Good bye part – 2

1495 Words

  HINDI ko maintindihan ang sarili ko. Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa relasyon namin ni Theo. Hindi pa kami gano’n ka-mature at aminado akong pareho pa kaming mga bata sa ngayon. Mga teenager pa lang kami, marami pa kaming responsibilidad na dapat naming unahin. Pero… mahal ko si Theo… mahal ko na siya na ayaw ko nang mawalay sa kanya. “Mouse?” Bigla kong inilihis ang pansin sa harap. Muli kong pinagmasdan ang tubig habang nakasandal sa braso niya. “A-Ayokong mawalay sa ‘yo, Theo…” mahina kong bulong. Napansin ko ang pagtabi ng ulo ni Theo sa ulo ko. “Ayoko ring mawalay sa ‘yo… Mouse, pero kailangan. Mahal kita, seryoso ako sa sinasabi ko kaya kinakailangan kong maging isang lalaking may paninindigan. Gusto kitang bigyan ng magandang buhay, ikaw at ang magiging pamilya nati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD