Chapter 19

1957 Words
[Sydney Paralejo's POV] Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa eskwelahan. Pagkarating ko sa room ay agad lumipad ang mga mata nila sa akin. Wala pa ang teacher namin kaya naglakad na ako sa upuan ko. "Hoy, Sydney!" biglang sigaw ng kaklase ko. Lumingon ako at biglang sumalubong ang isang napakalakas na sampal. Muntik na akong natumba kung hindi ko natukod ang kamay ko sa mga upuan. "In fairness, masakit sa kamay ha. Sabagay, ang kapal naman kasi ng mukha niyo ng Mama mo," kahit hindi ko siya titignan ay alam kong boses iyon ni Chloe. I winced at the pain sa buong katawan ko. Ni walang isang tumulong sa akin kaya tumayo na ako at humarap sa kanya. She was trembling in anger. Kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo, the way she clenched her fists, kung paano tumaas-baba ang kanyang dibdib sa paghinga. I shook my head at pinagpagan muna ang sarili ko. This isn't the first time na nasampal ako sa eskwelahan. I'm actually already used to confrontations like this kaya alam ko na kung saan 'to papatungo. I remained calm saka nagsalita. "Ano ba ang problema mo?" I raised my brow and replied irritatedly. If she thinks I'm right below her, then she's wrong. "Wow," she huffed, "and you still have the guts to act like that? Bakit? Ano ka ba? Eh, anak ka lang naman ng pokp*k—" "Cut the cr*p. Ni hindi mo nasagot ang tanong ko. Ano ba ang problema mo?" I cut her off. She flinched for a moment and continued. "Don't you dare cut me off kapag nagsasalita ako kasi ako ang biktima rito. Kung ano ang ikinatalino mo ay 'yan namang ikinaitim ng budhi—" This time I was ready to snap back, "Really? Ito lang ba ang rason mo ba't mo ako sinampal? Para lang mag-rant? Mang-insulto? I don't have time for this. Keep those insults to yourself hanggang sa manlata 'yang dila mo." I turned my back at her at biglang naman niya akong inihinarap pabalik sa kanya. "Wala kang karapatang talikuran ako. Wala ka talagang respeto 'no?" she hissed at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa braso ko. "Why not, then? Kitang kita naman siguro kung sino ang walang respeto sa 'ting dalawa," I hissed in return, "and if you won't let go of my arm right now, I'm warning you, hindi ko na talaga pipigilan ang sarili ko." This is by far the worst confrontation I had than those back then. "Talaga? Try to say that again ngayong sasabihin ko sa 'yo na kinama lang naman ng pokp*k mong ina ang Daddy ko. Now, sino sa 'tin ngayon ang walang respeto?!" I can see the tears forming in her eyes, her chest rising up and down in a fast manner. Napasimangot naman ako ng bigla. Ano ba pinagsasasabi nitong babaeng 'to? "Teka lang, ha? Kung anu-ano lumalabas diyan sa bunganga mo. Hinding hindi papatol si Mama sa mga lalaking gaya ng Papa mo—" "Really ha? Nagtatrabaho sa bar tapos 'di ginalaw? You're only fooling yourself!" Akmang sasagot ako nang inunahan niya ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "At ngayon nag-aaway sila dahil gusto ni Mama maghiwalay sila. Masaya ba, ha? Masaya bang mang-agaw at manira ng pamilya, Sydney?" There were sobs in between her words as she spoke. Hindi ko rin maiwasang hindi maluha sa mga salitang binitawan niya. I know my mother wouldn't do such a thing. Ipinangako niya sa akin na hindi siya papatol sa kahit sinong lalaki sa bar kung saan siya nagtatrabaho. On top of that, Chloe doesn't know a single clue why Mama had to resort to that kind of job. "Mag-ingat ka sa pananalita mo dahil ni katiting ay wala kang alam sa Mama ko. Kung wala tayo dito sa eskwelahan ngayon, kanina ko pa 'yan sinapak ang pagmumukha mo. Magsama kayo ng Papa mo na-" she cut me off as she scoffed. "Baka ikaw ang mag-ingat sa pananalita mo, Sydney, kung ayaw mong may mangyari sa 'yo at sa Mama mo," she said as she smirked. "Is that a threat?" sabi ko habang itinaas ang aking kilay. "It is if hindi niyo alam mag-ina na ilugar 'yang kakatihan niyo. I'm warning you, Sydney. Maling tao ang binangga niyo," sabi niya pabalik. Without saying another word, she stormed out of the room. Napuno na naman ng chismisan ang silid namin at sigurado akong ako ang punterya nila. Nanatili ako sa kinatayuan ko. Sinampal ako ng reyalidad. Kahit ano pang sasabihin ko ay para sa kanila, mali ang pinaglalaban ko. Somehow, I felt guilty. I was at loss for words. It's definitely Anthony. That man who came to our house the other day. Palagi nalang ganito. Kapag may nagagambala si Mama na ibang pamilya, sa akin nabubuntong lahat ng galit, may it be verbal or physical. In the end, ako pa rin ang umiintindi dahil alam ko na iniisip nila palagi na kami ang mali. Dumating ang teacher namin saka na ako tumuloy sa upuan ko. As I sat on my chair, I could see Sophia beside me at the corner of my eyes and she did not bother to say a word. Hours passed at wala akong ibang inisip kundi ang mga katagang sinabi ni Chloe. This day couldn't get any worse. Lunchtime came and I bolted out of the room, bought food from the canteen, and went to the place where I always eat my lunch. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung totoo man ang sinabi ni Chloe. But I know my Mom. She would never want to become a homewrecker since she has already experienced being left alone by my Dad and I believe she doesn't want that to happen to anyone else. Although, if ever it is true, I would be really mad at her. No, not just mad, but gravely disappointed. I can still feel the pain on my cheeks kung saan sinampal ito ni Chloe. Lucky for her, I did not fight back. Because if I did, her hair would be torn to shreds. After eating my lunch, nagpahinga muna ako doon sa aking usual spot. Halos hindi ko na maibuka ang aking mga mata dahil sa antok na aking nararamdaman at sa hangin. I sluggishly made my way into our classroom and sat down at my chair. Everyone looked at me pero wala na akong pakialam. Habang nakapikit ang aking mga mata ay nakaramdam ako na parang may mga matang nakatingin sa akin. I opened my eyes and glanced at my right side only to see Sophia smiling at me with eyes wide open. Bigla naman ako napadilat at halos mahulog galing sa aking upuan sa gulat. Hinawakan ko ang arm rest para hindi ako tuluyang mahulog saka huminga nang malalim. "Hoy, Sydney! Mag-ingat ka diyan," sabi niya habang akmang tutulungan sana ako. Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya, "Sophia, please, don't do that again." "Don't do what?" tumawa naman siya. "Yong kanina. Ang creepy ng pagkakatingin mo sa akin," sabi ko. "Creepy, right? I did that on purpose para magising ka," sabi naman niya. Yeah, right. Nagising talaga ang buong diwa ko. "Yeah. Wag mo na ulitin 'yon at baka atakehin ako sa puso," sabi ko at tumawa naman kaming dalawa. "Okay," sabi niya saka umupo na rin nang maayos sa upuan niya. I liked how Sophia didn't ask anything about what happened earlier. Hindi man lang nag-iba ang treatment niya sa akin kahit na narinig niya 'yong mga sinabi ni Chloe kanina sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin at sa Mama ko ngayon but I do hope hindi siya kagaya ng iba dito. Again, the day went on as usual. It was time for our Earth Science subject and we settled ourselves down. Pumasok na ang aming teacher at inilatag ang kanyang mga gamit sa front desk. "Good morning, class," ani niya sabay erase ng writings sa blackboard. "Good morning po, Sir Alvin," bati naman naming lahat saka umupo. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Today, we will have a discussion on-" he suddenly stopped talking when his phone rang. "Excuse me, class. I will answer this call," sabi niya habang naglakad palabas ng classroom. Tumango lamang kami saka siya lumabas. Nagulantang naman kami lahat nang bigla siya agad pumasok pabalik sa classroom. "Class, I'm sorry but there's an emergency and I have to go," sambit niya habang iniligpit ang kanyang mga gamit sa mesa. "Ganito na lang. Turn your book to page 34 and I want you to go to the library para may masagot kayo diyan sa activity. Don't forget to cite your sources. Come back here 5 minutes before our class ends. Naintindihan ba ako?" ani niya. "Opo sir," sagot naman ng buong klase. "Sige. I will be back as soon as possible," after saying those words, he immediately went out of the room. Library. Nang marinig ko ang salitang iyon ay hindi ako makagalaw sa aking upuan. Bumalik lahat ng alaala ko kung anong nangyari sa akin doon sa library. Imbis na dapat ay nakalimutan ko na 'yon ay parang sirang plaka ang nga mangyaring iyon sa utak ko. Nagsitayuan na ang ibang mga kaklase ko para mag-ayos at pumunta sa library ngunit hindi man lang ako natinag sa kinauupuan ko. Ilang segundo pa ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. "Sydney? Hello, Sydney?" sabi nito. I switched back to reality at nakita ang kamay ni Sophia sa aking harapan. I looked at her at nakatingin siya sa akin with concerned eyes. "Sydney, okay ka lang ba?" tanong niya. Ayoko naman sabihin sa kanya na okay lang ako dahil hindi naman talaga. And if I tell her the truth, baka sasabihin niyang nababaliw ako. The trauma that the library gave me was just too much that I am afraid to even go back there. Baka bigla na naman lilindol, hahangin nang malakas at magsisiliparan 'yong mga libro sa bookshelves. Instead, I made an excuse para hindi ako makapunta doon. "Hindi, Soph. Bigla sumakit ang tiyan ko eh," sabi ko. Agad naman siya napasapo ng kanyang mga kamay sa kanyang bibig, "Hala, gano'n ba. Hindi ka ba makakapunta sa library?" "Parang hindi talaga," sagot ko. "Sige, dito ka na lang. Ako nalang magsasagot doon tapos papakopya ko sa 'yo ito," sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. It was never my intention to make her do that since makakahanap pa naman siguro ako ng paraan para makakuha ng sagot sa activity. I immediately turned her offer down. "Huwag na, Sophia. Gagawan ko lang 'to ng paraan-" I was going to explain but she cut me off. "It's okay, Sydney. I insist. Kasi tinulungan mo rin ako dati diba? It's my turn to help you," sabi niya sa akin. Pinag-isipan ko muna ang sinabi niya. In my case, mahihirapan talaga ako na maghanap ng sagot kasi nasa library ang sources at paano ko makukuha iyon kung takot naman ako pumasok doon? Plus, baka ngayon ikokolekta ng teacher namin ang aming mga answers sa activity kaya kailangan matapos ko ito kaagad. In the end, pumayag na lamang ako. "Sige, Soph. Salamat ha," I said sincerely. "No worries. Sige, pupunta na ako. Babalik ako dito mamaya," sabi niya habang kumukuha ng papel at ballpen sa kanyang bag kasama na rin ang libro namin sa subject na 'yon. "Sige, ingat kayo," sabi ko. Tumango lamang siya at nauna nang pumunta sa library kaysa sa mga kaklase ko. Nakaramdam ako ng antok kaya natulog na lamang ako sa arm rest ng chair ko. Gigising na lang ako mamaya kapag dadating na si Sophia galing sa library at para matapos ko na rin ang activity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD