Ilang oras ng palakad-lakad si Ira sa maliit na espasyo ng kaniyang sala. Lutang, tulala at lumilipad sa kung saan ang kanyang isipan. Hindi siya makapagdesisyon kung ano ang nararapat niyang gawin. Binabagabag ang isipan niya ng mga bagay na nabanggit ni Melody patungkol sa kanyang trabaho. Hindi niya iyon inaasahan. Ang akala pa nga niya ay mag-eeffort ang kanyang among si Froylan na e-reach out siya sa pagdadahilan niya ng kanyang pag-absent. Ngunit nabigo siya doon. Kung kaya naman ngayon pa lang ay nais niya ng makausap ang among si Froylan tungkol sa kanyang trabaho. She can't lose that job. Sinusuportahan niya ang kanyang mga magulang kung kaya naman hindi siya pwedeng mabakante at mawalan ng trabaho. Tiyak na wala siyang mapapadala. Hindi niya na tuloy mahintay pa na dumating ang b

