NAKAHANDA na ang lahat para sa pag-alis nila. Sasama kami ni Lyka sa paghatid sa kanila sa airport. Ipinalagay ni Miss Mendez ang mga gamit nila sa loob ng van. Hindi na makakasama si Mrs. Lewis sa paghatid dahil sa sumasakit niyang tuhod. Si Mister Finn ngayon ang magmamaneho ng sasakyan. Nasa labas kami ngayon at nagpapaalam na ang kambal sa kanilang Lola Faustina. “Lola, mag-iingat po kayo rito. Huwag n’yo pong kalimutan inumin ang mga gamot n’yo po,” paalala ni Ashley. Huminga nang malalim si Mrs. Lewis, hinagkan niya si Ashley sabay hinalikan sa noo. “Mag-iingat din kayo, lalo ka na Ashley.” Ibinaling ni Mrs. Lewis ang pansin kay Theo. “Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, huwag mo siyang pababayaan.” Kinuskos ni Mrs. Lewis ang buhok sa ulo ni Theo sabay ngumiti. Tumango naman si

