[Sydney Paralejo's POV]
After a couple of minutes, nakarinig ako na binubulong ang aking pangalan. I was sound asleep when I woke up because of that voice and so I decided to sit straight up and open my eyes.
"Sydney. Hey, Sydney," bulong ng nagsasabi ng pangalan ko.
"S-Sophia?"
"Yes, it's me. And natapos ko na sagutan 'yong activity. Dali na, sagutan mo na. Paraphrase mo lang 'yong sagot ko," tugon niya habang nilalatag ang papel niyang may mga sagot pati na rin ang references nito.
"Salamat talaga, Sophia ha," pasasalamat ko naman sa kanya.
"You're welcome, Sydney. Bilisan mo na para maipasa na natin 'to," sabi naman niya.
Nagsimula na ako sa pag-paraphrase ng mga sagot. I added my own opinions as well since may mga essay naman at nagpapasalamat ako kay Sophia dahil ang answers niya ay walang labis, walang kulang. Kumbaga, tumpak ito sa mga tanong pati na rin ang mga sources na gamit niya.
Saktong natapos ako sa last question ay bumalik na ang aming teacher at hingal na pumasok sa aming classroom. Nagtaka naman kaming lahat nang umupo siya sa kanyang upuan na para bang kakagaling lang niyang tumakbo ng ilang kilometro.
Huminga muna siya nang malalim saka nagsalita. "Pass your papers, class. Ipatong niyo lang dito sa desk and you may leave for your next class," ani niya.
Isa-isa kaming tumayo at nagpasa ng aming mga papel sa front desk saka kinuha ang aming mga bag para sa susunod na klase.
After sitting dreadfully for hours, tumunog na rin ang bell para umuwi kami sa aming mga bahay. As expected, Sophia asked me if she could go with me as we both walk home together. Hindi naman ako tumanggi at sabay kaming naglakad palabas ng gate kahit pinagtitinginan kami ng mga kaklase kong palabas rin. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagkukwento sa mga bagay-bagay. Hindi ko maiwasang hindi maisip na naman ang nangyari sa amin kanina ni Chloe. I don't know if it's true, but I have to ask Mom to find out the truth.
"Sydney? Is something bothering you?" said Sophia as she noticed that I always suddenly space out.
"Ah, wala. Lutang kasi utak ko ngayon kaya kung saan-saan na lang lumilipad," sagot ko naman.
Tumango lang siya saka ibinaling ang mata niya ulit sa harap. What I like about Sophia is that she doesn't meddle with other people's lives. I was expecting kanina na magtatanong siya about kay Chloe dahil sa pinag-awayan namin pero wala at hindi siya nagtanong. Kahit ngayon ay akala ko sinabi niya na gusto niyang sumabay sa akin maglakad pauwi upang itanong niya sa akin kung anong namamagitan sa aming dalawa ni Chloe, kung totoo nga ba ang mga binibintang niya sa akin kanina, at mga bagay na tungkol sa trabaho ng Mama ko. Ngumiti ako nang hindi iyon lahat nangyari. Nagpapatunay lamang na marunong rumespeto si Sophia ng mga buhay ng iba. I don't want to conclude but this is what I have observed in her as of the moment.
Habang nag-iisip ako ay bigla kong naalala ang nakita ko kahapon. I saw Sophia going inside a black car and someone even opened the door for her in the shotgun seat.
Ibinaling ko ang aking ulo sa kanya at nagsalita, "Sophia? May itatanong sana ako."
Humarap naman siya sa akin saka sumagot, "Sige lang. Ano 'yon, Sydney?"
"Yesterday, after I went inside our house and you walked off towards your home, I saw-"
Ipagpapatuloy ko na sana ang aking tanong nang napansin kong may babaeng matanda na tumatakbo patungo sa amin. Hindi ko iyon namukhaan dahil malayo pa naman siya pero nang palapit nang palapit ay kumakaway ito sa amin. Binilisan ko ang aking paglalakad at bigla akong natauhan nang sinalubong ako ni Aling Rosa. Siya lang ang tanging kapitbahay namin na kaibigan ni Mama.
"Oh, Aling Rosa? Ba't tumatakbo ka? May lakad ka ba?" Hingal na napakapit siya sa aking braso.
"Sydney... ang... Mama mo..." Nakayuko niyang tugon.
"Bakit po? May ipapabili ba?" Minan kasi nagpapabili si Mama ng gulay kay Aling Rosa tuwing pumupunta sa palengke para tipid na rin sa pamasahe.
"Hindi... nandoon... nakipag... sabunutan..." Halos hangin na ang lumabas sa bibig niya pero dinig na dinig ko ito.
Nanuyo ang lalamunan at nanlaki ang mga mata ko. Hindi na ako nagsalita pa at agad kumaripas ng takbo.
Namutla ang buong katawan ko nang sinabi iyon ni Aling Rosa. Iniisip ko na baka kung ano na ang pinaggagawa roon kay Mama dahil alam na alam ko na walang tutulong sa kanya kundi ako lang. Na kahit maghihingalo siya sa daan ay walang dadalo sa kanya kundi ako lang. Na kahit sasabog na ang lalamunan niya sa kakasigaw ay walang lilingon kundi ako lang.
I ran as fast as I can at hindi sumunod si Sophia sa akin. Habang papalapit nang papalapit ako sa bahay, dinig na dinig ko ang mga sigawan at iyak ni Mama. Pagkarating ko doon ay halos maiyak na ako dahil pinaligiran sila ng mga kapitbahay namin at hindi ko man lang makita kung ano na ang nangyayari. Ang naririnig ko lamang ay ang mga sigaw ni Mama, mga bulyaw ng isang babae, at boses rin ng isang lalaki. Gamit ang buong lakas ko ay malakas kong hinawi ang mga nagkukumpulang mga kapitbahay namin at wala akong pakialam kung may nasaktan.
I made my way through the crowd at naestatwa sa aking kinatatayuan nang nakarating na ako sa harap nila. Nagsimulang bumuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata pagkakita ko sa Mama ko. Kumunot ang mukha niya nang hilahin pataas-baba ang buhok niya sa lupa ng isang babae. Inaawat naman ito ng lalaki ngunit hindi pa rin sapat para mapigilan ang paghawak nito ng babae sa buhok ng Mama ko.
" Ang kapal ng mukha mong babae ka! Wala ka nang ibang ginawa kundi manira ng pamilya—"
Nahinto ako sa pagkatulala at agad akong pumagitna at sinubukang awatin ang kamay ng babae sa buhok ng ina ko. Sa sobrang lakas nito ay nahirapan akong pag-alisin ang mga kamay niya at kitang kita ko sa mukha ng Mama ko na nasasaktan na siya dahil may mga luha na tumutulo rin sa kanyang mga psingi.
The moment I saw her face, walang pagdadalawang isip kong kinagat ang mga kamay ng babae na 'yon nang napakalakas na siya namang pag-alis ng kamay niya sa buhok ni Mama.
"Aray! Ano ba-" naputol ang kanyang mga salita nang nakita niya akong nakatingin sa kanya na para bang nakapatay siya ng tao. Kung hindi niya agad inalis ang kanyang mga kamay ay sigurado akong nagkasugat na 'yon dahil sa lakas ng pagkakagat ko.
"Margareth, tama na—" Sinubukang awatin ng isang lalaki ang sumasabunot kay Mama. Tandang tanda ko na siya 'yong bumisita dito no'ng isang araw. Si Anthony.
Kumawalas lamang ang babae sa pagkakahawak niya,"Huwag mo 'kong pigilan, Anthony! Wala kang karapatang hawakan ako dahil nandidiri ako sa 'yo! Nagawa mong patulan 'tong pokp*k na 'to? Napakababoy niyo!" sigaw niya habang tinuturo kami ni Mama.
Nang sinabi niya ang salitang iyon ay halos hindi na ako makapagpigil sa aking sarili para sugurin siya. Bigla naman agad hinawakan ni Mama ang aking mga balikat. Napabaling ako sa kanya at may binulong siya.
"Hindi 'yon totoo, anak. Maniwala ka sa 'kin," bulong niya sa akin habang hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay.
"Margareth, please. Ang daming taong nakatingin sa 'tin, oh. Nakakahiya naman—" Her hand flew and smacked him right in the face.
"Nakakahiya? Hindi ka man lang ba nahiya sa sarili mo sa pinaggagawa mo? Ayan na nga, oh, mas kinakampihan mo 'yang kabit mo kesa sa asawa mo! Hindi ka ba nahihiya?" naluluha niyang sambit.
Hindi na nagsalita pa si Anthony. Yumuko siya at kinuyom na lang ang mga kamao niya.
"At ikaw babae ka, kahit gaano ka pa kagaling sa kama, tandaan mo. Kabit ka lang! Ako pa rin ang legal na asawa!" Akmang susugurin na naman niya sa Mama nang pumagitna ako.
"Tama na po! Tama na!" I shouted at the top of my lungs. I couldn't stand my Mom being belittled just like that.
Ibinaling naman niya ang kanyang atensyon sa akin. Tinuro niya ako at nagsalita. "Isa ka pa. Ikaw kasi, kinukunsinte mo 'yang Mama mo! Palibhasa, susunod ka rin sa mga yapak ng babaeng 'yan! Kayong dalawa! Kayo ang sumira sa pamilya ko!"
"Huwag na huwag mong idadamay ang anak ko 'rito, h*yop ka!" Biglang sinugod ni Mama at sinabunutan ang babae.
Nakatayo lang ako roon habang sinugod ni Mama ang babae. Kitang kita ko kung paano lumagapak ang mga palad ni Mama sa pisngi ng babae. Hindi pa nakuntento si Mama at sinampal niya pa ang kabilang pisngi nito. I stood there in shock. Alam ko na hindi ito magagawa ni Mama noon. Kahit pa marami siyang kaaway at sinasabihan siya ng kung ano-ano ay hindi siya sumasaway pabalik. But after this woman bad-mouthed me, bigla siya sinupalpal ni Mama. Naisip ko na baka punong-puno na si Mama kaya nilabas niya lahat ng galit sa babaeng 'yon. Halos hindi makatayo nang maayos ang babae nang biglang pumagitna na naman ang lalaki.
"Tumigil na kayo! Tama na, Liezel!" Napatumba si Mama sa putikan nang malakas na hinawi ng lalaki ang mga kamay nya sa buhok ng babae. Agad sumagi ang pagsisisi sa mukha ng lalaki nang ginawa niya 'yon.
"Mama!" Putikan man ay wala akong pakialam at itinayo ko si Mama. Isinampay ko ang mga bisig niya sa balikat ko.
"Tingnan mo nga naman," muling nagsalita ang babae. I looked straight back at her with piercing eyes. "Sa akin pa rin kakampi si Anthony. Malamang, sino ka ba, ha? Kahit pa mas masarap ka sa kama, sa akin pa rin siya uuwi dahil ako ang asawa at hindi ikaw! Nilalason mo lang ang utak ng asawa ko, pokp*k ka!" sigaw niya.
Halos namanhid ang buong pakiramdam ko habang nakaakbay si Mama sa akin. Tinignan ko ang mga tao sa aming paligid. Nakatingin lamang sila sa amin. Ang iba ay tumatawa, ang iba naman ay nagbubulungan.
"Kahit kailan hindi ako papatol diyan sa asawa mo! Kayo kasi, kapag sinabing sa club nagtatrabaho, marumi na! Husga kayo nang husga, ni hindi niyo alam ang buong kwento!" Wala akong alam sa nagyari ngunit hindi ko papayagang sasabunutan niya ang ina ko nang basta-basta lang.
"Pare-pareho lang kayo! Mga walang alam! Palibhasa, hindi nakapagtapos ng pag-aaral! Mga mangmang!" sigaw niya.
Bawat salita niya ay para akong pinapatay. Nang sinabi niya na mangmang ang Mama ko dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay parang sinasaksak ako ng ilang beses. Alam kong masakit ang mga katagang iyon para kay Mama pero parang ako lang ata dito ang naaawa sa kanya.