Chapter 22

1521 Words
[Cairo Gascon's POV] Nanlaki ang aking mga mata nang pagkapasok ko mismo sa room galing sa hallway ay lumagapak ang kamay ni Chloe sa pisngi ni Sydney. Habang nagbabangayan silang dalawa ay nawala ang antok ko and I made my way to the both of them. Akmang susugod na sana ako para awatin si Chloe nang bigla niyang tinawag na pokp*k ang ina ni Sydney. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano nag-iba ang expression sa mukha ni Sydney. Kung kanina ay halos patayin niya sa Chloe sa titig niya, ngayon ay naghahalo ang pagtataka, takot, at pagdududa sa kanyang mga mata. All I could see was Sydney dahil nakatalikod si Chloe sa akin. Sa lakas ng boses nila ay hindi ko alam kung naririnig na ba ito ng magkabilang classroom sa tabi ng silid namin. Both of their voices were echoing around the whole room at kaming lahat ay napatulala lamang sa kanilang dalawa. Nang hindi na makapagpigil si Chloe ay tumalikod na siya kay Sydney saka naglakad. Nakita niya ako habang naglalakad siya palabas ngunit hindi nag-iba ang pinta ng kanyang mukha na para bang hindi niya ako nakita at pinasadahan lamang ako ng tingin. Kitang kita ko ang poot at sakit sa kanyang mga mata. I stood there, somehow expecting that she will hug me since that's what she always does back then whenever she's upset. Pero wala. Nilampasan niya lamang ako at sumunod naman 'yong dalawa niyang babaeng kasama palagi sa kanya. Nakatayo lamang ako doon habang tulalang nakatingin sa sahig. Ibinaling ko ang aking mata kay Sydney at nakita siyang nakaupo at nakatingin lamang sa bintana. I know that she was hurt by what Chloe said. Ni wala siyang kasalanan kung sakali man na kagagawan iyon ng kanyang ina. But seeing Chloe's face earlier, I know this is a very big deal to her because it's her family. The relationship between her Mom and Dad will be jeopardized if ever what she said was true. I don't want to jump to conclusions, though. Hindi natin alam kung totoo nga ba ang mga binibintang ni Chloe sa Mama ni Sydney and I know Sydney is also struggling right now. When I came back to my senses, sinundan ko sila Chloe sa kung saan man siya naroon. I just can't help but feel guilty after the things that I said even if all of those are true. I just feel like she needs someone to comfort her right now and that is what I must do, even ever since we were still in a relationship. Nagpaikot-ikot ako ng hallway nang marinig ko ang mga yapak ng mga paa. Sinundan ko kaagad ito at nakitang tumatakbo si Chloe palabas ng hallway habang nakasunod ang mga kasama niyang mga babae. I ran as fast as I could as well at nakitang nakaupo siya sa isa sa mga benches doon. Nanatili sa dulo ng hallway ang dalawang babae nang makita nila ako. "Bakit hindi niyo siya nilapitan?" tanong ko sa kanila. "Sinubukan namin siyang lapitan. Kanina pa nga kami habol nang habol sa kanya pero lumalayo naman siya sa amin. Gusto lang naman namin siya i-comfort pero sinigawan niya kami na gusto niya munang mapag-isa," sabi ng isang babae habang umiiyak. Nasaktan siguro siya dahil bigla silang sinigawan ni Chloe. "Ako na ang lalapit sa kanya. Pwede na muna kayong bumalik doon sa classroom. Pakisabihan lang ang teacher natin na pinatawag kami sa records office para may asikasuhin tsaka babalik kami agad," tugon ko sa kanila. Tumango lamang sila at nagsimulang maglakad pabalik sa aming room. I made my way to where Chloe sat at umupo sa tabi niya. May distansya sa tabi naman dahil alam kong gusto niya talagang mapag-isa. We sat there for 3 minutes saka siya nagsalita. "Why are you here?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa kawalan. Nakita ko na patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi habang pinapahiran niya ito ng panyo. "Because you need someone to listen to you," sabi ko naman pabalik habang nakatingin sa kanya. "Didn't you say that you don't want to see me again?" she scoffed. Yumuko na lang ako. "I did." "So leave me alone. Stop pretending that you care about me and just leave me alone," sabi niya habang pinapaalis ako. "I won't leave you here alone," agad kong sambit. "And why is that?" sabi niya habang ibinaling ang kanyang mukha sa akin. I can see that her eyes were swelling, her cheeks were already puffy and her breathing didn't seem to calm down. "Because I know you need someone by your side for you to calm down," I said as I looked at her straight in the eyes. Hindi na siya nagsalita pa at tumingin na lang sa damuhan. Maybe she realized that I was right. Paglipas ng ilang mga segundo ay nagsimula na siya maglabas ng kanyang mga saloobin. "Do you think your parents still love each other, Cai?" tanong niya bigla sa akin. Hindi naman ako sumagot dahil kapag ganito na ang sitwasyon ay dapat hindi na ako magsasalita para mailabas niya lahat ng hinanakit niya. "Because I don't think mine love each other anymore. They always argue about the pettiest things and then ignore each other for days. Pagod na akong nakikita sila ng gano'n," sabi niya nang walang preno. Nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita, "Marami na nga silang mga problema, dumagdag pa talaga itong Dad ko," she said as her voice broke. "One of our bodyguards told Mom that he saw Dad visiting Sydney's mom's house and I couldn't help but think that he was cheating on my Mom with her," dagdag niya. "Alangan ano pa ba iisipin ng ibang tao? Na hindi na mahal ng Dad ang Mom ko kaya pumili na lang siya ng pokp*k para makapagpasaya sa kanya?" tanong niya sa akin. "Masakit. Sobrang sakit. We felt betrayed. He tried to defend himself pero what can he do ngayong may ipinakitang picture sa amin ang bodygaurd nga nandoon nga siya," sabi niya. "I still don't want to believe that he cheated on Mom. For whatever reason ang pinunta niya doon sa bahay ng babaeng 'yon ay nagbabasakali pa rin ako na sana hindi tama ang kutob ko," she added. Naawa ako sa estado ng pamilya ni Chloe. If it happened to my family too, I wouldn't know how to react as well. I wouldn't know what to do. But one thing I know for sure is that anger will take over me for a long period of time. And seeing Chloe's state right now, I believe that her feelings are valid. Though not everything that she said is acceptable since we don't know the whole story. "But if it's true, Sydney and her Mom will get a taste of their own medicine. Pati na rin si Dad," sabi ni Chloe. "I don't think maibabalik pa namin ang aming pamilya sa dati. Now that Dad has made a mistake that will never be forgivable to us," sambit niya. Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon ay nanatili akong tahimik. It's good that she has vented her anger out of her system because if she continues to suppress all that anger inside her, she will not be able to handle the stress and anxiety. Bottling up your emotions is not a good practice because then you will only suffer it by yourself. After about a minute or two ay nagsalita siya. Mukhang tapos na siyang ilabas lahat ng kanyang hinanakit. "Thank you for listening to me, Cai. It means a lot," sabi niya habang nakatingin sa akin. "No problem at all. I just hope that everything will be alright," sabi ko sa kanya pabalik. Agad naman siya nagsalita, "That's very unlikely to happen, Cai. But who knows, sana nga maging payapa na ang lahat," sabi naman niya sa akin. "Should we go back to the classroom now?" I asked her "Okay," tugon niya. We stood up from the benches and made our way towards our classroom. Nang makarating kami roon ay tinignan kami ng aming mga kaklase as we acted like nothing happened and went straight to our seats. Hindi na kami tinanong pa ng aming guro kung saan kami nanggaling dahil nakapagsabi naman kanina ang aming kaklase. Lunchtime came and I ate lunch with the usual boys. Tinanong nila sa akin kung ano ang pinag-usapan namin ni Chloe ngunit sinabi ko naman pabalik na pribado ang aming pinag-usapan at sana maintindihan nila 'yon. They nodded in agreement at nag-usap na lamang kami tungkol sa mga ibang bagay. After lunch, we went back to our classroom at patuloy sa pagkukwentuhan habang hindi pa dumating ang aming guro. About three minutes passed at nag-uusap kami ni Ken nang biglang pumasok ang guro namin para sa Earth and Life Science. Bumalik naman kami kaagad lahat sa kanya-kanyang upuan. "Good morning, class," ani niya habang papasok. "Good morning po, Sir Alvin," bati naman naming lahat saka umupo. Akmang may ikukwento pa sana si Ken sa akin nang sinabihan ko siya na makinig muna kami at baka mapagalitan kami ng guro namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD