“ARTIFICIAL insemination?!” Kahit sa telepono lang kausap ni Angelique si Chris ay nai-imagine na rin niya ang shocked at galit na itsura nito base sa tono nito. “You heard me right,” kalmado naman na sabi niya. “Pero bakit?” “Anong bakit? Gusto ko, Chris. Nanganak na si Em. I saw her how happy and fulfilled, with baby in her arms. Gusto ko rin ang ganoon.” “But why would you resort to artificial insemination? Nababaliw ka na ba? I’m here. I can make you pregnant.” Salamat na lang talaga at sa telepono nga lang niya ito kausap. Hindi nito makikita kung paano siya mapangiwi sa sinabi nito. “I’m telling you about this because we are friends, Chris,” normal ang tono na sabi niya. “Ayokong mabalitaan mo na lang sa iba o makita mo ako sa f*******: or i********: na buntis ako. I’m on the

