Chapter 8

1979 Words
YVONNE's POV Nais ko pa sanang habulin ang mga ito pero naabutan ko na lang ang pagliko ng mga ito sa pinaka dulong silid, tatlong kwarto mula dito sa classroom kung na saan ako.  Naisipan kong mag ikot na muna sa buong unibersidad. Wala naman na akong susunod na klase. Isang klase lang ang naka schedule sa akin at yun ang klase kung saan si Luke.  Alam kong si ate ang gumawa ng way para iklian lang ang oras ng pagtuturo ko. Ang ibang oras ko ay ilalaan ko sa pagbabantay at pagmamasid sa paligid ni Luke. Kung baga ang pagiging professor ko dito ay isang free pass to roam around in this University. I was busy looking around when someone bump me. Matangkad at maputing lalaki. He's wearing blue suit na nakatupi hanggang siko ang sleeves. Naka tuck in sa Black jeans nito na pinaresan ng black leather shoes. "Oh! I'm sorry. Nagmamadali kasi ako for my next class." Hinging paumanhin nito.  "Oh no! It's okay. You can go now." Bahagya kong kinaway ang kamay para sabihing ayos lang ako. "Are you knew here? Ngayon lang kita nakita sa university na ito." "Yes I am. First day ko sa pagtuturo ngayon." Tugon ko. Medyo nailang ako sa titig n'ya. Kasi naman napagwapo ng kaharap ko!  "Okay. Welcome to our University. Gusto pa sana kitang makipag kwentuhan kaya lang I'm so late. Invite kita sa lunch later, If it's okay with you?"  "Yeah! sure! Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya."  "By the way I'm Mon Pineda. Also one of the professor here." Nakangiting pakilala n'ya at inilahad ang isang kamay para maki pag shake hand. Agad ko namang inabot iyon. "Yvonne. Yvonne Torres. Nice to meet you Mon." "Likewise Yvonne. Okay, Catch you later! See you sa cafeteria!" Nagmadali na itong naglakad. Lumingon pa ito saglit kung nasaan ako bago lumiko sa hall way na nasa katabing bahagi ng classroom ko.  Nang mawala na sa paningin ko ang lalaki ay nagtuloy na ako sa pag iikot. Nakita kong pare- parehas lang ang bawat classroom. Mamaya aalamin ko ang mga classroom na pinupuntahan ni Luke para mautusan ko ang mga tao ko sa Shadow Empire para maglagay ng surveillance camera. Nadaanan ko ang library. Naisipan kong humiram ng librong pwedeng basahin habang hinihintay matapos ang klase ni Luke. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bench na nasa tapat ng building kung saan kita ko dito ang classroom na pinasukan ni Luke kanina. Kunwari akong nagbabasa pero ang atensyon ko ay nasa paligid ko.  Boring na Boring na ako! Goddamn it! Bakit kasi ito pa ang binigay na misyon sa akin ni ate! Nagbuga ako ng hangin at itinuloy ang pag babasa kahit wala akong maintindihan. Dahil hindi ako dito naka focus. Lumipas ang ilang oras nang sa wakas ay tumunog ang bell para sa lunch break. Narinig ko na ang ingay ng mga nagsisilabasang mga estudyante.  Itinaas ko agad ang librong hawak ko para mukha talaga akong nagbabasa. Pero binaba ko ito ng konti, sapat lang para makita ko kung palabas na ba yung lintek kong alaga. Nakita kong papalabas na ito ng classroom pero tumaas ang kilay ko nang may kaakbay itong babae. Ganun din ang mga kaibigan n'ya. The girls are giggling while walking. Maiikli ang mga kasuotan at hapit na hapit sa katawan at ang mga mukha ay puno ng matingkad na make up. "Is this even a University? or some kind of club?" I said, asking myself, Staring at them with disgust. Nang mawala na sila sa paningin ko ay tinignan ko ang suot kong smartwatch. I click my GPS tracker. I saw them heading to cafeteria.  Malapit na ako sa cafeteria nang may mapansin akong isang lalaki na naka gray na t-shirt at nakasumbrero na itim. Nakasandal ito sa puno katapat ng cafeteria. Sinundan ko ang pwesto kung saan ito nakatitig.  Napatigil ako ng makita kong sa pwesto ito ni Luke nakatingin. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil naka facemask ito.Tumingin ako ulit sa pwesto nila Luke dahil nag ingay  ang mga ito. Binalikan ko ng tingin ang pwesto ng lalaki pero laking dismaya ko ng wala na ito doon. I dialled one of my team using my smartwatch. I turned on my earpiece. "Phanter, paki double check ang area near cafeteria. May nakita akong kahina hinalang lalaki kanina na nakamasid kay Mr. Dela Cuesta." Phanter is one of the top assassins in Shadow Empire and one of my closest friends. Kasama ko s'ya sa misyon na ito kabilang ang apat ko pang kasamahan sa Shadow empire. "Roger that, Fox" Rinig kong sagot n'ya sa kabilang linya. Sunod kong pinutol na agad ang tawag. Tumuloy na ako pagpasok sa loob ng Cafeteria.  Nakita ko ang pag kaway ni Mon kaya agad kong nginitian ito saka  lumapit dito. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng grupo ni Luke, dahil sa biglaan nilang pananahimik. Pero hindi na ako nag abalang tapunan sila ng tingin. Paglapit ko sa lamesa kung nasaan si Mon ay nakita ko nang may mga pagkain nang nakahanda. "I already order our food." Sabi n'ya habang nakangiti sa akin. "Hindi ka na sana nag abala pa, Mon. Pwede naman ako nalang bibili ng food ko." "It's my treat. Pa- Welcome ko sayo." Sobrang friendly nito kaya naman hindi na ako naiilang sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako. "Okay! Thank you. Your so nice naman pala." Umupo na ako. Bigla akong natakam sa pagkain. Simpleng putahe lang naman ang mga ito. Apat na klase ng ulam na nakalagay sa platito. Menudo, Chicken Curry, Chapsuey at Lumpiang Shanghai. Naalala kong kape lang pala ang laman ng sikmura ko. Nalimutan ko nang kumain dahil nga sa nakita kong kababalaghan sa monitor. "Let's eat." Nagsimula na kaming kumain. Nag usap kami tungkol sa iba't ibang bagay at may mga tanong din siya sa akin. "By the way, Ilang taon ka na pala?" Tanong n'ya bago n'ya isubo ang pagkain na nasa kutsara n'ya. "28 na ako." Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay 20 years old pa lang ako.  "Really? You look like younger than 28. You look like a teenager to me." He laugh with that thought.Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What's with your eyes? Some says I am an old lady! How come you see me as a teenager?" Kunyaring gulat at napahawak ang dalawang kamay sa chest ko. "Well, maybe they call you old lady because of what you are wearing! Pero sa tingin ko mukha kang bata. Di na ako magtataka, meron naman mga taong baby face kahit nagkakaedad na." He said while laughing. "Ewan ko lang kung maging baby face pa ako sa mga susunod na araw. Ngayon pa nga lang first day ko pa lang feeling ko tutubuan na ako ng puting buhok." Sabay kaming natawa sa sinabi ko.  "I feel you. Ganyan din ako nung first day ko!" Madami pa kaming pinag usapan na kung ano ano. Masayang kasama si Mon kaya mabilis kaming nakapagpalagayan ng loob. Sinabi n'ya pa na he's not into girls kaya daw hindi s'ya nailang sa akin na kausapin ako.  Nabigla ako sa sinabi n'ya, Biruin  mo ang gandang lalaki, yummy ang katawan tapos ang boses at porma ay lalaking lalaki pero sa loob pala ay malambot. Friendly daw s'ya kahit kanino kaya sanay s'yang makipag usap kahit bago lang n'ya nakilala. Tapos na kaming mag lunch. Tinignan ko ang pwesto nila Luke kanina pero hindi ko na sila nakita doon. Pasimple kong tinignan ang GPS tracker ko sa smartwatch. Nakita kong Pinakataas sila ng building. Nagpaalam na kami ni Mon sa isa't isa dahil may klase pa s'yang pupuntahan at dahilan ko naman ay may mga aasikasuhin din ako. Naglakad na ako papuntang rooftop. Pagdating ko sa taas ay nakaramdam ako ng pagod dahil sa sobrang haba ng mga hagdan. Saka ko lang napansin na may elevator pala dito. Bahagya akong nakaramdam ng inis sa sarili. Dahan- dahan kong itinulak ang pintuan sa rooftop. Iniwasan kong gumawa ng ingay para hindi ako mahuli ni Luke. Pagpasok ko ay bumungad agad sa paningin ko ang mga anim na airconditioner ventilator. lagpas lang ito ng konti sa height ko kaya hindi ako agad mapapansin ni Luke dito. Mabagal akong naglakad. Palingon lingon para makita ko s'ya agad. Pagdating ko sa pang anim na ventilator napansin ko ang Letter H na sign na nakapaloob sa bilog. Kung saan dito ang landingan ng helicopter. Natutop ko ang dalawang kamay ko at napasinghap dahil nagulantang nanaman ang buong sistema ko sa nakita. Nakita ko lang naman si Luke na nakikipag halikan sa sulok. Nakakapit ang dalawang kamay ng babae sa batok ni Luke. Samantalang si Luke ay nakatalikod sa akin at ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa fence ng rooftop. Napatago ako bigla dahil baka mahuli ako ng mga ito. Pumikit ako ng mariin. Ang puso ko parang nagkakarerahan nanaman dahil lumingon ito kung saan ako nakatayo kanina. "Did you hear something?" Narinig kong tanong ni Luke. "Wala naman. hmmm. Shall we continue?" Mapang akit na boses ang narinig ko mula sa babae. Pumikit ako ng mariin. Kagat ang ibabang labi dahil ayaw pang kumalma ng puso ko. 'F*ck! Bakit lagi nalang akong nasa ganitong eksena?!'  Halos banggitin ko na lahat ng mura sa isip ko sa sobrang frustrations! Tinignan ko ang oras. Oras na ng klase pero nandito ang mga ito at naglalandian!  'Peste kang lalake ka! Kaya ka hindi pumapasa dahil bukod sa tamad kang mag- aral ay napakalandi mo pa!' Gigil kong sabi pero sa isip ko lang. Naalala ko ang isa sa gustong ipagawa ng mommy n'ya. Ito ay ang pagdisiplina sa kanya. Mariin akong pumikit at huminga muna ng malalim saka ako lumabas sa pinagtataguan. Iyuyuko na sana ulit ni Luke ang ulo n'ya para ipagpatuloy ang pakikipaghalikan pero natigil ito nang tumikhim ako. Marahas ang paglingon nito sa akin. "I believe that the classes starts 20 minutes ago, Dela Cuesta." I said coldy while staring at them. "What the f*ck? Are you following me, Ms. Torres?" Kunot- noong tanong nito sa akin. "At bakit ko naman gagawin yon? I was roaming around the university and I caught you here doing some disgusting stuff inside the university. Sa oras pa talaga ng klase?" "This is my university so I have all the rights to do everything I want to do! Now, Get out of my sight before I throw you away!" tinalikuran ako nito. Tumawa ako na akala mo isang kontrabida sa isang pelikula. "Base sa mga nabasa kong information ng University na ito ay walang nakalagay na pangalan mo. So technically, Isa ka lang hamak na estudyante dito. Now, I want you to go back in your class!" Madiin kong sabi sa kanila. Nauna ng lumakad palabas ang babae. Sinundan ko ito ng tingin. Nang mawala ito sa paningin ko ay binalikan ko ang lalake sa harapan ko. "Ano pang tinatayo tayo mo d'yan? Go back to your class, Now!" "O-Okay M-Ms. T-Torres. I'm S-Sorry. B-balik na ako sa klase at m- mag aaral na ako ng m-maayos." He said while stammering. Nais kong matawa dahil mukha s'yang isang maamong pusa. "Ok. Go-" Hindi ko naituloy ang nais kong sabihin dahil sa malakas n'yang halakhak. Halakhak na parang walang bukas. "Is that what do you want me say?! Apologize to you and act like a scared p***y cat?!" Humalhak pa rin ito. "I didn't know you were more stupid than I thought!" "What?!" I feel like my face turned so red right now.  Lumakad ito palapit sa akin habang nakapamulsa. "I wont't give you the satisfaction you want, Ms. Torres. Never. Leave me alone or else you'll gonna die. Now, I want you to get out of my sight before I can't control myself to kill you." Walang emosyong sabi n'ya at bumalik sa pwesto nito kanina at tinalikuran ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD