TUMAWAG sa akin si Moli, magkikita kami ngayon sa Cavite City. Pupunta kami sa bahay na siyang nagsilbing tahanan namin noong mga bata pa kami. Nakaabang ako sa sakayan ng jeep kung saan kami dapat magkikita. Nang maaninag ko si Moli, aba kasama niya sina Jack at Lily? Natuwa ako nang makita silang tatlo. “Moli! Jack! Lily!” tawag ko. Napansin nila ako kaagad sabay kumaway din pabalik sa akin. Nang makasama-sama kaming apat… para akong bumalik sa aking pagkabata. “Mouse!” sabik na sabi ni Moli. “Ate Mouse, miss na miss na kita!” May butil ng luha sa magkabilang gilid ng mga mata ni Lily. Ang sweet pa rin niya, hindi pa rin siya nagbabago. “Dalaga ka na, Lily!” Kinuskos ko ang malambot niyang buhok sa ulo. Ang laki ng ipinagbago ni Lily, dalaga na siya at napakaganda. Litaw na li

