Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ni Ira nang matanaw nito ang nagmamadaling mga hakbang ni Ycel. Sa dereksyon na tinatahak nito ay nababatid niyang patungo ito sa opisina ng kanyang asawa. Bigla na lang siyang hindi mapakali sa walang pakundangang appearance nito ngayong umaga doon. Taliwas iyon sa kanyang inaasahan. Kanina niya pa hinihintay na pumasok si Froylan subalit nabigo siya, walang Froylan na dumating. At hindi iyon normal dahil sa palagi itong maaga. Kung ma-late man ang dating nito, ipinagbibigay alam agad ni Froylan iyon sa kanya through text. Nadagdagan pa ang kanyang pag-aalala ng si Ycel ang kanyang nakita ngayong umaga, parang mayroong mali sa pakiramdam niya. Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya sa asawa ng amo sabay pasimpleng lunok ng sariling laway. May kakaib

