Nalulula at halatang kulang pa sa tulog ng umagang iyon si Ycel nang tunguhin niya ang silid nila. Maingat niyang binuksan ang pintuan at medyo natigilan ng tumambad sa kanyang mga mata ang hitsura ni Froylan na ni hindi pa man lang nakakapagpalit ng suot niyang damit kahapon sa trabaho. Gumapang sa kanyang bawat himaymay ang awa para sa asawa ngunit wala siya doong magawa kung hindi ang matamang tingnan lang ito ng tahimik. Alam niya rin na hindi ito kumain ng hapunan. Ganun ang palagi nitong ginagawa kapag may away sila at samaan ng loob magmula ng maging mag-asawa. Anito ay iyon ang kanyang parusa sa sakit na idinudulot kay Ycel sa tuwing mag-aaway sila. Pinaparusahan nito ang kanyang sarili sa ganitong paraan. Hindi rin naman siya masisi ni Froylan kung bakit ganun ang reaction niya. M

