Hindi mapawi ang mga ngiti ni Froylan habang pinagmamasdan ang kanyang anak na bunso na tikman ang ice cream na kanyang hawak. Papikit-pikit pa ito nang dahil sa lamig noong hatid sa kanyang munting dila at bibig. Hindi niya lubos maisip na ganun ito ka-cute, mukhang maraming pagkakataon ang lumipas sa kanya bilang ama at hindi niya na matandaan pa noong huli niyang makita na ganito pa kaliit ang kanyang panganay. Masasabi niya ngang sadyang mabilis ang panahong lumipas at hindi niya namamalayan iyon dahil subsob siya sa kanyang trabaho. Doon niya naisip na tama nga ang hinaing ng kanyang asawang si Ycel na magkaroon sila ng family day nang sa ganun sa hinaharap ay hindi siya magsising malalaki na sila kaagad. Tapos na silang kumain ng tanghalian ng mga sandaling iyon at napagpasyahang bum

