Ilang beses na kumibot-kibot na ang bibig ni Froylan na halatang nagtatangkang magpaliwanag sa kanyang asawa. Iyon nga lang ay hindi niya iyon magawa dahil sa mga paninitig nitong matalim sa kanya. Nagpakulo na iyon ng dugo ni Ycel dahil ang buong akala niya ay pinili na lang ng asawa niyang manahimik at hindi na mag-explain pa. Inaasahan niyang magpapaliwanag na ito ngayon sa mga nangyari kaya naman mas naging magaspang at dismayado ang pakikitungo dito. “Kanina ka pa tinatanong ng maayos, hindi mo iyon magawang sagutin na parang mayroon kang itinatagong lihim sa akin. Ano bang mahirap sa mga katanungan ko Froylan? Umamin ka nga sa akin! Mayroon ka bang inililihim? Nagloloko ka ba?” hulagpos na ng sama ng loob na pinanggagalingan ng hinanakit ni Ycel ng mga sandaling iyon. May pagkumpas

