Chapter 7

1625 Words
LUKE's POV "I'm Lucifer. I. Will. Bring. You. To hell." After I said that, I quietly go back to my seat and act like nothing happen. Pero sa loob ko, I was really pissed off!  How dare her humiliate me in front of my classmates? Ang lakas ng loob n'yang ipahiya ako sa loob mismo ng teritoryo ko! And yes she's right when she said I looked older than my classmates. Ilang beses na kasi akong bumabalik balik sa klase na to.  Sinabihan ko na sila mom and dad na sabihan nalang nila ang mga board of directors ng DC University o kaya magbayad nalang ng mga professors para ipasa ako pero ayaw nila. Dahilan nila, Ako ang tagapag mana ng lahat ng kung anong meron sila kaya kailangan kong matutunan ang mga kalakaran sa pag nenegosyo at hindi ko malalaman ang mga yun kung hindi ko tatapusin ang kolehiyo ko. Yung mga professors na malakas ang loob na ibagsak ako ay hindi ko na nakikita dito pagkatapos akong ibagsak. Hindi na nilang kayang humarap sa akin pagkatapos nila akong ibagsak. Hindi kagaya nitong bagong Professor. Unang araw pa lang niya dito ay ang lakas na ng loob na galitin ako! Bago siya bumalik sa harap ay nginisihan niya muna ako. Halatang hindi umubra sa kaniya ang mga salitang binitawan ko. Nilingon ko ang mga kaibigan ko na katabi ko din. Mga nakangisi at pailing iling habang pinapanood ang paglalakad ng professor. Mga kaedaran ko din itong mga to, Sabi nila hangga't hindi daw ako nakaka graduate ay hindi sila aalis dito. Hindi rin sila pumapasa gaya ko. One for all, All for one. Walang iwanan sabi nila.  "Dude! Is she already listed in your death note?" Si Clyde yun.  Red hair guy na may isang diamond earring sa kaliwang tenga.  "I like her braveness." Komento naman ni Safiro "She's like a woman came out from the time machine. That's the outfit of my Great grandmother when she's young!" That's Ken. Siya yung pinaka maporma sa barkada. Always nakasunod sa uso ang mga outfit. Kaya hindi na bago sa amin kung ang pananamit ng babae ang agad na mapapasin n'ya. Natawa kaming apat sa sinabi n'ya dahil totoo naman. I turned my attention back to the front. I saw her writing something on the white board. I played my chin using my hand. "Well, Let's see how far her courage will go coz I'm gonna make her life a living hell." ______________________________________________________________________________ YVONNE's POV Nakaupo ako ngayon habang hinihintay kong matapos ang mga estudyante ko sa pinapagawa ko. Kanina matapos naming magsagutan ni Luke ay napangisi ako. Naalala ko ang mga katagang sinabi n'ya. 'Oh boy! You have no idea how many times I've been there!'  Napailing iling nalang ako. Sino ba ang tinatakot n'ya? Ako? Kung alam n'ya lang kung gaano ako katakutan ng mga kalaban ko! Habang nakaupo ako ay pasimple kong pinag aaralan ang bawat sulok ng classroom.  The classroom is spacious and fully airconditioned  with a touch of white and gray. Ang ayos ng upuan ng mga estudyante ay hugis hagdan. It consist of 5 rows and 10 chairs each rows. Walang bintana kaya safe ito para kay Luke kung may sniper man sa malayo.  Mamaya ay iche-check ko din kung pareparehas lang ang classroom dito. Kailangan kong makasigurado dahil mamaya maya lang tutunog na ang bell para sa next subject ni Luke. So far wala pa naman akong napapansing kahina hinala bukod sa apat na lalaking nakaupo sa likod kasama ang napaka bait kong alaga. Tumaas ang kilay ko. I knew it! kaya hindi pumapasa itong Dela Cuesta na to dahil ganyan umasta sa loob ng klase! Nakayukyok ang mga ulo ni Luke at nung katabi niyang pula ang buhok. Yung lalaking katabi naman ng pula ang buhok ay nakapatong ang ulo sa likod ng pula ang buhok. Yung katabi naman nito ay prenteng nakasandal lang sa upuan at bahagyang nakayuko. And guess what they are doing. They are all sleeping during my class! Napakagaling! Nag isip ako ng paraan paano ko ba magigising ang mga hudyo na ito. Nakakita ako ng Lapis at pambura sa loob ng drawer ng mesa ko. Meron ding rubber band sa loob. Good thing dahil meron nito dito, marahil ay mga naiwan ito ng mga dating professors na nagtuturo sa klase na ito. Inayos ko ang mga nakuha ko at gumawa ako ng improvised slingshot. Kumuha ako ng apat na paper clip. Tinignan ko muna ang mga estudyante, busy ang mga ito sa kani kaniyang ginagawa. malabong may makapansin sa gagawin ko. Bibilisan ko nalang ang kilos. Naglagay na ako ng paper clip sa pagitan ng lapis,Hinawakan ko ito gamit ang goma. Saka ko hinila ito.  "Time to wake up, Boys!" Ipinikit ko ang isang mata para makita ng maayos ang mga target ko. Isa- isa kong pinatama sa kanila ang paper clip. Sinigurado kong solid ang tama sa kanila nito.  Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga sigaw at singhapan sa paligid. Nagulat siguro sila sa biglaang pag sigaw ng apat na lalaki na nakaupo sa likod. "Goddamn it! who did that?!" Sigaw ni Luke habang nakahawak at kinakamot ang tuktok ng ulo n'ya. Ganun din ang ginawa ng mga katabi n'ya. Ang sasama ng tingin nito sa kanilang mga kaklase.  Ako naman ay umasta na parang walang kinalaman sa nangyari. Nakita kong tumingin ang apat sa gawi ko, Nagkibit balikat nalang ako at napa ismid.  Ramdam ko ang sama ng titig nila sa akin lalo na si Luke na animo'y gusto akong kainin ng buhay. Gusto kong humalakhak, pero pinigilan ko.  I stared at them seriously. tinaasan ko sila ng kilay.  "What are you looking at? Are you guys done with your seatwork?" They are still glaring at me. Walang balak sumagot.  "I guess not." Sabi ko na nakatingin sa apat. Unang araw ko dito pero ito agad ang eksenang mararanasan ko. Mang didisiplina ako agad ng mga batang kulang sa aruga! Isa lang naman ang dapat kong turuan ng leksyon pero parang madadamay itong tatlong kasama n'ya dahil halatang magbabarkada.  Saktong tumunog ang bell for next subject. Nagsipag- tayuan ang mga estudyante kasama ang apat sa likod. Nakita kong papalapit ang apat sa akin. "I don't know where did you get the guts to ruin my day, Ms. Torres. But, I will make sure this will be the last time." Hindi man straight to the point ay alam kong pinagbabantaan ako nito. As if naman matatakot ako. I look at my wristwatch then I look at him coldly. "Dalawang oras pa lang naman ang itinagal ng klase ko Mr. Dela Cuesta pero mukhang nakalimutan mo na professor ako dito. Professor mo ako. Professor n'yo ako" Mahinahon ang boses kong turan sa kanya at tumingin sa likuran n'ya para makita ko ang mga kasama n'yang nakatingin sa amin. Bumuntong hininga siya at bored ang mga matang tumingin sa akin. "Who said I care?"  "Wala naman. Gusto ko lang naman sabihin na, dito sa loob ng klase ko ayoko ng tatamad tamad. I also don't care kung sino ka o kayo. Reresputihin n'yo ang mga tao sa paligid n'yo."  Narinig ko silang sabay sabay na humalakhak. Akala mo nakaranig ng sobrang nakakatawang joke. "You are so funny Ms. Torres!" Nakita ko ang pulang buhok na nag salita. Clyde Vicero ang pangalan nung nasilip ko ang I.D nito. Halos maningkit na ang mata nito sa sobrang tuwa. "Hindi ko alam na ang galing mo palang mag joke kahit ganyang ang outfit mo Ms. Torres!" Tinignan ko ang nagsalita. Ken Montero naman ang pangalan. "As far as I remember, ikaw pa lang ang kauna unahang professor na nagsabi n'yan sa amin. You should be proud of yourself!" Ngiting ngiting turan naman ng lalaking nasa gitna ni Clyde at Ken. Safiro Ivan Chua naman ang pangalan nito. Singkit na nga ang mata lalo pa itong naging singkit sa sobrang tuwa! Pinanliitan ko sila ng mga mata. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim para ikalma ang sarili. Kasi kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, malamang duguan na tong tatlong to sa harapan ko.  Kung maririnig lang sila ng mga kapatid ko at mga kaibigan ko sa Shadow Empire malamang kanina pa yung mga yun umuutot sa kakatawa! Sila yung mga taong alam na alam kung gaano ka- iksi ang pasensya ko! Bahagyang bumaba ang mukha ni Luke para magpantay kami. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kita ko ang kislap ng mga mata n'ya, halatang tuwang tuwa sa narinig.  "Pagbibigyan kita ngayon dahil napasaya ako ng joke mo, Ms. Torres. But the next time you try to ruin my day, You better get ready for the consequences. A'right?" Tumayo ito ng tuwid at inilagay ang dalawang kamay sa kabilaang bulsa ng pantalon. Walang sabi sabing tumalikod sa akin at naglakad. Sumunod ang mga kaibigan nito na hindi mawala wala ang mga ngiti sa mga labi. Hindi pa sila tuluyang nakakalabas ng pintuan ng magsalita ako. "Where do you think you're going?" Huminto sila sa pag lakad. I smirk at them. "First of all, I am not asking you to respect me or the people around you. I command you to do it. You will regret if you guys disobey me. Believe me." They looked at me like they heard the most unbelievable hilarious statement in their whole life. "You know what Old lady, That's enough for today. Save it for tomorrow."  Pailing iling ang mga ito na animo'y kumakausap ng isang taong baliw. Tuluyan ng nakalabas ang mga ito.  Kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang gigil. Naikuyom ang mga kamao. This time, Naubos na ang pasensya ko.  "You are so dead, Luke Dela Cuesta!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD