NAKAAYOS na ang mga gamit ko, handa na akong tumira sa boarding house sa Maynila. Kinarga ni Papa ang mga gamit ko sa loob ng van. Kasama ko ang buong pamilya para makita rin nila ang titirahan ko. Tumawag si Lyka kanina at ang sabi niya, nauna na raw siya boarding house. Hinatid siya nina Mister Finn, Miss Mendez at Mrs. Lewis. “Ate! Tayo na raw!” tawag ni Johan. Bumaba ako ng kuwarto, ni-lock ang pinto sabay lumabas ng bahay. Si Mama na ang nag-lock ng front door at bago kami umalis huminga muna ako nang malalim. Pinagmasdan ko ang bahay namin dito sa Makati. Uuwi rin naman ako tuwing walang pasok kaya ayos lang naman, wala silang dapat alalahanin. “Tayo na po.” Sumakay kami ni Mama sa loob ng van at sinimulan nang paandarin ni Papa ang sasakyan. Habang nasa biyahe, inayos ko an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


