KINABUKASAN, pagkagising ko ay naghilamos na kaagad ako ng aking mukha at nag toothbrush na rin ako. Matapos kong gawin ang mga iyon ay nagtungo na ako sa sa labas at pagkalabas ko ay naabutan ko sila Harvie at Cathleen, na magkasama.
“Love” Pagtawag pansin ko sa boyfriend ko at dali-dali naman siyang napatayo at lumapit sa akin.
“Lo-Love, good morning” Maliit na ngiting bati nito sa akin kaya ngumiti ako ako sa kaniya. Lumapit naman ito sa akin at humalik rin siya kaagad sa pisnge ko.
“Love, gumala tayo sa park. Ang ganda ng panahon ngayon kaya maganda rin ang maggala doon.” Nakangiting pag-aaya ko sa boyfriend ko at napadako naman ang kanyang tingin sa bestfriend ko at tsaka niya ulit ako tinignan.
“Si-Sige. Pero isama na rin natin si Cathleen, tutal siya lang rin naman ang maiiwan dito eh,” Pagtugon ni Harvie, kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango.
“Walang problema sa akin, Love” Tugon ko at pumasok na ulit ako sa loob ng bahay upang maligo at makapagpalit ng suot.
Hindi na bago sa akin na gumagala kame ni Harvie na kasama namin si, Cathleen. May point rin naman siya na mag-isa nalang si Cathleen, dito kaya mas okay na rin na isama namin ito.
PAGKARATING namin sa park ay kaagad na bumili ng street food si, Harvie. May isa kaseng lalaki dito ang nagtitinda talaga ng street foods. Karamihan na tinda dito ay mga cotton candy, mga laruan, ice cream, mais with chesse at may isa pa kaso hindi ko naman alam ang tawag doon.
“Heto na” Nakangiting inabot ni Harvie, yung binili niyang kwek-kwek at fishball sa amin ni, Cathleen.
“Salamat, love” Ngumiti si Harvie, bilang tugon sa aking sinabi. Kinuha rin niya yung panyo sa bulsa ng pants niya at pinunasan nito yung noo at pisnge ko dahil sa pawis.
“Umm Sienna, kumusta yung pinuntahan mo kahapon? Nakapasa ka ba sa interview?” Napatigil ako sa pagsubo ng kwek-kwek nang magtanong bigla si Cathleen, sa akin.
Nginitian ko si Cathleen, at kaagad akong umiling at sumagot, “Hindi. May nakuha na raw kase sila e,” sagot ko
“Interview? Nag-apply ka pala ng trabaho kahapon?” Tumango ako sa tanong ng boyfriend ko.
“Oo. Si Cathleen, ang nagsabi sa akin 'non. Kaso nahuli naman ako ng dating doon dahil may nakuha na kaagad sila. Hindi ko rin naman masabi-sabi sayo, kase alam ko rin naman na busy ka sa trabaho mo.” Sagot ko sa tanong niya.
“Pasensya ka na Love, kung minsan bihira nalang tayo na nakakapag-usap. Pero huwag mo rin papagurin yung sarili mo kung sakaling makahanap ka nga ng trabaho.” Napangiti ako nang sabihin iyon ni, Harvie. Alam ko naman na palagi siyang nakasuporta sa akin eh.
AUTHOR's POV
HABANG kumakain ng street food sila Sienna, Cathleen at Harvie, ay may isang lalaki naman sa pinakadulo ng park ang galit na galit sapagkat hindi nila mahanap ng mga tao niya ang anak niyang babae.
“Bweset! Hanapin niyo na si, Azilenia.” Galit na utos ni Laxerous, sa mga tao niya.
“Opo, Boss” Kaagad na naghiwalay-hiwalay ang mga tao ni Laxerous, upang mapabilis ang kanilang paghahanap kay, Azilenia.
HABANG ang batang babae na anak naman ni Laxerous, ay inis na nakikipag-away sa kapwa niya batang babae.
“Ako ang nauna sa swing, kaya ikaw ang umalis diyan.” Galit na itinulak ng batang babae si Azilenia, kaya nakaramdam ng pagkainis ang batang si, Azilenia.
“Sino ka para itulak ako huh? Wala kang karapatan para itulak ako.” Galit na itinulak rin ni Azilenia, ang batang unang nanulak sa kaniya.
“Honey! Oh my gosh! Anong ginawa mo sa anak ko?” Bigla na lamang dumating ang isang ginang at tinulungan ng ginang yung anak niya na makatayo.
“M-Mommy, tinulak niya ako” Pekeng pag-iyak ng bata sa kaniyang ina.
“Aba, hoy! Wala kang karapatan para itulak ang anak ko. Nasaan ba ang mga magulang mong bata ka huh? Dapat tinuturuan ka ng magandang asal.” Galit na singhal ng ginang kay Azilenia, kaya malamig na tingin lang ang ipinukaw ni Azilenia, sa ginang.
“Isusumbong kita sa Daddy ko!!” Sigaw ni Azilenia, sa ginang at kaagad itong tumakbo paalis doon.
Habang tumatakbo si Azilenia, ay hindi niya napansin ang bato na nakaharang sa dinadaanan niya dahilan para madapa siya. Lahat naman ng iyon ay nasaksihan ni, Sienna.
“Da-Daddy!!!” Napahagulgol sa iyak ang batang si Azilenia, dahil sa sakit ng sugat niya sa kaniyang tuhod. Dali-dali namang tumakbo si Sienna, palapit sa bata.
“Halika ka” Kahit na nandidiri si Azilenia, kay Sienna, ay pumayag pa rin ito na tulungan siyang makatayo. Kaagad rin namang lumapit sila Cathleen at Harvie, kay Sienna.
“Sienna, hayaan mo na ang batang iyan. Baka mamaya magpunta pa dito yung mga magulang niyan tapos ikaw pa ang masisi na nagpaiyak sa batang 'yan.” Tila hindi nagustuhan ni Sienna, ang sinabi sa kaniya ng matalik niyang kaibigan kaya seryoso niya itong tinignan.
“May sugat siya. Tsaka bata ito at wala akong pakealam kung masisi ‘man ako ng mga magulang niya. Kaya ko namang magsabi ng totoo eh.” Medyo inis na wika ni, Sienna at muli niyang tinignan yung batang babae at nginitian niya ito.
“I-It's hurt” Mahinang sabi ni Azilenia, na tama lang na marinig ni, Sienna. Kaagad naman na ngumiti si Sienna, sa bata at tsaka niya kinuha sa bag niya yung dala niyang band aid. Kumuha rin si Sienna, ng bulak at alcohol. “Oh my gosh, huwag mong lalagyan ng alcohol yung wounds ko kase masakit iyan.” Maarteng pagpigil ni Azilenia, kay Sienna.
“U-Uhh, na-nako hindi naman ito masakit eh. Maniwala ka sa akin, tsaka lilinisin ko lang yung sugat mo. Hawakan mo nalang itong tela ng damit ko at huminga ka lang nang malalim.” Nakangiting saad ni Sienna, at tila nakumbinsa nga si Azilenia, sa sinabi ni Sienna.
“Fine. Do i—AHH!!” Hindi na naituloy ni Azilenia, ang gusto niya sanang sabihin dahil bigla nalang siyang napasigaw noong idikit na ni Sienna, yung bulak na mayroong alcohol.
“Hindi naman gaanong masakit 'di ba? Ilalagay ko na ang band aid, okay?”
Walang choice si Azilenia, kundi ang tumango na lamang sa sinasabi ni, Sienna. Matapos na mailagay ni Sienna, yung band aid ay tumayo na ito kaagad.
“Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit nag-iisa ka lang dito?” Nakangiting tanong ni Sienna, kay Azilenia.
“Nahiwalay ako sa, Daddy ko. Hindi ko siya mahanap. And nag play lang naman ako doon sa swing pero may umaway naman sa akin na isang matandang kulubot ang mukha na feeling maganda.” Napanganga na lamang si Sienna, dahil sa sagot na narinig niya mula sa bata. Ang nasa isip ngayon ni Sienna, ay parang hindi tuloy bata ang kausap niya ngayon.
“Love, tara na, umuwe na tayo” Pag-aaya ni Harvie, sa girlfriend niya.
“Tama si Harvie, Sienna, kaya iwan mo na ang batang 'yan dahil for sure darating rin naman yung nanay niyan or tatay niyan.” Dugtong pa ni, Cathleen.
Tinignan naman ni Sienna, yung bata at nakita niya itong nakatingin rin kila Harvie at Cathleen, at bigla nalamang rin siyang umirap.
“Mauna nalang kayo. Umm Love, ihatid mo nalang muna si Cathleen, sa bahay. Dito na rin muna ako at ako nalang ang sasama sa batang ito na antayin yung mga magulang niya. Mahirap na kase at baka may mangyare pa sa kanyang masama at kargo de konsenya ko pa. Sige na, mauna na kayo.” Nakangiting wika ni Sienna, sa dalawa niyang kasama.
“Pero Love, walang maghahatid sayo pauwe” Kaagad na umiling si Sienna, dahil sa sinabi ng boyfriend niya.
“Malaki na ako at kaya ko namang umuwe na mag-isa eh. Sige na umalis na kayo.” Nakangiting sagot ni Sienna, kaya nilapitan siya ni Harvie, at hinalikan siya nito sa noo.
“Ingat ka sa pag-uwe mo, okay? Bye” Tumango si Sienna, bilang pagtugon at tsaka naman lumakad sila Cathleen at Harvie, paalis sa lugar na iyon.
SIENNA POV
THIRTY MINUTES na ang lumilipas pero hindi pa rin dumarating yung magulang nitong batang babae.
“Kabisado mo ba ang contact number ng Mommy mo or Daddy mo? Tatawagan ko nalang sila para naman mapuntahan ka nila kaagad dito” Tanong ko sa kaniya at mataray naman niya akong tinignan at napairap pa ito.
Hindi ko alam kung bata ba ito o hindi eh. Pwedeng hambalusin.
“Hindi ko kabisado ang contact number ni, Tanda. Wala na rin akong Mommy, kase yung Mommy, ko ay isang haliparot at iniwan niya lang kame ni, Tanda” Mataray nitong sagot na nagpatahimik sa akin.
Daddy, ba niya ang tinutukoy niyang tanda?
Isang bata ba talaga ang aking kausap ngayon? Daig pa niya kase ang matanda kung magsalita eh.
“Master Azilenia!!!” Pareha namin na tinignan nitong batang kasama ko yung dalawang babae at tatlong lalaki na papalapit sa gawi namin.
“Andito na sila. Sila ang mga tao ni, Tanda” Halata sa tono ng pananalita nitong batang katabi ko ang pagkabored.
Pagkalapit naman sa amin nung lima ay kaagad nilang kinuha mula sa tabi ko yung batang babae kaya napatayo kaagad ako. Malamig ang paraan ng pagtitig nila sa akin. Kung ganon pala ay mayaman ang batang ito? Pero halata naman kase eh.
Ilang beses rin akong napalunok dahil bakat ang mga baril nila sa tagiliran. Dalawang beses rin akong napaatras.
Nagulat na lamang ako nang tutukan ako ng baril nung lima. Biglang nanginig yung katawan ko nang makita ko sa malapitan yung baril. Parang bumabalik yung nangyare noon.
“Hey! Kayo, ibaba niyo nga ang mga baril ninyo.” Inis na pagsita nitong batang babae at nag-aalinlangan naman na itinago nung lima ang mga baril nila.
“Sino ka? Bakit kasama mo ang Master, namin? May balak ka ba na kunin siya at itakas huh?” Seryosong tanong sa akin nung babae na may maikling buhok.
“Hi-Hindi. Sinamahan ko lang t-talaga siya dito para maantay niya k-kayo. H-Hindi naman ako masamang tao eh.” utal-utal kong sagot sa kaniya at pinasadahan naman niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.
Nakakailang ang ginagawa niya.
“Master Azilenia, kinakailangan na nating umalis. Galit na galit na ang iyong ama. Pati kame ay malalagot rin kay Boss, kaya naman tara na.” Seryosong wika naman nung isang lalaki na may hikaw sa kaliwang tenga.
“/*cross arms* nasaan ba si Tanda, huh? Puro kase siya cellphone kaya hindi niya ako nababantayan. Tapos kayo naman ay hindi niyo rin ako binabantayan ng maayos. Huwag na kayong magtataka kung parurusahan kayo ni, Tanda” Para na talagang isang matanda itong bata. Pero mali rin naman na hindi niya ginagalang ang mas nakakatanda sa kaniya.
“Umm bata, galangin mo dapat sila kase mas nakakatanda sila sayo.” Pagsingit ko sa kaniya at taas kilay naman niya akong tinignan.
“So what? Hmp! Let's go na, dahil sure akong umuusok na naman yung ilong ni, Tanda.” Pagmamataray nitong sabi at nauna na siyang naglakad paalis at kaagad naman na sumunod sa kaniya iyong mga kasama niya. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa mga nangyare ngayong araw.
Hayts. Hanggang ngayon pala ay takot pa rin ako sa baril. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga nangyare noon. Patuloy lang na bumabalik sa akin ang lahat-lahat. Sobrang hirap kalimutan ng nakaraan ko.
Pinilit ko nalamang ang ngumiti at lumakad na ako paalis sa park.
PAGKAUWE ko ay pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay.
Habang inaayos ko yung sapatos na sinuot ko ay may kakaiba akong napansin kaya naman kaagad kong tinawag si, Cathleen.
“Cath! Cathleen!!” Nakailang tawag ako sa pangalan niya ngunit hindi siya sumasagot kaya naman ako na mismo ang umakyat papunta sa taas upang mapuntahan siya sa kwarto niya.
Pagkaakyat ko ay bubuksan ko na sana yung pintuan kaso bigla nalang itong bumukas at bumungad sa akin si Cathleen, na nakatapis lamang ng towel.
“N-Nakauwe ka na pala, Sienna” Maliit na ngiting wika nito kaya nakakunot noo ko siyang tinignan.
“May kasama ka pa ba dito? Para kaseng may narinig akong ibang boses e,” Papasok sana ako sa kwarto niya pero kaagad niyang iniharang yung kamay niya.
“Wa-Wala akong kasama, Sienna. Tsaka nanonood kase ako ng C-Drama bago ako maligo.” Nakangiting tugon ni Cathleen, kaya naman napatango na lamang ako.
“Ganoon ba? Sige, bababa na ako.” Nakangiting pagtugon ko at tinalikuran ko na siya at tsaka ako lumakad pababa sa hagdan.
MAKALIPAS ang isang linggo ay naging madalang na lamang ang pag-uusap namin ni Harvie, dahil na rin sa pagiging busy naming dalawa. Pero sa aming dalawa ay ako ang mas nagbibigay ng oras. Siya kase ay busy mula umaga, hanggang gabi.
Ngayong araw ay nag-aayos ako ng aking sarili dahil mag-aapply ako ng trabaho. Kahit anong trabaho ay handa kong tanggapin basta hindi ilegal.
“Aalis ka na?” Tanong sa akin ni Cathleen, habang kumakain ito ng mani.
“Uhh oo. Tsaka nga pala baka magpunta dito si Harvie, mamaya kaya pakisabi nalang sa kanya na antayin ako.” Nakangiting sagot ko.
“Hmm, talaga? Sige Sienna, ako na ang bahala.”
“Oh sige, aalis na ako” Nakangiting sambit ko at lumakad na ako palabas ng bahay na inuupahan namin.
Sana naman may ma-aplayan akong trabaho. Kailangan na kailangan ko talaga ng pera ngayon. Baka palayasin na kame sa bahay dahil dalawang buwan na rin kameng hindi nakakabayad. Nakakahiya na rin talaga sa may-ari eh.
Lumaki ‘man ako sa mayaman na pamilya pero marunong naman ako sa salitang diskarte. Kailangan ng diskarte sa buhay para magkapera. Tinuruan rin ako noon ng mga magulang ko kung paano kumita ng pera. Dapat raw ay hindi ako maging maarte sa trabaho kung hindi naman ito ilegal. Sinabi rin nila na dapat ay matuto akong magtipid at mag-ipon para kung sakali na magkaroon ng biglaang problema ay mayroon akong maipapambayad at maigagastos na pera.
***
“Sorry pero kase may nahanap na kame”
“Umm sige po, salamat po”
___
“Nako hija, pasensya na pero hindi na kase talaga kame nangangailangan eh. Sa iba ka nalang maghanap. Pasensya na”
___
“Hindi pa kame hiring, Miss”
___
“Masyado kang payat kaya baka hindi mo kayanin ang trabaho dito.”
“Manong, kaya ko po ang fabrica. Tsaka nakapag college rin naman po ako, kaya baka naman po payagan niyo na ako.”
“Pasensya na pero hindi talaga pwede eh. Baka makasira ka lang dito.”
Ang dami kong inaplayan pero hindi talaga ako matanggap-tanggap. Ganon ba talaga ako kamalas? Trabaho lang naman ang gusto ko eh, pero bakit ayaw pa rin ibigay? Nakakainis naman eh.
Hayts mommy, daddy, sobrang hirap po pala ng ganitong buhay. Ngayon ko lang rin talaga nalaman kung paano naghihirap ang mga magulang para lang may maipampakain sa anak. Wala pa nga akong anak o pamilya, pero alam kong ganito rin ang dinaranas ng ibang tao.
Siguro bukas nalang ulit, baka sakaling may mahanap na akong trabaho. Sana nga meron na. Mahirap ang maging tambay lang at mag-antay sa trabaho. Dapat talaga ako mismo ang naghahanap.