Halos panawan ng ulirat si Froylan at mandilim ang paningin ng sunod-sunod niyang matikman ang tadyak ni Ycel sa katawan niya. Hindi na sa mukha ang tama noon kung hindi sa katawan niya na. Panay ang kanyang salag, ngunit magaling ang kanyang asawa kung kaya naman nasasapul talaga siya nito sa katawan na hindi niya magawang iiwas. Nakailang tumba na siya sa sahig habang namimilipit sa tinamong sakit. Ngunit ganunpaman ay pilit pa rin siyang bumabangon kahit na alam ang sakit na ng kanyang katawan. Sa tanawing iyon ay hindi pa satisfy si Ycel, hindi pa siya kuntento sa sakit na nakikita sa mukha ng nagkasalang asawa. Ilang tadyak pa ay kusa na siyang tumigil. Alam niyang magiging masakit na ang buong katawan nito sa kanyang ginawa at paniguradong ang ilan pa doon ay magdudulot ng mga malala

