Childhood Friend

1500 Words
HINDI ko na alam kung anong pakikitungo ang gagawin ko kay Theo. Hiyang-hiya ako sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa. Ni hindi ko siya magawang tingnan nang tuwid kaya umiiwas na lamang ako. Matapos ang gabi ng New Year's Eve, ang daming pumapasok sa isip ko. Ang sakit sa puso dulot ng pagkabigo dahil kay Mister Finn at Miss Rosalinda. Kahit no'ng umpisa pa lang alam ko namang walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kanya. Hay! Tapos, dumagdag pa si Theo. Bigla-bigla na lang siyang nanghahalik! First kiss ko pa naman 'yon! Agh!!! Nawiwindang na ang isip ko! "Mouse!" tawag ni Mrs. Drew sa labas ng pinto. "Tayo na, mahuhuli pa tayo sa klase!" Balik eskwela na kami ulit ngayon. Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng kuwarto. "Tayo na po, Mrs. Drew!" Sabay kaming pumasok sa Davies Samaritan Academy. Habang naglalakad napapasulyap ako kay Mrs. Drew, wala akong sinabi na kahit ano tungkol sa napag-usapan namin ni Mrs. Lewis. Tahimik lang kami hanggang makarating sa eskwelahan. Nauna akong umakyat sa classroom dahil dumaan pa si Mrs. Drew sa faculty room. Pagkarating ko sa loob kaagad akong sinalubong ni Ashley. "Good morning, Mouse!" bati niya. "Good morning din, Ashley." Binati rin ako ng iba ko pang mga kaklase, gano'n din naman ang ginawa ko sa kanila. Pero hindi ko magawang pansinin si Theo, nahihiya ako sa kanya. "Good morning!" bati ni Theo habang nakaupo sa silya't nakapangalumbaba sa ibabaw ng desk niya. "G-Good morning din," nahihiya kong sagot. Hindi ako nakatingin sa mukha niya, sobrang nahihiya talaga ako. Ba't gano'n, parang balewala lang sa kanya ang ginawa niya? Samantalang ako, pumasok ang bagong taon na malalim ang eye bag ko dahil sa kakaisip sa mga nangyari. "Okay class, maupo na kayo!" Biglang pumasok sa loob si Mrs. Drew. "May kasama ako ngayon na transfer student. Alam kong matatapos na ang school year pero, tinanggap siya sa paaralang ito dahil wala namang naging problema sa grades niya sa dati niyang eskwelahan." Tumingin si Mrs. Drew sa labas saka sinenyasang pumasok sa loob ang transfer student. "Ipinapakilala ko sa inyo si Lyka Mallarez," pakilala niya. "Hi! Tawagin n'yo na lang akong Lyka, hindi na kailangang maging pormal." May accent siya kung magsalita, sa totoo lang naartehan ako. "Lyka!!!" tawag ni Ashley na para bang kilala niya ang bagong transfer student. "Ah!!! Ashley!!!" Mabilis siyang lumapit kay Ashley at nagbeso-beso sila. "Kung narito ka ibig sabihin narito rin si Timotheo?" "Nandito ako!" "Theo!!!" Lumapit siya kay Theo sabay yakap. Close na close silang tatlo, ah. "Kababata ko silang dalawa! Miss na miss ko na ang dalawang 'to!" kwento pa ni Lyaka. Halatang malapit silang tatlo, dahil childhood friend sila. Okay lang naman siguro na kilalanin ko siya at makipagkaibigan sa kanya. Mukha naman siyang mabait... *** Lunch break nang mapagkasunduan naming kumain sa maliit na park sa likod ng school premises. May maliliit na kubo rito na pwedeng kainan at tambayan. Kasama namin si Lyka, ang dami nilang pinagkwentuhan ni Ashley. Tahimik namang nakikinig si Theo, gano'n din ako. "So, siya pala ang inampon ni Lola Faustina." Tiningnan niya ako nang may matalim na tingin. "Hmmm...normal lang, wala namang espesyal sa kanya," aniyang sinusuyod ang kabuohan ng pagkatao ko. Nakataas ang kilay niya't may pagmamataas sa tono ng pananalita. Naalala ko tuloy si Ashley sa kanya dati. Ganitong-ganito ang pakikitungo sa akin ni Ashley noon. Baka naman, pwede pang mabago at maging kaibigan ko siya. "Ah-eh, tama ka ordinaryong babae lang ako," ngisi kong sabi sa kanya. Hindi naman pwedeng magmataas ako, hindi ko kaya gawain 'yon. Okay na ako sa pagiging normal na dalaga. Tumabi si Lyka kay Theo saka umakbay sa braso nito. "Theo, 'di ba sabi mo noon gagawin mo 'kong girlfriend mo?!" malambing na parang maamong tuta niyang sabi kay Theo. "Ha?! W-Wala naman akong natatandaang sinabi ko 'yon, ah?" Asus, palusot pa nitong si Theo. Sabi-sabi pa siya na 'mahal kita Mouse' iyon pala may Lyka na. Ases! "Ano ka ba sinabi mo 'yon noong mga bata pa tayo!" pagpupumilit ni Lyka. "Naglalaro lang tayo noon!" Ano kayang laro nila? Bahay-bahayan? Hmmp! Bahala nga sila, basta ako kakain lang dito tapos babalik na sa classroom. Binilisan ko ang pagkain ko para hindi ko na mapanuod ang ginagawang paglalambing ni Lyka kay Theo. Sabagay, maganda naman talaga si Lyka. Blonde hair, mestiza, matangkad at tulad ni Ashley, masa malaki ang hinaharap niya kaysa sa akin. Eh, di, sila na ang may boobs. Hay! "Mauna na ako sa inyo!" Tumayo ako saka binitbit ang lunch box ko. "Teka! Sabay na ako!" Tumayo rin si Theo, natanggal sa pagkakapit sa braso si Lyka. "Pero, hindi ka pa tapos kuman, Theo." Itinuro ko ang pagkain niyang wala pang bawas gamit ang nguso ko. "Ayos lang busog pa naman ako!" Niligpit niya ang lunch box niya't sumabay sa akin pabalik sa classroom. "Teka! Iiwan n'yo kami? Ako, hindi mo ba ako aantayin, Theo?" pasupladang litanya ni Lyka. Hindi ko na sila inintindi, kusa na akong naglakad at bumalik sa classroom. Kakausapin ko na lang si Ashley mamaya sa telepono. Baka magtampo kasi siya. Sumunod din sa akin si Theo. Naiwan ang dalawa sa park. Habang umaakyat kami sa hagdan pabalik sa classroom... "Nagseselos ka ba?" wala sa hulog na tanong ni Theo. "Ha?! B-Bakit naman ako magseselos?" Nauna ako ng hakbang sa kanya. "Wala naman akong dapat ikaselos!" depensa ko. "Okay sabi mo, eh." Hay! Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Wala naman talaga akong dapat ikaselos. Ba't ba niya biglang nasabi 'yon? "Gusto ko lang malaman mo na, childhood friend lang namin si Lyka. Wala nang iba pa." Inunahan niya ako sa pagpasok sa loob ng classroom. Nakapamulsa siya't seryoso ang mukha. Maging ang tono ng pananalita niya seryoso rin. Bakit ba parang may nagsasabi sa puso ko na paniwalaan ko siya. Teka! Wala pa naman akong sagot sa kanya, ah. Hay! Hanggang matapus ang buong klase namin, itong si Lyka hindi mahiwalay sa tabi ni Theo. Pati sa pag-uwi namin nakakapit siya sa braso ni Theo na parang ayaw na niya itong pakawalan. *** NAGULAT ako nang makita si Lyka na nasa harap ng pinto ng silid ko sa dormitoryo. Syempre pinapasok ko siya sa loob. "A-Ano'ng maipaglilingkod ko, Lyka?" mahinahon kong tanong. "G-Gusto mo ba ng maiinom?" May maliit na ref ako sa kwarto kaya may maiialok akong malamig na inumin sa kanya. "Hindi na, salamat!" tipid niyang sagot. Halata kong iginagala niya ang paningin niya sa apat na sulok ng kwarto ko. Para siyang imbestigador na may iniimbistigahang kaso. Medyo nahihiya ako sa maliit kong kwarto. "Nagtapat na ba sa 'yo si Theo?" bigla niyang tanong na hindi ko napaghandaan. "Ha?! A-Ano?" "Bingi ka ba o ano?" Hinarap niya ako nang nakataas ang isang kilay. Nakapamewang siya habang tinatapik-tapik ang sahig ng dulo ng sapatos niya. "Napansin ko kasing, palaging nakatingin sa 'yo si Theo. Hindi niya 'yon ginagawa sa ibang babae kahti nga sa akin." Pabigla siyang naupo sa kama ko nang naka-crosed arm pa rin. Wala akong maisagot sa kanya. Ano nga ba ang isasagot ko? "Hindi ka mapalagay at namumula ang pisngi mo. May gusto ka rin sa kanya, noh?" Ano ba talaga siya imbistigador? Lalo tuloy akong walang maisagot sa kanya. Naisip ko na lang para matapos na ang pag-iintriga niya sa buhay ko, sabihin ko na lang ang gusto niyang marinig. "H-Hindi! Nagkakamali ka! Iba ang gusto ko, hindi si Theo." Totoo namang may iba akong gusto kahit alam kong walang patutunguhan iyon. Alam ko namang hinding-hindi ako titingnan ni Mister Finn tulad sa pagtingin niya kay Miss Rosalinda. Kumirot tuloy ang puso ko bigla. "Hmmpp! Kung gano'n, umiwas ka na kay Theo! Huwag mo na siyang paasahin pa! Kung ayaw mo sa kanya—sabihin mo nang malinaw!" Tumayo si Lyka, dinaanan niya ako nang may taas noo. "Hindi deserve ni Theo ang tulad mo! Kung ikaw lang naman ang mananakit sa kanya—hindi ako papayag!" Narinig ko na lamang na binuksan niya ang pinto at lumabas ng kwarto. Hindi ko siya nagawang lingunin. Bawat salita niya ay tumagos sa aking dibdib. Bakit ganito? Bakit apektado ako? Ramdam ko ang matibay na pagkagusto ni Lyka kay Theo. Tama siya, sino ba naman ako para saktan ang lalaking 'yon. Hindi deserve ni Theo ang tulad ko. Saka ko lang na-realize ang mga sandaling parating nariyan si Theo para sa akin. Tuwing kailangan ko ng tulong, palagi siyang nariyan. Siguro nga, mas nababagay sila ni Lyka. Akon a lang ang kusang lalayo kay Theo. Madali lang naman akong kalimutan, hindi naman ako gano'n ka espesyal tulad ng sinabi ni Lyka. Pero bakit ganito? Kusang tumutulo ang mga luha ko? Nanlalamig ang mga palad ko't ayaw paawat sa pagtibok ng puso ko sa sakit? Binuksan ko ang kabinet ko, kinuha ang puting panyo na iniingatan ko. Inilagay ko ito sa aking dibdib. Hindi ko alam pero, nagiging panatag ang kalooban ko sa tuwing niyayakap ko ang panyong ito. Para siyang may healing power na nagbibigay init tuwing nasasaktan ako. Minsan iniisip ko na...sana...sana makilala ko ang lalaking nagtapon nitong panyo sa mukha ko. Iniisip ko na pasalamatan siya dahil sa panyong ito, marami na itong napunasang luha...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD