Lumipas pa ang buong araw ng Sabado at Linggo nang hindi pa rin nagpapansinan ang mag-asawa. Parang hangin lang sila tuwing nagkakasalubong kahit na nakikita sila ng mga kasambahay ay hindi nila iyon alintana. Hanggang sa hapagkainan ay wala pa rin silang pakialamanan at pansinan. Nagkakaroon lang sila ng interaction kapag tungkol iyon sa kanilang mga anak. Iyong tipong kapag nagtatanong si Fabian na kailangan nilang sagutin. O kapag gusto nitong kumain na kasaama silang mag-asawa. Maliban doon ay wala na. Panandalian lang na panaka-naka ang pagsulyap nilang dalawa na animo ay hindi magkakilala. Pahilim na binilhan ni Ycel si Froylan ng gamot, tinanggap naman iyon ni Froylan ng walang angal dahil alam niyang kailangan niya rin naman iyon. Hindi rin sila tabing matulog na nang dahil sa pagi

