki.
"Stop it, Meng. Hindi na nakakatuwa," inis na sabi ni Calix.
"Calix, kung sakaling magbuntis ako sa boyfriend mo, tapos ang problema natin. Makukuha mo na ang mana mo at makakapag annull na tayo at—
"At ang bata?!" pagalit na hinarap ni Calix si Meng.
"You dont let me finish with what I'm saying," mahinang sabi ni Meng.
Bumuntung hininga nang malalim si Calix at ikinumpas ang kamay tanda ng pagsuko at tila pagsasabi kay Meng na ipagpatuloy na nito ang pagsasalita. Nagpasya namang umupo muna si Meng bago muling nagsalita.
"Sa inyo ni Yñigo ang bata. Kayo ang tatayong magulang niya at lalayo na ako sa sandaling ma-annull na ang kasal natin," buo ang kaloobang sabi ni Meng.
"You're okay with that?" tila nananantiya ang mga titig ni Calix kay Meng.
"Just like what I told you before, this is our only chance," tanging sagot ni Meng bago niya iwan ang lalaki sa kanilang kuwarto.
Naiwang nag-iisip si Calix.
KINABUKASAN ay wala na si Calix nang magising si Meng. Nagsimula na lamang siyang maglinis ng bahay. She's assuming that Calix will go home with Yñigo. May tatlong oras din siguro siya nag-ayos bago nagpasyang lumabas at puntahan muli ang babaeng ka-kuwentuhan kahapon. Pero bakas ang pagtataka sa mukha ni Meng nang makitang may isang truck sa labas ng bahay ng kapitbahay na kanyang sadya. Nakita niyang isa-isang ibinababa sa truck ang mga gamit at ipinapasok sa bahay ng kapitbahay nilang iyon. Magtatanong na sana si Meng sa isa sa mga nagbubuhat ng gamit nang bigla niyang marinig ang boses ni Calix.
"Meng!"
Napangiti siya nang makitang may kasamang lalaki sa loob ng sasakyan ang asawa. Nakababa pa rin kasi ang bintana ng sasakyan katulad kahapon. Mabilis niyang niluwangan ang pagkakabukas sa gate nila upang makapasok na sila. Inisip na kaagad niyang iyong Yñigo ang kasama ni Calix. Nang makababa na sa sasakyan ang dalawa ay ngumiti si Meng sa asawa. Tila nagtatanong ang kanyang mga mata na sinagot naman ni Calix nang marahang pagtango. Nang tumabi ang lalaki kay Calix ay pinagmasdan itong mabuti ni Meng. Mas matangkad si Calix sa lalaki nguni't aminado siyang mas guwapo iyon kesa sa asawa.
"Let's go inside first," untag ni Calix na nakangiti.
"Sure, sunod na ako," sagot ni Meng.
Nauna ngang pumasok sa loob ang dalawang lalaki. Nakita pa ni Meng na hinawakan ng lalaki ang palad ng kanyang asawa. Balewala iyon kay Meng subali't may parte ng puso niya na nagsasabing sana'y ganoon din siya. Ang mahawakan ng muli ang palad ni Irene. Iyon naman ang isa sa plano niya kung sakaling maging successful nga ang usapan nila ni Calix. Nais niyang subukang balikan si Irene at magpaliwanag. Iyon ay kung handa pa ba siyang tanggapin ni Irene at kung malaya pa rin ba ito hanggang ngayon. Bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila ay napalingon siyang muli sa bahay ng kapitbahay nila na sadya niya sana kanina. Eksaktong may lumabas na babae sa gate ng kapitbahay nilang iyon at napagmasdan niya pa ang itsura. Hindi iyon ang kapitbahay nila. Napansin na kaagad niya na maganda ang babae. Maputi iyon at kulay mais ang buhok na bahagyang kulot.
"Meng?"
Napalingon siya sa pinto nila nang bumungad doon si Calix.
"Sorry," nakangiting aniya dahil naengganyo siya sa pagtingin sa bagong babaeng nakita sa kapitbahay nila.
Pagkapasok niya sa loob ay sinalubong kaagad ng tingin niya ang lalaking kasama ng asawa. Sadya rin yata talaga siyang inaabangan kaya naman nagkatitigan sila.
"Meng, this is Yñigo Ocampo. Yñigo, this is Meng, my wife," medyo may kahinaan at tila alangang pagpapakilala ni Calix sa kanila.
"Hi," sabay na sambit nina Meng at Yñigo kaya naman napangiti tuloy silang dalawa.
Tila naman nabawasan ang tensiyon na nararamdaman ni Calix nang makitang tila magkakasundo naman ang dalawang taong parte ng buhay niya. Kahit paano naman kasi ay itinuturing na rin ni Calix na parte ng buhay niya si Meng sa limang taon na pagsasama nila. Para sa kanya ay naging mahalaga rin naman ang babae sa buhay niya kahit pa sabihing hindi niya ito minahal nang tunay bilang asawa.
"So, hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ito..." napapatawa na lang na sabi ni Calix.
Ipinatong ni Meng ang kamay sa palad ni Calix na nakapatong sa tuhod nito.
"Nasabi mo naman na sa kanya bago kayo magpunta rito, hindi ba?" banayad na tanong ni Meng kay Calix.
Bahagyang tumango si Calix.
"Then it's all set! No need to talk about it in this awkward moment. Tutal ay alam naman na nating tatlo kung ano ang mangyayari," pinasaya ni Meng ang boses habang nagpapalipat-lipat ang tingin niya kina Calix at Yñigo.
"Tama nga si Calix, mabait ka nga," nahihiya man ay nasambit ni Yñigo.
Doon lang din napansin ni Meng na mas makikita ang kilos ng bakla sa katauhan ni Yñigo kesa sa asawang si Calix. Alam niya rin naman kasing bisexual lang si Calix kaya siguro na maintain nito ang kilos ng tunay na lalaki.
"Salamat naman pala at maganda ang image ko na sinabi sa'yo ni Calix," masayang sagot ni Meng.
"Okay, so, let's eat outside? Just to celebrate, maybe?" medyo nag alangan pa si Calix sa sinabi.
Natawa naman si Meng bago nagwika, "Celebrate what?"
"Celebrate this love triangle?" pabiro namang singit ni Yñigo.
Nagkatawanan na lamang ang tatlo at nagpasyang kumain nga sila sa labas. Nang makauwi sila ay masaya pa silang naghuhuntahan.
"I want to sleep na," humihikab na sabi ni Yñigo maya-maya.
Sabay namang napalis ang ngiti nina Calix at Meng. Maging si Yñigo ay bahagya ring natigilan nang mapansin iyon. Pareho nilang iniisip kung ano ang magiging set up nila sa pagtulog.
"Siguro sa blue room na lang muna kami ni Yñigo then, saka na lang lilipat si Yñigo sa kuwarto niyo," pilit pinasigla ni Meng ang boses habang sinasabi iyon.
Subali't sa limang taon na pagsasama nina Calix at Meng, napansin kaagad ni Calix ang lungkot sa mga mata ni Meng. Tila alam nito kung ano ang tunay na nararamdaman ng babae.
"No!" napatayo pa si Calix nang sabihin iyon, "I-I mean, let's not rush everything. Maybe, let's get to know each other first?" mungkahi ni Calix na makikita ang pag-aalala sa mukha para sa nararamdaman ni Meng.
"Y-Yes, tama, 'di ba, Meng?" nakangiti namang segunda ni Yñigo.
Tumango na lamang si Meng bilang pagsang-ayon at pinilit maging matatag sa harapan ng dalawang lalaki.