bc

Babysitting the Mafia's Daughter(Tagalog)

book_age16+
2.9K
FOLLOW
31.7K
READ
possessive
friends to lovers
dominant
maid
mafia
twisted
bxg
mystery
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

Sampung taong gulang pa lamang ang batang si Sienna Elara Sandoval ay nawalan na siya ng mga magulang. Pinatay ng isang organization ang kanyang mga magulang. Ang organization na iyon ay tumutukoy sa mga Mafia. Noong malaman ni Sienna, ang tungkol sa mga mafia ay nagsimula na siyang kamuhian ang mga ito.

Tanging ipon lamang rin ni Sienna ang kanyang ginamit upang mabuhay. Nang maubos na ang kanyang mga ipon, ay wala na syang nagawa kundi ang rumaket. Lahat ng trabaho ay handa niyang pasukan, basta hindi ito ilegal. Noong siya ay tumungtong na sa edad na 25 ay pinasok na ni Sienna, ang pagiging babysitter kapalit ng malaking sweldo. Isang makulit, mataray, maldita at bully ang kanyang aalagaan. Wala pang mga babysitter ang tumagal sa pag-aalaga doon sa batang babae. Pero para kay Sienna, ay sisiw lang iyon at magagawa niyang kayanin.

Ngunit ang hindi niya pa alam ay isa palang Mafia Boss, ang ama ng batang inaalagaan niya.

Magiging close kaya sila ng bata at ng ama nito? Pero paano kapag nalaman nalang bigla ni Sienna, na isa palang mafia boss ang amo niya? May mabubuo kayang "Love" sa pagitan nilang dalawa?

LAXEROUS ELVION SANCHEZ x SIENNA ELARA SANDOVAL

chap-preview
Free preview
Prologue
SIENNA POV Ako nga pala si Sienna Elara Hernandez, sampung taon gulang. Lumaki ako na only child. Meron akong masayang pamilya at masasabi ko na sobrang swerte ko talaga sa kanila. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko at halos lahat na yata ng gugustuhin ko ay ibinibigay nila. Maliban nalang sa kagustuhan ko na magkaroon ng baby brother or baby sister. Mas okay ‘raw kase ang maging only child nalang ako. May sariling kumpanya ‘rin ang pamilya namin. Sabi sa akin noon ni Mommy, ay ako ‘raw ang susunod na magmamana ng kumpanya nila. Hindi lang kumpanya ang meron kame dahil mayroon ‘rin kame na sariling resort at restaurant. “SWEETIE!!” Noong marinig ko ang pagsigaw ni Mommy, mula sa ibaba ay dali-dali ako na napatakbo papunta sa likod ng mansion. “Mommy, Daddy,” Nakangiti ko silang tinignan at muli akong nagsalita, “Wow! Mommy, Daddy, para sa akin ba ang cake na iyan?” masayang dagdag na tanong ko sa kanila. “Yes, sweetie. Nakapasa ka kase sa exam ninyo kanina 'di ba? Gusto ka lang namin bigyan ng kaunting celebration.” Nakangiting sagot ni Mommy, kaya naman dali-dali ko silang niyakap ni, Daddy. “Thank you so much, Mommy and Daddy. I love you both” Masayang sabi ko sa kanila. Sa gitna ng kasiyahan namin ay isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. Kaagad naman na nagpunta sa harapan ko sila Daddy at Mommy. Nakita ko rin ang paglalabas nila ng baril na halos ikatumba ko mula sa aking kinatatayuan. Pagkatakot rin ang naramdaman ko dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayare. “Andito na sila” Nagtataka ako na napatingin kay Daddy, noong sabihin niya iyon. “M-Mommy, Da-Daddy” “Sienna, weetie, magpunta ka sa kwarto mo at doon ka na sa kabila dumaan. Pagkapunta mo sa kwarto mo ay magtago ka doon sa cabinet mo at pindutin mo yung nag-iisang black button doon” Nakangiting utos sa akin ni Mommy, kaya sobra akong naguluhan. Hindi ko gustong iwan sila dito. Ayaw kong mawalan ng magulang. Hindi ko pa kaya “M-Mommy, paano po kayo ni, Daddy? Please po Mommy, Daddy, sumama na po kayo sa akin. Ayaw ko po na mawala kayo” Naiiyak kong pakiusap sa mga magulang ko. “Hindi, sweetie. Makinig ka nalang sa sinabi ng Mommy, mo. Sige na, umalis ka na. Huwag mo kame suwayin, anak ko” Biglang sumeryoso ang pananalita ni, Daddy at alam kong nangangahulugan lang iyon kung gaano siya ka-strikto sa akin. Bigla naman na may kung ano na kumalabog na parang pagbagsak yata ng isang mabigat na bagay. “SIENNA, UMALIS KA NA!” Sigaw sa akin ni Mommy, at dahil sa sobrang pagkataranta ko ay wala na akong nagawa kundi ang tumakto at sinunod ko ang inutos sa akin ni, Mommy. Pagka-akyat ko sa aking kwarto ay pumasok na kaagad ako doon. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpunta sa cabinet ko at doon ay pumasok ako. Pagkapasok ko sa loob ay may nakita nga akong black button at kaagad ko iyon na pinindot. Simula noong pindutin ko ang black button ay parang nanahimik bigla. Hindi ko na marinig yung mga ingay. “AHH!” Bigla ako na napahiyaw dahil sa lakas ng pagsabog na iyon. Akala ko wala na akong maririnig na kung ano. MAKALIPAS ang halos fifteen years ay nag-isa na lamang ako. Mula pagkabata ko ay galit na ako sa tinatawag nilang "Mafia" dahil sa mga mafia kaya ako namatayan ng mga magulang. Nalaman ko noon ang tungkol sa mga mafia at nalaman ko rin na isang organization ang pumatay sa mga magulang ko. Sampung taong gulang palang ako ay namulat na ako sa katotohanan na 'Hindi lahat ng taong pinagkatiwalaan mo noong una, ay maaari mo pa rin na pagkatiwalaan sa mga susunod' Pagod na pagod na akong magtiwala basta-basta. Akala ko, kaibigan sila ng mga magulang ko, ngunit pinatay pa rin nila sila. Ngayon ay ang tanging nakakasama ko na lamang ay si, Cathleen. Kaibigan ko si Cathleen, mula noong mag high school ako. Mahirap lamang si Cathleen, at inaya ko siya na kung ayos lang sa kaniya ay doon nalang siya tumira sa inuupahan ko na bahay. Fifteen year's old palang kase ako ay doon na ako nag-umpisa na magtrabaho. Naubos na kase yung sarili kong pera sa banko dahil ginamit ko iyon sa pag-aaral ko. Nanakawan pa ako noon ng pera at hindi ko malaman-laman kung sino ang nag-nakaw. Pareha kame ni Cathleen, na nagtutulungan sa pagbabayad ng bahay, ilaw at tubig. Minsan ay rumaraket kame kaya may pandagdag na rin kame sa ipon namin kahit papano. “SIENNA!!” Dahil sa lakas ng sigaw nung kaibigan ko ay dali-dali ko siyang pinagbuksan ng pintuan at nagtataka ko itong tinignan. “Sienna, /*exhale*” “Kumalma ka muna, Cathleen. Ano ba ang nangyare sayo huh? Bakit hingal na hingal ka?” Nakakunot noo ko na tanong sa kaibigan ko dahil sa itsura nito ngayon na pawis na pawis. Akala mo hinabol ng sampung aso e. “K-Kase /*exhale* heto oh” Iniabot niya sa akin yung isang papel at may nakasulat doon na ‘Hiring Secretary’ “Anong naman ang meron dito, Cathleen?” Naguguluhan ko na tanong sa kaibigan ko. “Ano ka ba naman, syempre papasukan mo. Sayang naman kase Best, at isa pa malaking kumpanya kase iyan, malaki rin ang pa-sweldo” nakangiting sagot ni Cathleen, sa akin kaya naman napakibit balikat ako. “Wala naman akong kaalam-alam pagdating sa pagiging sekretary e,” wika ko sa aking kaibigan. “Susubukan mo lang naman. Isa pa, sayang kase yung mauunahan ka ng iba” tugon nito kaya naman napabuntong hininga ako. PAGDATING ng hapon ay nakipagkita na muna ako sa boyfriend ko. May boyfriend ako at ang pangalan niya ay Harvie. Isa rin talaga siya sa mga naging karamay ko. Pero hindi niya gaanong alam ang tungkol sa nakaraan ko. Hindi ako masyadong nagkukwento sa kaniya. “Love, kumain ka na” Tinignan ko si Harvie, at tumango ako. Tinapat naman nito sa akin yung kutsara niya kaya sinubo ko na yung nasa kutsara na cake. Ngayon lang ulit kame nagkita dahil busy rin talaga ito sa trabaho niya. PAGKATAPOS naming kumain ay naggala na rin muna kame. Bumabawe raw siya ngayon dahil sa ilang linggo niyang pagkabusy. “Magpicture tayo dito” Nakangiting sabi nito kaya nakangiti rin akong humarap sa camera ng cellphone niya. “Patingin ako” Pinatingin rin naman nito kaagad sa akin yung cellphone niya. “Ang ganda ng katabi ko ‘di ba?” Tinignan ko ito at kaagad rin akong umiwas ng tingin sa kaniya. “Namumula ang girlfriend ko. Nako mukhang kinikilig na naman” Mas lalo akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Kaasar naman. Oo na, kinikilig na. Pero hindi na kailangan ipamukha sa akin. Mas lalo tuloy ako namumula eh. PAGKAHATID sa akin ni Harvie, sa bahay na inuupahan namin ni Cathleen, nagpaalam na rin ito kaagad. “Tatawagan nalang kita kapag nasa bahay na ako. Huwag ka na rin magpupuyat huh” Tumango ako at humalik naman ito sa noo ko. “Nandito ka pala, Harvie” Nilingon namin ni Harvie, si Cathleen, at pareha silang ngumiti sa isa't-isa. “Magandang gabi sayo, Cathleen. Kumusta ka na?” “Okay lang. Tara pasok ka muna sa loob. Nagluto kase ako ng panghapunan namin eh. Baka gusto mong sumabay sa amin ni, Sienna?” Patanong pa ni Cathleen, kay Harvie “T-Tama si Cathleen, Love. Tara sa loob” “Uhm, hindi na. Kailangan ko na kaseng umuwe eh. Sige na, mauna na ako. Salamat nalang Cathleen” Nakangiting tugon ni Harvie, at lumakad na ito paalis. Napatango na lamang kame ni Cathleen, at pumasok na rin ako sa loob. KINABUKASAN, kakauwe ko lang ngayon sa inuupahan naming bahay dahil pinuntahan ko kanina yung sinasabi sa akin ni Cathleen, na kumpanya. Gusto ko sanang mag-apply, ang kaso mo naman ay may nakahanap na sila. Nahuli na ako ng dating kanina. Napabuntong hininga na lamang ako at dali-dali kong hinanap si Cathleen, para sabihin sa kaniya ang dala kong bad news. “CATHLEEN?! CATHLEEN, ANDITO NA AKO!” Sigaw ko at umakyat ako sa hagdan upang puntahan sa ikalawang palapag si, Cathleen. May isang kwarto pa kase sa itaas at baka andoon siya ngayon. Pagka-akyat ko ay pumasok na kaagad ako sa kwarto at sa pagpasok ko ay naabutan ko si Cathleen, na masyadong balot na balot ng kumot habang nakahawak sa tiyan. Napatingin rin siya sa gawi ko at kaagad niya akong nginitian. “Cathleen, may sakit ka ba?” Nag-aalala ko na tanong sa kaniya at lalapitan ko na sana siya pero kaagad niya rin akong pinigilan gamit ang kamay niya. “Diyan ka lamang Sienna, kase wala naman akong sakit e. Basta diyan ka lang” Pilit na ngiting pagpigil nito sa akin. “Okay ka lang ba huh? Gusto mo ba ipagluto kita ng pagkain na may sabaw?” “Hi-Hindi na Sienna, kaya sige na umalis ka na rin” Peke itong tumawa sa akin kaya napatango nalang ako dahil baka ayaw niya talaga na andoon ako. Wala akong choice kundi ang lumakad pababa. Pagbaba ko ay naupo na muna ako saglit sa upuan at sinubukan kong tawagan ang boyfriend ko. Makailang beses na pagriring pero hindi manlang niya sinasagot yung tawag ko. Marahil ay dahil busy siya ngayon. KINAGABIHAN, habang kumakain kame ni Cathleen, ng hapunan ay napansin ko na mula kanina ang paglalakad nito na paika-ika. Tumayo naman ito at tsaka niya inilagay sa lababo yung pinagkainan niya. Siya na rin ang naghugas. Ang mga mata ko naman ay napatingin sa parehang binti niya at maging sa paa. “Cathleen, maayos ka lang ba talaga huh? Masakit ba ang mga paa mo? Gusto mo ba ipa-check up natin iyan?” Nag-aalala ko na tanong sa aking matalik na kaibigan. “H-Huh? Hindi na Sienna, dahil gaya nga ng sinabi ko ay ayos lang talaga ako. Natalisod lang talaga ako kanina kaya ganito ako kung maglakad” Nakangiti nitong sagot sa akin. “Sige, pero magsabi ka lang sa akin kung may masakit sayo, okay? Nag-aalala lang kase talaga ako sayo eh” Nakangiting pagtugon ko. “Huwag kang mag-alala sa kalagayan ko dahil maayos lang ako. Sige maiwan na muna kita dito, aakyat na ako sa kwarto ko.” Nakangiting saad nito kaya naman tumango ako bilang pagtugon. MATAPOS kong kumain at magligpit ng mga ginamit ko sa pagkain ko kanina, ay pumasok na rin ako kaagad sa kwarto ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook