Natanawan ni Attorney Manggubat ang pangyayaring iyon na sa mga sandaling iyon ay patungo sana sa office ni Froylan upang mag-file ng ilang araw niyang vacation leave na hindi niya pa man lang nagagamit. Habang papalapit siya sa bandang iyon ay hindi niya mapigilan ang kabahan lalo na nang makita niya kung ano ang mga nangyayari sa bandang iyon. Dali-dali siyang tumakbo pabalik ng kanilang office kung nasaan ang ibang employee na bago pa lang naghahanda sa kanilang panibagong simula ng trabaho sa unang araw ng paparating na Linggo. Walang sinuman ang mag-aakala sa kanilang ang payapang Lunes na iyon ay magkakaroon ng gulo. Kaguluhan na hindi nila inaasahan sa loob mismo ng kanilang law firm at ang sangkot dito ay ang kanilang CEO mismo. “You won't believe this, si Madam Ycel ay kasalukuya

