MAAGA kaming pinaglinis ni Miss Mercedes, may klase sa umaga ang mga maliliit na bata kami naman sa hapon. Dalawa ang bahay dito sa ampunan. Itong nililinis namin ay bahay kung saan kami natutulog. Katabi nito ang bahay kung saan kami tinuturuan parang maliit na eskwelahan. Tinuturuan kami ng mga volunteer teachers at iba pang lokal na organisasyong nangangasiwa sa edukasyon ng mga mahihirap. Natuto kaming bumasa at sumulat dahil sa kanila. Sila rin ang dahilan kung bakit gusto kong maging guro paglaki ko.
Mayroon silang magandang hangarin at mabuting puso.
"Mouse, itigil mo muna 'yan pinaptawag tayo ni Miss Mercedes," tawag ni Jack.
"Bakit daw?" tipid kong tanong.
"Malay ko? Sumunod ka na lang, ang dami pang tanong!" masungit niyang sagot. Si Jack talaga kahit kailan ang sungit. Sa aming lahat dito sa ampunan pumapangalawa si Jack kay Miss Mercedes sa kasungitan. Matangkad siya't moreno, magandang lalaki rin itong si Jack, balita ko nga may crush sa kanya ang ibang tindera sa palengke.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" Napansin ni Jack ang panay tingin ko sa kanya. Ito kasing si Jack kapag nagsasalita parang malakas na businang dumadagundong sa tainga.
Pagkarating namin sa loob ng opisina ni Miss Mercedes, my babaeng nakaupo sa tabi ng mesa. Ang ganda niya. Mukha siyang mayaman pero, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Maamo kasi ang mukha niya at hindi mukhang mayabang. Maiksi ang buhok, morena at maganda ang hubog ng katawan. May mapulang labi at manipis na makeup.
"Kumusta kayo mga bata?" bati ng magandang babae.
"Mabuti naman po, kumusta rin po?" sabay-sabay naming sagot. Kumikinang ang ngiti ng magandang babae litaw ang maputi niyang ngipin nahiya tuloy ako, hindi pa kasi ako nagto-toothbrush. Inamoy ko ang sarili ko hindi pa rin ako nakakaligo, si Jack kasi ayaw tumulong hindi tuloy ako nakaligo kaagad.
Napatingin silang lahat sa akin nang bigla akong humatsing nang malakas. Nagtawanan silang tatlo maliban kay Jack, napailing na lamang siya sa paghatsing ko. Naramdaman ko ang uhog na nag-uunahang lumabas sa ilong ko. Ginamit ko ang kamay ko pampunas ng sipon may natira pa at dumikit ito sa pisngi ko.
"Teka, may sipon ka sa pisngi." Pinahiran ng magandang babae ang sipon sa pisngi ko.
"Hmm… ang bango n'yo po! Hindi po masakit sa ilong ang pabango n'yo tapos, ang ganda n'yo po talaga! Tingin ko po, nasa twenty years old lang kayo pero, hindi po ako sigurado—"
"Mouse!" biglang sumabat nang pasigaw si Miss Mercedes.
Tumaas na naman ang isang kilay niya't tinitigan ako nang masama. Narinig kong nagtawanan ang mga katabi ko, maliban kay Jack. Humingi agad ako ng sorry, nadala lang talaga ako ng paghanga sa magandahang babae. Napabuntong-hininga na lamang si Miss Mercedes saka ipinakilala sa amin ang napakagandang bisita.
"Siya si Mrs. Erina Drew. Naghahanap sila ng mga high school student na mabibigyan ng scholarship. Kailangan n'yo lang makapasa sa ibibigay nilang exam. Si Jack ay 4th year, sina Tony at Linda ay 2nd year at sina Moli at Mouse ay 1st year sa darating na pasukan."
"Sana makapasa kayo sa exam, ibinigay ko na ang iba pang detalye kay Miss Mercedes, siya na ang bahalang magpaliwanag ng lahat. Good luck sa inyo."
Nakakagaan ng loob bawat: ngiti, salita at kilos niya. May kakaiba rin siyang amoy na nagpapalukso sa puso ko. Maiinit ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit? Isa-isa niya kaming kinamayan, ang init ng palad ni Mrs. Drew. Pagkatapos sinamahan siya ni Miss Mercedes at inihatid sa labas ng gate. Sinilip namin siya mula sa bintana hanggang sa tuluyan na siyang umalis hindi pa rin mawala ang masarap na pakiramdam na naramdaman ko mula sa kanya.
***
"MISS MERCEDES?!" palingon-lingon kong tinawag ang pangalan ni Miss Mercedes, ngunit wala siya sa paligid. Tinawag ko rin sina Moli, Jack at ang iba pa pero, wala sila. Bigla akong kinabahan nataranta ako at hindi malaman kung saan pupunta. Hala! Nawawala ako! Ang tataas ng mga building dito sa Makati, saan ko sila ngayon hahanapin? Kasalukuyan kaming narito ngayon upang kumuha ng exam nang bigla akong mapahiwalay sa kanila. Ang daming tao sa paligid at ang lahat ay nagmamadali sa paglalakad. Ganito ba talaga rito sa Maynila? Ang lahat ng tao ay parang mga langgam, ang dami nila't nakakahilo sa paningin.
Sumabay ako sa mga naglalakad na tao hanggang sa makarating sa isang fast-food chain. Kumalam bigla ang tiyan ko ginugutom na ako! Sumilip ako sa bintanang gawa sa salamin. Kitang-kita ko ang mga tao na kumakain sa loob. Nakakapanglaway mukhang masarap ang kinakain nila! Wow! Chicken joy!
"Hoy bata! Huwag kang sumilip diyan, madudumihan ang salamin!" sinita ni manong guard.
Napaatras ako nang biglang may humablot sa bag pack ko mula sa likod. Natangay ako sa lakas nang pagkakahablot natumba ako sa simento, tuluyang natangay ang bag ko ng isang lalaki.
"Magnanakaw! Ibalik mo 'yang bag ko!" sigaw ko.
Aray! Ang sakit, palagi na lang nasasaktan itong pwet ko! Balak ko pang habulin ang magnanakaw kaso, nangangatog ang mga tuhod ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao walang may gustong tumulong sa akin hanggang sa matulala na lang ako sa mga pangyayari.
Nakakainis! Nawawala ako sa lungsod na hindi ko kabisado—ginugutom na ako—ninakaw pa ang bag ko! Malalate na ako sa exam, wala na tapos na ang buhay ko! Gusto ko nang maglaho sa mundo! Napasandal na lang ako sa isang tabi, napaupo at nayuko nakasubsob ang ulo habang yakap ang dalawang binti. Hindi ko mapigilang hindi maiyak ano'ng gagawin ko? Magiging batang pulubi na ba ako?
"Bata, okay ka lang ba?"
May narinig akong boses lalaki, nakatayo siya sa harap ko. Nang matuon ang tingin ko sa kanya. "M-Mister?" Nakangiti siya sa akin bitbit ang bag ko.
"Sa 'yo 'to 'di ba?" Iniabot niya ang bag ko na ninakaw kanina.
"O-Opo! Maraming salamat po, Mister! Paano n'yo po—"
"Hinabol ko 'yong magnanakaw! Ang galing ko, noh?" pabida niyang sabat sabay kindat.
Kuminang ang paligid nang masilayan ko ang gandang lalaki niya. Ang tamis ng mga ngiti niya, hindi tulad sa ibang lalaking nakilala ko. Parang bituin kung kuminang ang kanyang mga mata, ang puti ng ngipin niya 'di tulad sa ngipin ko na isang beses lang nasisipilyo sa loob ng isang araw. Nasa loob ako ng pantasya ko nang biglang kumulog ang tiyan ko.
"Naku, mukhang gutom ka na gusto mo bang kumain?" Itinuro niya ang fast-food sa tabi namin.
Napakamot ako sa ulo saka napanguso. "Ang sabi po sa amin ni Miss Mercedes, huwag daw po kami sumama sa taong hindi namin kilala, baka po makidnap kami!" Nahinto ako sandali saka bumulong, "Pero, ginugutom na po talaga ako."
Tumawa na naman siya nang malakas. Mukha naman siyang mabait, maamo ang mukha at malambing ang boses. Nag-promise siya na tutulungan ako pagkatapos namin kumain. Pumasok kami sa loob ng fast-food chain. Om-order siya ng burger, fries with drinks. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa agad kong sinunggaban ang pagkain. Nakatitig lang ang lalaki sa akin habang enjoy na enjoy akong kumakain.
"Gutom na gutom ka talaga, ah. Sige ubusin mo muna 'yan bago mo sabihin kung saan ka pupunta."
Pinilit kong magsalit kahit puno pa ang bibig ko nang pagkain. Nangiwi lang siya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ko. Nilunok ko muna ang pagkain uminom ng softdrinks saka muling nagsalita.
"Sa Twin Tower Building po, doon po kasi ako mag-e-exam!" atubili kong sagot.
"Exam? Twin Tower Building, hmm…?" napaisip siya sandali. "Ah, malapit lang 'yan dito teka, aplikante ka ba para sa scholarship ng Davies Samaritan Academy?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig alam niya ang tungkol sa eskwelahan. Agad kong isinubo ang natitirang burger, nguya, lunok sabay inom ng natitirang softdrinks. "Opo! Tama po! Aplikante nga po ako para sa scholarship teka, paano n'yo po nalaman ang tungkol sa school?" nagmamadali kong tanong sa lalaki.
"Ah, e. May kakilala kasi ako roon. Oh, siya tara sasamahan kita!" Tumayo ang mister saka nagtungo sa likod ko.
Tinulungan niya akong tumayo, napaka-gentle man niya napapangiti tuloy ako. Habang naglalakad kami sa sidewalk, hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Matangkad siya, matangos ang ilong at mestiso. Mukha siyang nagtatrabaho sa opisina dahil sa suot niyang kurbata. Halata ang agwat ng edad naming dalawa.
"Oh, bakit ka nakatingin nang ganyan? May dumi ba ako sa mukha?" taka niyang tanong.
Bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga tingin niyang nakakatunaw. "Ah, eh. Naisip ko lang po kung ilang taon na po kayo?"
Natatawa siyang sumagot, "Tingin mo ilang taon na ako, bata?"
"Hindi na ako bata!" nakanguso kong sagot. "Dalaga po na ako! At kung titingnan po kita mukha ka na pong nasa trenta.
"Ha?! grabe ka naman wala pa ako sa trenta, 24 pa lang ako."
12 years old ako at siya ay 24, kitang-kita ang agwat ng edad namin pero, bakit ganito? Parang may kumikiliti sa puso ko na siyang nagpapangiti nang kusa sa labi ko? Bigla siyang nahinto nang makarating kami sa Twin Tower Building, sinamahan niya ako hanggang sa 2nd floor. Nang makarating kami roon nakita ko kaagad si Miss Mercedes palakad-lakad sa hallway.
"Miss Mercedes!!" sigaw ko.
Parang eksena sa mga teleserye nang magkita kami dali-dali niya akong pinuntahan saka niyakap nang mahigpit. Napansin ko ang dalawang pulis sa gilid may isinusulat ang isa at ang isa naman ay may kausap sa telepono.
"Mouse! Ligtas ka! Diyos ko, alalang-ala kami sa 'yo, bata ka!"
Humingi ako ng sorry dahil sa katangahan ko pagkatapos tumayo ako para pumunta sa kuwarto kung saan ginaganap ang exam. Bigla akong hinawakan ni Miss Mercedes sa isang kamay pinigilan niya akong magpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto kung nasaan ang mga aplikante. Nahinto ako at pinakinggan si Miss Mercedes.
"Hindi ka na maaaring kumuha ng exam cut off na tapos na ang registration. Mamayamaya lalabas na ang mga aplikanteng kumuha ng exam sorry Mouse, nahuli ka nang dating."
"P-Po?"
Nang marinig ko ang mga sinabi ni Miss Mercedes pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Nakatulala ako't hindi makapaniwala, napaupo na lang ako sa waiting area. Napansin kong tinabihan ako ng lalaki pero hindi ko siya kinibo, wala kaming imikan. Nang biglang tumulo ang mga luha ko, kagat-labi at nakatikom ang mga palad na nakapatong sa binti ko.
Hanggang sa makauwi kami ng bahay-ampunan ang bigat nang pakiramdam ko. Tahimik akong pumasok sa kuwarto't nahiga sa matigas na higaan. Gusto kong sumigaw nang malakas! Parang gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko sa katangahan ko. Kinuha ko ang unan saka isinubsob ang mukha ko rito nang mahulog sa mukha ko ang puting panyo ng masungit na lalaking nakabangga ko noon. Hinayaan ko lang ito sa mukha ko't nilanghap ang mabango amoy nito.