Chapter 21

1597 Words
[Sydney Paralejo's POV] Itong mga taong nasa paligid ko ay magpapakita lamang kapag may chismis o hindi naman ay kapag may magsasabunutan sa aming barangay. Pagkatapos manood, uuwi at patuloy na magchichismisan. I looked for Aling Rosa but she was nowhere to be found. Sa dami pa naman ng taong nakapaligid sa amin ay sigurado akong mahihirapan siya na makapasok sa harap. Kung nandito sana siya ay alam kong nilapitan na niya kami kanina pa. "Nakapagtapos ka nga pero ba't makitid pa rin 'yang utak mo? Ni wala akong kinalaman sa pinagbibintang mo! Bakit hindi 'yang asawa mo ang tanungin mo kung bakit buntot nang buntot 'yan sa 'kin?" depensa naman ni Mama. "Sabing tama na! Margareth, let's go home. Nanggugulo lang tayo dito," marahas na hinila niya ang babae patungo sa sasakyan nila. "Ano ba! Bitawan mo nga ako! Hoy, babae ka! Hindi pa tayo tapos, tandaan mo 'yan!" sigaw niya at isinara ang pinto ng sasakyan bago sila umalis. Muli kong tinignan si Mama mula ulo hanggang paa. Puno ng putik ang damit niyang daster at puno ng luha ang pisngi niya. Hindi ko na napigilang umiyak at niyakap siya. She doesn't deserve this. She doesn't deserve the cruelty, the hate, and the burden that she's been enduring all these years. Bigla akong nanliit para sa sarili ko at kay Mama sa kinatatayuan namin ngayon. Rinig ko ang mga bulong-bulongan ng aming mga kapitbahay na diring diri sa amin. Hindi na ako nakapagpigil at parang bomba ay sumabog ako at nagsalita. "Masaya na ba kayo? Sa dami niyong nakarinig sa iyak ng Mama ko, ni isa wala bang naisipang tumulong? Hindi ba kayo naaawa?! Malamang hindi kasi gusto niyo 'to, diba? Gusto niyong nakikita kaming nagkakandarapa sa lupa at naghahagulhol, diba?!" Natahimik silang lahat. Tumulo na ang mga nagbabadyang luha sa mata ko ngunit hindi ako tumigil. "Sawang sawa na ako sa mga bibig niyong putak nang putak, bakit hindi niyo kami diretsong kumprontahin, ha?" hinagod ni Mama ang braso ko na nagsasabing tama na. "Diyan lang naman kasi kayo magaling! Puro chismis mula umaga hanggang gabi! Sana manlata 'yang mga labi niyo at maputol 'yang dila niyo para maiwasan na 'yang pagka-ahas niyo!" Matagal na akong nagtitimpi, matagal na kaming nagdudurusa, matagal na akong naaawa sa estado ng ina ko. Bawat kilos namin ay nagagawan nila ng kwento, may dagdag, may bawas, may mali, may totoo. Hindi ko na alam kung anong tingin ng ibang tao sa amin dahil sa paninira nila. "Anak, tama na. Pumasok na tayo," hinila ni Mama ang kamay ko at nanginginig akong sumunod sa kanya. Nagsialisan naman ang mga tao habang pinasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang halos umalis na ang lahat ay saka lang naming nakita si Aling Rosa. Pati siya ay namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Naku, ano ang ginawa nila sa inyo? Dali samahan ko kayo sa bahay niyo," sabi ni Aling Rosa habang nagpipigil ng mga luha. Tumango na lamang ako dahil pagtingin ko kay Mama ay halos ubos na ang lakas niya para maglakad. I guided her to the bathroom at sinabihan siya na maligo para maalis ang mga putik na dumikit sa aming katawan. Agad naman akong bumalik sa labas dahil ayokong magkaroon ng putik sa loob ng aming bahay. Sumunod si Aling Rosa sa akin habang nakayuko. "Hija, pasensya na kung hindi ko kayo nalapitan. Ni ayaw ako papasukin ng mga tao sa harap," sabi niya. "Aling Rosa, okay lang po. Naiintindihan po kita," sabi ko naman pabalik sa kanya. Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Tulala akong nakatingin sa kahel na langit. Naalala ko ulit ang nangyari kanina. I have never seen Mom that angry before. Na para bang sa pinta ng mukha niya ay kulang nalang buhatin niya 'yong babae at ihampas doon sa lalaki. Bigla ko na rin naalala ang lalaki. Ang kapal ng mukha niyang pumunta dito at nadamay pa kami sa pinaggagagawa niya. Kung makikita ko ulit 'yon sa harap ko ay hindi ako magdadalawang isip na sugurin siya. Habang nakatingin sa malayo ay narinig ko naman ang tunog ng pagbukas ng aming pintuan sa banyo. Pumasok na ako ng bahay at nakita ko si Mama na nakabalot ng tuwalya. Tinignan naman niya ang mukha ko saka tinignan ang damit ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na para bang naaawa siya sa kalagayan ko. Agad naman ako nagsalita sa kanya. "Ma, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Kailangan mo ng tulog," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya saka pumasok na sa kanyang kwarto. Nang isinara niya ang kanyang pinutan ay bumalik ako sa labas para magpaalam kay Aling Rose at nagpasalamat sa pagtulong niya sa amin para makarating kami dito sa bahay. I went back inside the house at naligo na sa banyo para malinisan ang mga putik sa damit at katawan ko. Pagkatapos masabi ang lahat ng 'yon ay para akong nabunutan ng tinik. Pagod na pagod na akong kinikimkim lahat ng galit at pangungutya. Panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at Mama ko. From then on, I promised to myself that what happened earlier will be the last time na makikita kong naapakan si Mama ng ibang tao and that will be the last time na makikita ko siyang humihingi ng tulong sa mga taong walang pake sa kanya. I will make sure of that. One thing I hate the most is seeing my Mom cry. Para akong pinipiga sa tuwing nakikita ko siyang nalulunod sa sarili niyang luha. Na kahit anong gawin ko ay alam kong hindi ko mapapawi ng buong-buo ang sakit at pagod sa puso niya. It's as if my heart is being ripped apart. Pagkatapos kong maligo ay papasok na sana ako ng aking kwarto nang narinig ko si Mama na umiiyak. Pumasok ako sa kanyang kwarto at nakita siyang patuloy sa pag-iyak. I couldn't do anything but pat her back and hug her tight. "A-anak..." she whimpered. "Opo, Ma," bulong ko sa kanya. "Pagod na ako, a-anak." Mas lumakas ang hagulgol niya. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam kong punong-puno na si Mama at kailangan na niyang ipalabas lahat ng hinanakit niya. Ang tanging magawa ko lang ay makinig. "Pagod na ako sa trabahong 'to. Pagod na a-ako sa kakatiklop ng bibig ko kada may n-nagpaparinig sa 'kin tungkol sa trabaho ko. P-pagod na ako sa mga lalaking kung makatingin sa 'kin ay para akong putaheng b-bagong hain. Pagod na akong makipag-away sa k-kahit kanino. Ayoko na, a-anak. Ayoko na..." Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya nang napakahigpit. It hurts seeing Mom in her vulnerable state. "M-ma, sana sinabi mo na 'to dati no'ng una pa lang. Nasasaktan ako 'pag nakikita kitang ganito," sabi ko pabalik. Tanging iyak lamang ang maririnig sa buong kwarto. Alam kong hindi dali-daling iwanan ni Mama ang trabaho niya dahil iniisip niya ang kapakanan ko, ang kapakanan namin. Ito lang ang maisip niyang paraan upang may makain kami at makapag-aral ako. Matagal ko nang iniisip na tumigil sa pag-aaral pero hindi siya tumugon dito. Hindi gusto ni Mama na maranasan lahat ng dinanas niya kay nagsisikap siyang bigyan ako ng magandang buhay. "Anak, gusto ko na umalis do'n sa bar. M-maghahanap ako ng ibang trabaho," she said in between her tears. "Ma, okay lang 'yon. Titigil na lang muna ako sa pag-aaral—" "Hindi," she cut me off, "hindi ka titigil sa pag-aaral. Ayokong matulad ka sa 'kin, Sydney." Tumango na lamang ako sa sinabi niya at niyakap siya. Sometimes, I would wonder how our life would have been if my Dad was here. Not as if I still want him here because I loathed him every single day the moment he left us behind. Siguro masaya, siguro hindi. Pero one thing's for sure, hindi magtitiis si Mama sa buhay na 'to. Simula no'ng eskandalong nangyari between Mom and whoever that woman was, hindi na kailanman bumalik si Mama sa bar na pinagtatrabahuan niya. Ilang beses pabalik-balik ang manager niya dito para kumbinsihin si Mama na bumalik ulit dahil hinahanap siya ng mga kliyente roon. Kumbaga, isang siyang ginto sa mga mata ng mga matatandang lalaki doon sa bar at palagi siyang hinahanap-hanap. Since then, naghanap ako ng trabaho para makatulong sa gastusin sa bahay. Everytime I walk out of the house to go to school, nagbubulungan ang mga kapitbahay namin at gustuhin ko man na tahiin ang mga bibig nila ay wala na akong oras para magbigay pa ng pake. Pagkatapos namin mag-usap ng masinsinan ay pinatahan ko na siya para makapagpahinga na siya sa kama niya. It's definitely an exhausting day for us. Lumabas ako sa kwarto at nagluto ng hapunan. Habang nagluluto ay napagdesiyunan kong mag-isip isip ng mapapasukan na trabaho as a working student. Mahirap man ay kakayanin ko upang makaalis na si Mama sa bar na pinagtatrabahuan niya. Alam kong matagal na niyang gustong humiwalay doon ngunit wala siyang magawa dahil halos walang tumatanggap sa kanyang ibang mga trabaho. Kung hindi lang sana gumagawa at nagkakalat ng mga kwento tungkol sa Mama ko itong mga kapitbahay namin ay baka may pagkakataon pa siyang makuha sa ibang trabaho. Wala siyang magawa kundi sumayaw sa harap na mga lalaki upang makapag-aral ako at may makain kami. Inihain ko na 'yong aking niluto at naghapunan kami. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko nang humilata ko sa aking higaan. The moment I crashed onto my bed, I never moved a single muscle and immediately drifted to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD